Chapter Four- Kiss and Fire

1.3K 66 3
                                    

Chapter Four

Kiss and Fire


MADALING nalalaman ni Pro kapag naroon na si S sa opisina. Nagiging maingay kasi ang mga tao sa opisina kapag naroon ito. Ito ang promotor ng kalokohan sa agents department. Kapag wala itong misyon ay tumatambay ito roon.

"Masaya ka yata, Montero," puna ng isang empleyado. Nadaanan niya ang mga ito.

"Hindi ba pwedeng maging masaya?" anito na ngiting-ngiti. Biglang nag-ring ang cellphone nito na agad nitong sinagot. "Hello? Demi, babe!" ngumiti ito pagkuwa'y ngumiwi. "Okay," sabi nito at saka ibinaba na ang cellphone.

"May problema, Montero?"

S smiled. "I'm free!" nakangisi nitong sigaw. Nagtawanan ang mga kaibigan nito. "Single na naman ako. Who wants to apply?" natatawa nitong tanong. Nagngingitngit si Pro sa narinig. Saksakan talaga ng babaero ang Montero na iyon. Laruan lang para rito ang mga babae at lahat ng relasyon nito ay laro lang.

"Pwedeng ako?" sabad ng isang magandang babae sa usapan. It was Lois. Agent din ito at kababalik lang mula sa isang misyon. Lumapit ito kay S. "Ano, Montero?"

Inulan ng tudyuan ang dalawa. Maganda pero deadly si Lois pero hindi niya alam na may gusto ito kay Montero.

"Gusto mo bang mapatay ako ng boyfriend mo?" reaksiyon ni S. Tumawa si Lois.

"Compare sa boyfriend ko, may gwapo ka at astig!"

"Maloko ako pero hindi ako mang-aagaw ng girlfriend ng iba. Sorry Lois pero hindi ko matatanggap ang pag-ibig mo. Masakit mang gawin pero hindi talaga pwede," seryosong sabi ni S. Nagtawanan ang mga kaumpok nito pati na si Lois. Halatang umaarte lang ang lalaki na gentleman kunwari.

"Siraulo ka talaga, Montero. Hindi ko ipagpapalit ang boyfriend ko sa'yo 'no," sabi ni Lois saka ipinakita ang suot na engagement ring. Nagpalakpakan ang mga naroon at agad na binati si Lois. "You're cool but I love my man!"

"Sabi mo eh," nakangiting sagot ni S. "Congratulations. Kelan ang kasal?"

"Pagpaplanuhan pa kaya makikipag-usap ako ngayon kay Sir Blake. Pwede ko kaya siyang gawing ninong sa kasal ko?"

"I don't know. Ang alam ko hindi siya gaanong uma-attend ng kasal. You know what I mean?" makahulugang sabi ni S. Tumango si Lois na agad nakaintindi. Maging si Pro ay aware sa bagay na iyon. Iyon ang dahilan kaya hindi dumalo si Sir Blake sa kasal ng general-manager nila few months ago.

"Ikaw Montero? Kailan ka naman ikakasal?" tanong ng isang agent na naroroon.

"Wala pa 'yan sa isip ko."

"Wala kang girlfriend ngayon?" tanong ni Lois.

"Kaka-break lang niyan!" sigaw ng kung sino na agad binuntutan ng tawanan. Napailing na lang si Pro sa naririnig na usapan. Aalis na sana siya nang marinig na nagsalita si Lois.

"What if 'yon na lang ang ligawan mo?"

Pakiramdam ni Pro ay nagtayuan ang balahibo niya sa leeg. Agad siyang napabaling sa umpukan nina S at natigilan nang nakatingin na ang lahat sa kanya. Hawak ni Lois ang mukha ni S at nakatingin ang lalaki sa kanya.

"Ayoko!" agad na sabi ni S na parang rinding-rindi sa ideyang liligawan siya nito. Agad na nag-init ang kanyang ulo sa narinig. Sa tingin ba nito ay gugustuhin niyang magpaligaw sa babaerong kagaya nito?

"At lalong ayoko sa'yo. Wala kang pag-asa sa akin," malamig niyang sabi rito.

"Hindi kita type! Magbibigti na lang ako," anito na lalo niyang ikinainis. Mas gugustuhin pa pala nitong mamatay kesa ligawan siya?

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon