Chapter Twenty-Three
The Real Feelings
KUNG GAANO katahimik at kaseryoso sina Zee at F, kabaliktaran ang kambal na sina Elisha at Elijah. Na-realized ni Pro kung saan nakuha ni S ang kakulitan kasi napakakulit ni Elijah. Si Lear na hindi naman usual na palakibo ay nahawa rito dagdagan pang makwento rin si Elisha. Lunch time pa lang ay naroon na sa bahay nina Elisha at Faye ang mag-asawang Elijah at Sari kasama ang anak ng mga ito na si Dan pero hindi lang doon natapos ang kulitan at asaran ng magkakapatid. Hanggang sa simula ng second round ng face-off nina Elisha at Lear, naging taga-kantiyaw sina Elijah at S.
"Elijah, hindi makakapag-concentrate sina Elisha at Lear kung ginugulo mo," saway ni Sari sa asawa. Nanonood kasi sila ng laban. So far ay hindi pa nananalo maski isa si Lear.
"Honey, ang tawag diyan ay obstacle. Diyan natin malalaman kung sino ang talagang magaling kung mananalo pa rin sa kabila ng ingay namin," nakangising sagot ni Elijah. "May joke ako!" biglang announced nito.
"Ano 'yon, Kuya?"
"Ka-kornihan na naman 'yan," sabi ni Faye.
"What's the ugliest animal in the world?" tanong ni Elisha.
"Ano, Kuya?" tanong ni S.
Ngumisi si Elijah saka tumingin kay S. "Eh di cow!"
Panay ang tawanan ng mga naroon maging ni Elisha pero siya at si Lear ay clueless at hindi magawang matawa. Hindi niya kasi na-gets ang joke.
"May joke rin ako," sabi ni S. "Sino'ng singer ang mabilis manahi?"
"Sino?" tanong ni Faye.
"Eh di si Taylor Swift!"
"Ang korni!" sabi ni Elijah na natatawa saka kiniliti sa leeg si S na agad nagsisigaw sa kakatawa. Panay ang iwas nito sa kuya nito pero hindi ito binitawan ni Elijah. Nagtatawanan na sila. Hindi niya matukoy kung natatawa si S o nasasaktan. Malakas pala ang kiliti nito sa leeg. Hindi ito tinigilan ni Elijah hanggang sa humingal at mauubo ng ilang beses.
"Elijah, sinobrahan mo yata," saway ni Elisha sa kakambal. Gumulong na kasi sa sahig si S habang hinihingal. Namumula na rin ang mukha nito.
"You all right, S?" tanong ni Lear.
Tumango ito. Pinalo ito ni Elijah ng throw pillow sa mukha pero ngumisi lang si S. He was so happy and alive. His smile and joy were genuine.
Inalalayan itong umupo ni Elijah saka inagbayan. "Alam mo ba kung ano'ng hayop ang parati kong nami-miss?"
"Ano?"
"Cow pa rin," nakangising sagot ni Elijah saka mariing hinalikan sa pisngi si S at muling pinalo ng throw pillow sa mukha. Nakangising tumakbo palayo si Elijah.
"Yucks!" pinahiran ni S ang pisngi na hinalikan ng kapatid saka hinabol si Elijah. Nagtatawanan nilang pinagmasdan ang dalawa na naghahabulan sa sala.
HINDI NILA alam kung saan na napunta sina Elijah at S. Hinayaan nilang tahimik na maglaro sina Elisha at Lear. Silang mga babae ay nasa kitchen.
"So, alam mo na pala kung ano ang totoong pagkatao ni S," sabi ni Faye.
"I saw all his siblings already."
"Pati ang ate nila?" paniniyak ni Sari.
Tumango siya. "She is scary."
"That's natural," nakangiting sabi ni Faye. "Mas kabahan ka kapag wala siyang ginagawang kakaiba kasi ibig sabihin no'n, may pasabog siya."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...