Chapter Two- The Rivals

1.4K 67 2
                                    

Chapter Two

The Rivals


2013. BLACK Stag International. New York City, New York.

Parang masisiraan na ng ulo si Blake. Ilang araw na siyang nagtitimpi. Lumabas siya ng opisina niya at agad na pinuntahan ang pinanggagalingan ng ingay na naririnig. Malayo pa lang ay alam na niya kung sinu-sino ang sangkot sa nakakainis na ingay: walang iba kundi ang dalawa sa pinakamagaling nilang mga agents but at the same time ay ang pinakasakit sa kanyang ulo.

Natigilan siya pero agad ding nailagan ang isang bagay na muntik ng tumama sa kanya kung hindi lang naging mabilis ang kanyang reflexes. Nang tingnan niya kung ano ang muntik ng makatama sa kanya, lalo siyang nainis dahil isa iyong lata ng softdrinks na nayupi.

"Babasagin ko ang pagmumukha mo, Montero!" sigaw ng isang babaeng bagamat maganda ay sigurado siyang katatakutan ng sinuman lalo na kapag ganoon ito. Ito ang pinakamatapang na lady agent ng agency at ang matatawag niyang estudyante, si Pro St. John.

"Subukan mo lang!" sagot ng lalaking kaaway ni Pro.

Akmang susugurin ni Pro ang lalaki ng mamataan siya nito. Agad itong huminto. Tumingin din sa kanya ang lalaking kaaway ni Pro at napaatras pa. Ang kaninang audience ng mga ito na parang nanonood ng UFC ay agad na nagsibalikan sa kanya-kanyang trabaho nang makita siya. Bago pa siya makapag-sermon ay may namataan siyang dumating, isang babaeng paminsan-minsan ay nagagawi roon these past few months.

"Good morning, guys! Good morning, Mr. Goodwin. Si Zee?" nakangiti nitong tanong sa kanya. May dala itong paper bag na for sure ay pagkain ang laman.

"He is in his office, Mrs. Philips," sagot niya.

"That's great!" she happily exclaimed saka binalingan ang dalawang nagbabangayan kanina. "S, Pro, may dala akong food para sa inyo," anito sabay labas ng dalawang food container at iniabot sa dalawa. "Masarap 'yan."

"Adobo ito, Ma'am Yñez?" tanong ni S.

"Nahulaan mo!"

"Favorite ni General-manager."

"Meron din para sa'yo, Blake," anito saka siya binigyan ng isang food container. Agad siyang nakaamoy ng masarap. "It's a Filipino dish. 'Hope you like it. Zee taught me to cook that and he learned it from his younger brother."

"Really? Thanks, Ma'am."

"Sige, pupuntahan ko na muna ang asawa ko. Enjoy your lunch," sabi ng babae saka nagtuloy na sa opisina ng general-manager na si Zee Philips. Tumingin siya kina S at Pro na kapwa may hawak ng food container.

"Pasalamat kayo may bisita tayo," nagtitimpi niyang sabi. "Lumayo kayo sa isa't isa at 'wag kayong magkakalat dito. Maliwanag?" singhal niya. Sabay na tumango ang dalawang agents. Bumalik na siya sa kanyang opisina. Nang makabalik siya sa kanyang opisina ay bigla siyang nakaramdam ng gutom. Buti na lang at may pagkain na siya.


NAABUTAN ni Yñez ang asawa na may kausap sa phone. Alam niyang busy ito parati. Ilang buwan na silang kasal at masayang nagsasama. Hindi madali ang pinagdaanan nila para lang magkasama but the pains and hurts were all worth it.

Nang maibaba nito ang telepono ay ngumiti ito sa kanya. Lumapit siya rito at agad itong hinalikan sa labi. Yumakap ito sa kanya. She sat on his lap while kissing him.

"I want to have a lunch with my handsome husband," aniya.

"Adobo ba 'yong naaamoy ko?" tanong ni Zee. Tumango siya saka excited na ipinakita ang laman ng paper bag. "Bigla akong nagutom. Anong oras na ba?"

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon