Chapter Eighteen- A Real Man

1.2K 63 10
                                    

Chapter Eighteen

A Real Man


NAIINIS si S. Naiinis siya sa ginagawa ni Pro. Parang gusto niyang silaban ang buong stage. Natigil siya sa pagbabalak ng masama nang sikuhin siya ni Star na katabi niyang nanonood.

"Ano'ng problema mo diyan?" sita ni Star sa kanya. Hindi siya kumibo pero naiinis pa rin siya. "Wag mong sabihing naiinis ka?"

"Mukha ba akong naiinis?"

Sa halip na sumagot ay pinisil ni Star ang magkabilang pisngi niya at binanat. Napa-aray tuloy siya. Buti na lang at lahat ng mga tao ay sa stage naka-focus kaya walang nakakita sa kanila na ganoon.

"Ang OA mo kasi. Ginagawa lang ni Pro ang trabaho niya kaya wala kang karapatang mag-inarte. Magpalit kaya kayo ng katayuan," sabi ni Star. Alam naman niya iyon pero di niya magawang hindi mainis. Paano ba kasi? Sa production number ng pageant night, nagsayaw ng maharot ang mga candidates at si Pro, kung saan-saan hinahawakan ng kapares nito. Ang ikli pa ng suot nito. Lahat kasi ng mga kandidata ay nakasuot ng lingerie.

"Hey!" angil niya nang sikuhin siya ulit ni Star.

Star looked at him mischievously. "Kung mainis ka eh para kang boyfriend ni Pro ah. Wala namang mawawala sa'yo kung aamin kang may gusto ka na sa kanya."

Wala ngang mawawala pero magiging halimaw ako.

Hindi na lang siya sumagot dahil hindi pa alam ni Star ang tungkol sa sumpa ng angkan nila. Isa pa, wala naman siyang dapat aminin dahil wala siyang gusto kay Pro maliban sa pagkakaibigan.

Ilang sandali pa ay natapos na ang nakakainis na production number. Punong-puno ng mga tao ang malaking hall na iyon sa isang hotel sa Paris. 'Yon na ang gabing pinakahihintay ng lahat dahil sa gabing iyon ay malalaman na kung sino ang mananalo at ang makakakuha ng 'Seduction Jewels'.

Pro was fiercely and seductively beautiful that night. Ni hindi niya ito agad nakilala nang lumabas ito sa stage. Mas lalo siyang napanganga at halos hindi makahinga nang rumampa ang mga kandidata para sa kanilang swimsuit competition. Maraming magagandang kandidata at pare-pareho ang suot na tiger-printed two-piece swimsuit pero ang mga mata niya ay nakatutok lamang kay Pro. Ngayon niya pa ito nakitang ganoon ka-sexy at seductive. Maiingay ang audience habang nagaganap ang pagrampa pero halos mabingi siya sa hiyawan nang si Pro ang maglakad. No doubt, Pro was the crowds favorite.

"Gotcha!" nakangising sabi ni Star matapos siyang kunan ng picture gamit ang cellphone nito. "Wait 'til our brothers see you epic face!" anito sabay pakita sa kanya ng picture niya habang nanonood. Nakanganga siya roon.

"Esther, binabalaan kita. I-delete mo 'yan!"

"No way!" and she stuck out her tongue and keep her cellphone. Kailangan niyang pagplanuhang kunin iyon mula sa kakambal niya.

During the swimsuit ini-announced ang ilang minor awards including the Best in Talent na napanalunan ni Pro. Hindi na niya iyon ipinagtaka dahil nang mag-talent competition, ang napili nitong talent ay sword fighting. Hindi man ito nagsuot ng napaka-sexy na damit pero nasaksihan niya kung gaano ito ka-deadly literally at paano nito nakuha ang bansag na 'Le Femme Fatale' among the candidates. Kahit noong nasa training pa sila, higit sa iba't ibang klaseng baril, ang pinakapaborito ni Pro ay mga espada at patalim.

Sa swimsuit competition din ini-announced ang 'Voters' Choice' Award at pinanalunan din iyon ni Pro kaya pasok ito agad sa Top Ten. Sinigurado niyang mapapasok si Pro sa Top Ten at kinailangan niya ang tulong at impluwensiya ng Kuya Eli niya. Sa simula pa lang ay alam na nilang may hindi lumalaban ng patas sa pageant kaya kailangan nilang makasiguro.

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon