Chapter Fourteen- Visiting Home

1.2K 59 4
                                    

Chapter Fourteen

Visiting Home


NAG-AALALA si Pro sa pwedeng mangyari sa kanya sa pageant. Unang beses niyang sasabak sa ganoong uri ng contest at hindi siya confident. Hindi na siya makakaatras dahil naka-oo na siya. Parang gusto niya tuloy na pagsisihan ang misyong ito.

"Mamasyal tayo bukas, Pro," sabi ni S sa kanya nang lapitan siya nito sa balkonahe. "Let's visit the queen."

"Nandito rin ang ate mo sa London?" gulat niyang tanong.

"Hindi si Ate ang ibig kong sabihin. I'm talking about the Queen of England." She sighed and then smirked. "Hey, akala ko ba pumayag ka na sa magiging set-up natin?"

"Ano pa nga ba ang magagawa ko?" angil niya.

"Don't worry. Tutulungan tayo nina Kuya Eli at Ate Debbie sa pagsali mo sa 'Venus'. Tutulungan din tayo ng kakambal ko kaya 'wag kang masyadong mag-alala diyan."

"Paano kung hindi ako manalo?"

"Sigurado akong may Plan B na sina Kuya kaya just chill, all right?" cool nitong sabi pero hindi niya magawang mahawa sa coolness nito. Madali nitong nasasabi iyon dahil hindi naman ito ang sasali sa isang beauty pageant. Magiging chaperone niya lang ito roon. Tumabi ito sa kanya at sumandal sa railing ng balcony at nakatingin sa kanya. "Kapag nanalo ka, meron kang one hundred thousand dollars, meron akong bagong kotse at makukuha natin ang headdress," sabi pa nito saka ngumiti.

"Hindi ba dapat akin din ang kotse?"

"Ikaw naman, para kotse lang eh."

"You can buy a car. You're wealthy."

"Pero iba pa rin 'yong pinaghirapan 'di ba?"

"Pinaghirapan? Ikaw na lang kaya ang sumali?" naiinis niyang sabi rito.

"Oops! Bawal sumimangot. Dadami ang wrinkles. Kailangan ikaw ang pinakamaganda sa pageant," sabi pa nito. Lalo lang niya itong sinimangutan. "Matagal pa ang pageant kaya isantabi mo muna. Let's grab the opportunity that we can roam the city. Sige na. Samahan mo na ako. Malungkot mamasyal mag-isa."

"Oo na."

"Yes! Wala ng bawian ha?"

And there he went, humming like a child with a lollipop. Minsan nabababawan siya sa kaligayahan nito pero gano'n ito eh. Madali itong pasayahin pero sa likod ng masaying mukha ay isang lalaking naghahanap ng kasagutan tungkol sa tunay na pagkatao. She doesn't mind doing something to make him happy. Siguro nga dapat hindi muna niya isipin ang tungkol sa misyon.

She suddenly remembered her foster father.

"Dad, naaalala mo pa kaya ako? Iniisip mo rin kaya ako o galit ka dahil umalis ako nang walang paalam?" naitanong niya habang nakatingin sa malayo. "Daddy..."


NOONG bata pa si Pro, ang siyudad ng London ay tila napakalaki pero hindi na ngayon. She'd been to many places. Marami na siyang nakitang magagandang tanawin pero hindi no'n mapapantayan ang lugar na sinilangan niya. Nasa harap sila ng Buckingham Palace gaya ng napakaraming turista na naroon. Wala naman silang ginagawa kundi tumayo at magmasid sa paligid. Kanina pa sila nakatayo roon.

Siya lang pala ang walang ginagawa. Busy si S sa pagkain ng fish and chips. Tiningnan niya ito. Sa pananamit pa lang ay hindi talaga ito mukhang mayaman. May punit pa sa tuhod ang suot nitong pantalon. Nakatali sa likod ang may kahabaan nitong dilaw na buhok kaya kapansin-pansin ang hikaw nito sa kaliwang tainga.

"Gusto mo ng waffle?" tanong nito sa kanya habang ngumunguya ng chips. Tumango siya. Agad siya nitong iniwan at nagpunta sa pinakamalapit na waffle stand. Mula ng magkaayos sila ay hindi na siya nito gaanong inaasar. Madalas itong magpa-cute para makuha ang gusto. Inaasikaso na rin siya nito bilang babae 'di gaya noon na kung ituring siya nito ay isang lalaking maton. Talagang pinagsisilbihan siya nito para hindi niya isipin na umatras sa beauty pageant.

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon