Chapter Eleven
Behind the Flame
AGAD NA nakaramdam ng sakit sa kanyang tagiliran si S nang magkamalay siya sa ospital. May malay pa siya nang dalhin roon pero nang ipasok siya sa operating room ay nawalan na siya ng malay. Ang mukha ni Yñez ang una niyang nakita.
"S is awake!"
Agad na lumapit si Zee. His brother looked worried. Tinawag ni Yñez ang doctor. Ilang minuto ring tiningnan ng doctor and nurses ang kalagayan niya and they were relieved na maayos na siya.
"Nagugutom ako," mahina niyang sabi. "I can smell adobo."
"Luto ko," sabi ni Yñez. "Doc, can he eat already?" tanong ng sister-in-law niya sa doctor. Hindi na niya gaanong pinansin ang sinabi ng doctor dahil ang kuya na niya ang hinarap niya. His brother looked serious but still a little worried.
"Sorry."
"Mamaya na kita babatukan kapag magaling ka na," sabi nito. Tumango siya. Tatanggapin niya kahit na anong parusa dahil totoo namang pinasakit niya ang ulo nito. "You really got me worried, Ezra," Zee said. Bihira siya nitong tawaging sa tunay niyang pangalan. It's like an endearment kapag nagpapahayag ito ng concern o pagmamahal o pagpapakita ng seriousness kapag importante ang sinasabi nito o naiinis ito. Malayo ang age gap nila. Hindi sila mukhang magkapatid... hindi sila magkapatid pero sa puso niya, kapatid niya ito pati na ang mga kapatid nito.
"Sorry po talaga."
"Tumawag si Ate kanina. Naiinis sa akin dahil hinayaan daw kitang mapahamak. Wala na raw kaming ginawang matino ni Eli. Few weeks ago, si F ang muntik ng mabitay, ikaw naman ngayon ang muntik ng mamatay. Hindi raw nakakatulong ang lovelife sa amin," sabi nito na hindi niya maintindihan kung naiinis o nagsusumbong lang ng hinanakit at hinaing.
"It's my fault."
"Yeah, sort of. Pinaalis na kayo as bodyguards pero hinanap niyo pa rin ang bata. Hindi niyo na dapat iyon trabaho ni St. John."
"Lear is a friend. Hindi pwede na mapahamak siya. Where is he?"
"Okay lang siya. Nakauwi na siya sa kanila with his dad. Sina Blake na ang bahala sa kaso. Hindi ka na makikialam."
"Okay. Si Pro?"
"Pinauwi ko muna pero malamang bisitahin ka no'n bukas. Here," inabot ni Zee ang cellphone nito sa kanya. "Call her. Utos niyang tawagan mo siya kapag nagkamalay ka na." Kilala na niya agad kung sino ang 'siya' na tinutukoy nito. Tumango siya. Nang makalabas ang mga bisita niya ay tinawagan niya si Queen Diamond. Isang ring lang ay may sumagot na agad.
"Zee?" tanong agad nito. Mukhang hinihintay nga nito ang tawag.
"Si S po ito."
"Ezra! Maayos ka na ba? Zee told me that you're fine but I'm not convinced."
He smiled. "Ayos na po ako. Please, 'wag na po kayong magalit kay Kuya Zee. Hindi naman niya kasalanan ang nangyari. It's more on my fault. Don't worry, minor injuries lang po ito. Baka po bukas ay ayos na ako at makauwi na."
"Hindi ako galit kay Zee. Naiinis lang ako."
"Good to know that. Nasaan po ba kayo?"
"Unfortunately, wala ako sa New York. Magbakasyon ka, Ezra," ang huling sinabi nito ay sigurado siyang isang utos. "Hindi mo kailangang magtrabaho."
"Walang thrill ang buhay ko kung wala akong trabaho."
"Kung gusto mo ng thrill, magpahabol ka sa mga buwaya ng Amazon river o 'di kaya ay sa mga liyon sa Africa. Kung 'di pa rin 'yon sapat sa'yo, mag-surfing ka kasama ng mga great white sharks," seryoso nitong suggest.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...