Chapter Three- A Conversation with the Matriarch

1.3K 67 4
                                    

Chapter Three

A Conversation with the Matriarch


MATAGAL ng naninirahan sa New York City si S pero ni minsan ay hindi pa siya nakakaapak sa SGC, New York building. Kahit connected ang Black Stag International at ang SGC, hindi pa rin siya komportable sa huli. Noon pa man ay ang BSI na ang goal niyang pasukin.

Bata pa lang siya ay alam na niyang isa ang pamilya niya sa pinakamayaman at pinakamaim-pluwensiyang pamilya sa buong mundo pero minsan ay namamangha pa rin siya sa yaman nila. Sa walong magkakapatid, lima ang businessmen. Matatawag din namang negosyante si Zee although bihira itong makipag-business meeting. Siya naman ay Black Stag agent habang ang kakambal niyang si Star ay isang fashion designer sa Paris. Two of his older brothers, who are businessmen, are in the Philippines. Ang isa ay nasa Kingdom of Hussldren, a small but rich kingdom ni Europe. Samantala, ang panganay nila na siyang matriarch ng pamilya ay walang permanent address at ang kakambal nitong si Eli ay madalas na nasa London.

"Saan ba rito ang opisina ng chairman?" tanong ng sister-in-law niyang si Yñez habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo. Pagpasok nila sa building kanina ay marami silang nakakasalubong na mga tao pero nang sumakay na sila ng elevator at humantong sa palapag na iyon ay walang sumalubong sa kanila na kahit na sino.

"The last floor is always reserved for any Contreras," sagot niya. Technically, nasa huling palapag na sila pero isang mahabang pasilyo pa ang dinaanan nila bago nila marating ang kanilang pakay.

"Wala bang ibang employees dito?"

"Wala po. Nasa protocol ng bawat SGC building na bawal ang sinumang employees sa last floor ng building unless pinatawag. Dito kadalasan nangyayari ang mga corporate meeting with the presence of any Contrerases or their respective right hands," paliwanag niya.

"Have you attended any of those meetings?"

"No. Ayoko rin naman."

Natigilan sila nang makasalubong ng dalawang lalaking nakasuot ng itim na amerikana. Hindi nalalayo sa kanya ang edad ng dalawang lalaki. Ang isa ay mas matangkad kesa sa kanya at may tatlong hikaw sa kanang tainga samantalang ang isa ay asul ang mga mata. Parehong Hispanic ang mga ito.

"Hey, I know the two of you!" bulalas ni Yñez. "We met in our hotel, remember?"

"Kilala mo sila, Ate?"

"Naging guests sila ng hotel namin."

"Good day, Miss dela Rosa –I mean, Mrs. Philips," bati ng lalaking matangkad. Bumaling ito sa kanya. "Good afternoon, Señorito Ezra."

Bihira siyang matawag sa totoo niyang pangalan at ni minsan ay wala pang tumatawag sa kanya na Señorito kaya bigla siyang pinanindigan ng balahibo.

"Don't call me that way. It's menacing!" aniya. The men smiled. "Sino nga pala kayo?"

"I am Evangelista Castillo. You may call me Evan," sagot ng matangkad.

"I am Nathanael Allejo. You may call me Erwan," sabi naman ng blue-eyed. Pinagtakhan niya kung paano naging Erwan ang palayaw ng Nathanael. "What made you came here, Sir Ezra, if you don't mind my asking?"

"Is she here?" tanong niya.

"Are you referring to your sister, Queen Diamond?"

"Yes."

Tumango ang dalawa. "Please follow us," sabi ni Evan. Nagpatiuna ang dalawang lalaki. Sumunod sila rito. They entered a room pero ang tanging naroon ay isang living room set and two young men standing beside another door. Ang dalawang lalaki ay naka-amerikana rin.

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon