Chapter Fifteen
Inconspicuous Beauty
PARIS, France.
Nanhihikab pa si Star nang buksan ang pinto ng apartment niya. Sunod-sunod kasi ang nag-doorbell. Ni hindi pa siya nakakapagsuklay. Nawala yata ang antok niya nang makita ang kakambal sa harap ng pinto.
"Bon jour, Mademoiselle Montero!" bati nito sa kanya saka pumasok sa apartment. Magsasalita pa sana siya nang mapansing pumasok rin sa apartment niya ang isang babaeng maganda, kasing tangkad niya at may kahabaang kulay itim na buhok.
"S, nakipagtanan ka ba?" shock niyang tanong sa kakambal.
"Hindi ko siya girlfriend, Star," anito saka dumiretso sa kusina. "Anything for breakfast? We're starving."
"You can cook," aniya. Madalas na ito ang pinagluluto niya kapag bumibisita ito roon. "Gusto ko ng sinangag na may sunny side-up egg."
"Hindi mo diet?"
"Kalilimutan ko muna." Hindi ito sumagot pero ang ingay sa kusina ang patunay na magluluto nga ito. Hinarap niya ang babaeng kasama ng kakambal niya. "Who are you?" seryoso niyang tanong.
"Star, do not try to intimidate her because you can't," narinig nilang sigaw ni S mula sa kusina. "She's my partner and she can knock you down."
"I'm Pro St. John," pakilala nito. Maganda talaga ito kaya hindi niya mapaniwalaang hindi ito nililigawan ng kakambal niyang chick magnet.
"Hindi ka talaga nililigawan ng kapatid ko?"
"Hindi. Magkaibigan lang kami."
"Seriously?" nagulat siya. Para naman itong nagtaka sa reaksiyon niya.
Ilang minuto ang dumaan ay nasa kusina na sila at kumakain ng breakfast. Napalaban siya sa kainan dahil na-miss niya ang luto ng kakambal niya. Tahimik lang si Pro habang inaasikaso sila ni S.
"What brought you here, S?" tanong niya sa kakambal.
"I thought nasabihan ka na ni Kuya Eli."
"Walang sinasabi si Kuya sa akin. Ano ba'ng meron?"
"Are you familiar with 'Venus'?"
"Venus? The Roman goddess of love, sex, beauty and fertility– oh! You mean the beauty pageant?"
"Exactly."
"Of course. Balak ko nga sanang sumali pero busy ako. Malaki ang premyo no'n," aniya saka tumitig kay Pro. "Are you planning to join the pageant?" tanong niya.
"Pro will join that's why we need your help. She needs to win."
"Wait, need? Sounds desperate. Why?"
"Kuya Eli likes to get the prize."
"The prize? Mayaman si Kuya. Kaya niyang magkaroon ng mamahaling kotse at higit pa sa hundred thousands of dollars ang meron siya –oh! Is it about the headdress?"
"Yes. 'Yon ang gusto ni Kuya Eli," sagot ni S.
Tinitigan ni Star si Pro. Napansin niyang biglang naasiwa ang babae.
"Venus is not your typical beauty contest. From the title itself, it's a beauty contest about beauty, love and sexual prowess."
"Sexual what?" parang hindi nagustuhan ng kakambal niya ang narinig.
"Venus is also about seduction! What I mean is, kaya ba niyang humarap sa mga tao nang naka-two piece swimsuit o lingerie lang?
"Lingerie?" it was Pro.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...