Chapter Ten
Spark
TAMA ang hinala nila ni S. They found Lear in the oceanarium. Inakala nila na na-kidnap na ito.
Tinawagan sila ni Blake tungkol sa nangyari. Blake was informed by Lear's father. Lear was sitting in front of the part in the huge aquarium where different kinds of jellyfishes can be seen. Wala itong anumang disguise. Sila ang unang nakakita sa teenager.
"Tinakot mo'ko doon ah," sabi ni S na naiiling.
"Pwede bang dito na lang ako?" tanong ni Lear pero nasa aquarium ang tingin.
"Magpagawa ka kaya ng malaking aquarium doon sa bahay niyo. Sabihin mo sa Daddy mo," suhestiyon ni S.
"Hindi siya papayag. He won't allow anything related to the sea into our house. I remember he ordered me to throw away my pet goldfish when I was seven."
"Kung ganon, dapat itigil na rin niya ang pag-inom ng tubig," pamemelosopo ni S. Sinapak ni Pro ang lalaki sa balikat. "Aw! It's a joke!"
"He doesn't like the sea. He doesn't like me," malungkot na sabi ni Lear.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Pro.
"The sea killed Mommy when she was saving me." So aware pala ito sa rumors na kumakalat. "And if I wasn't there, Mommy didn't have to save someone."
"Look Lear, hindi mo 'yon kasalanan. Kahit sino ang naroon ay ililigtas ka. Bata ka pa no'n. Hindi mo alam ang nangyayari. Hindi ikaw dapat ang nasisisi rito. Your Mom saved you because that's what mothers do, to save their children," S said pero naramdaman ni Pro ang hesitance sa boses ng lalaki. Paano nga ba nito malalaman kung 'yon ang ginagawa ng lahat ng ina gayong maging ito ay puzzled kung ano ang dahilan kaya ito ipinamigay ng sariling mga magulang. Hindi niya rin kayang magbigay ng advice. Siya rin naman ay hindi nabiyayaan ng inang mapagkalinga o iniisip siya bago ang sarili nito. Pareho lang sila ni S.
But she remembered something from her 'Dad'.
"May sinabi sa akin ang Daddy ko," aniya. Lear looked at her. "Sabi niya, 'wag daw akong magsasawang mahalin ang mga taong nakapaligid sa akin kahit hindi nila naibabalik ang pagmamahal na ibinibigay ko. Kung titigil ako sa pagmamahal sa kanila, sino pa ang gagawa no'n? Hindi ako naniniwalang hindi ka mahal ng Daddy mo. Meron lang siyang mga issues na hindi pa niya nagagawang ayusin. Ikaw na lang ang meron siya. Kung mawawala ka pa, wala ng iba pang magmamahal sa kanya."
Lear silently cried. "Mahal ko si Daddy kahit gano'n siya. Hindi ko siya sinusuway kahit nahihirapan na ako minsan. I just want him to be proud of me. Baka kasi sa ganoong paraan ay mabawasan ang galit niya sa akin dahil sa nangyari kay Mommy. I don't want to fail him again. I already failed him before."
Nilapitan ito ni S at tinapik sa balikat. "You didn't fail anyone. Kahit sinong magulang ay gugustuhing maging anak ang isang gaya mo kaya dapat maging mas mapagpasensya ka pa. Darating din ang panahon na magiging okay kayo ng Daddy mo."
Tumango si Lear at nagpahid ng mga luha. "Thank you S, Pro."
"No worries," aniya. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng oceanarium. Nai-text na niya kay Blake ang location nila at papunta na ang mga ito roon kasama si Mr. Bradley.
"S, kapag natapos ko 'yong librong sinusulat ko at iba kong commitments, pwede ko bang makilala ang mga kuya mong genius?" Lear asked.
"Bakit?"
"Gusto ko silang makalaro sa chess."
"Oh. Sure. I'll get you an appointment."
"Thanks," Lear smiled. Papunta na sila sa pinag-parkingan ng motorsiklo ni Pro nang may humintong itim na van sa harap nila at may lumabas na mga lalaking kahina-hinala. Napansin agad ni Pro na may mga baril ang ito sa tagiliran.
"Pro, may dala kang baril?" mahinang tanong ni S habang umaatras sila. Lear was behind S, looking terrified.
"Naiwan ko sa apartment."
"Ako rin. And we're calling ourselves agents," S said annoyingly.
"Oh please don't remind me."
"Give the boy to us," utos ng tila leader sa mga estranghero. Natigilan si Pro nang may mabangga sa likod niya. It was a motorcycle. Naka-park iyon doon at napansin niyang naroon ang crash helmet. Kinapa niya iyon at hinawakan. Ang unang lalapit sa kanila ay ang unang hahalik sa helmet na iyon.
"Sorry guys, dadaan muna kayo sa bangkay ko bago niyo makuha ang bata," seryosong sagot ni S. Nang kunin na ng mga goons ang baril ng mga ito at iniumang sa kanila ay iniharang ni S ang sarili sa harap ni Lear. Nagulat si Pro nang pati siya ay harangan nito. He was protecting Lear and her.
"Ano'ng ginagawa mo?" pabulong niyang tanong sa lalaki.
"Take care of him."
Mabilis pa sa kidlat na nasipa ni S ang kamay ng goon na may hawak na baril. Parang nagulat din ang ibang goons at hindi agad naka-react nang lumipad palayo ang baril. Kinuha ni Pro ang pagkakataong maihampas sa na-shocked na goon ang crash helmet na 'hiniram'. Agad na bumagsak ang tinamaang goon.
"Pro, takbo!" sigaw ni S. Agad niyang nahila si Lear at tumakbo sila palayo. She heard gunshots while running with Lear. Nakapagtago sila ni Lear sa likod ng isang van. Nang silipin niya kung ano na ang nangyari kay S, nagulat siya dahil may nakita siyang malaking apoy sa harap ni S, knocking down the other bad guys. Saan galing ang apoy na iyon?
"Si S," nag-aalalang sabi ni Lear.
They heard sirens and gunshots. Hinanap ng mga mata ni Pro si S at nakita niya ang lalaki na nakaupo sa tabi ng isang kotse habang dumadating ang mga pulis.
"Si S!" sigaw ni Lear na nakikisilip din pala. Pinigilan niya ang binatilyo na tumakbo. Nag-aalala rin siya kay S pero hindi niya pwedeng i-risk si Lear. Nang makita niyang dumating si Blake kasama si Mr. Bradford ay saka na siya nakahinga ng maluwag.
"Lear!" sigaw ni Mr. Bradley na nag-aalala.
"Dad!" tumakbo si Lear papunta sa Daddy nito at yumakap. Agad ding tumakbo si Pro palapit kay S. Blake was checking him since duguan ito. Napansin niyang hawak ni S ang kaliwang tagiliran nito at meron din itong sugat sa kanang balikat.
"Nagpatawag na ako ng medic. You'll be fine," sabi ni Blake kay S na agad tumango. He looked all right pero nag-aalala pa rin si Pro.
"Hey, hindi pa ako mamamatay," nakangising sabi ni S kahit sugatan na.
"Shut up," aniya.
"S," it was Lear. "Sorry. I'm sorry," naiiyak na sabi ng binatilyo.
"This is not your fault. I'll be okay."
Ilang sandali pa ay dumating na ang ambulansya. Agad na kinuha ng mga medic si S at isinakay sa ambulansya. Sumama sina Pro, Lear at Mr. Bradley sa ospital samantalang si Blake ang umasikaso sa mga nahuling kidnappers. Sa operating room idineretso si S nang makarating sila sa ospital samantalang ipina-check din sa doctor si Lear dahil nga sa traumatic incident na nangyari. Pro stayed outside the operating room.
Agent si S. Sanay itong masugatan at masaktan pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. She was silently praying na maging okay ang lalaki. After few minutes ay dumating doon ang mag-asawang Zee at Yñez. Siguradong si Blake ang umabiso sa general-manager ng Black Stag International. Zee looked worried pero nanatiling kalmante. Naiintindihan naman niya kung bakit ito ganoon. Kung ibang tao ang napahamak, malamang si Blake lang ang utusan nitong umayos ng mga bagay-bagay pero kapatid nito si S kaya mag-aalala talaga ito ng ganoon katindi. Pahapyaw niyang sinabi rito ang mga nangyari.
After an hour ay inilabas na ng operating room si S. Tulog ang lalaki pero ayon sa doctor ay hindi naman ito nanganganib. Saka pa lang sila nakahinga ng maluwag. Marami ang nangyari sa araw na iyon, karamihan ay puro pangit pero alam ni Pro na hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon kung kailan niya mas nakita kung ano ang nasa likod ng masayahin at nakangiting si S. Ang araw na na-realized niyang hindi lang puro saya ang nararamdaman ng lalaki kundi meron itong tinatagong hinanakit at lungkot na maging ito ay hindi alam kung paano iyon aalisin sa sistema nito.
Ito rin'ang araw na nagbago ng tuluyan ang tingin niya sa dating kinamumuhiang lalaki.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...