Chapter Eight
The Child Prodigy
WHAT does it feel to be with a genius kid?
Hindi alam ni Pro pero sa ilang araw niya bilang assistant researcher ni Lear, napatunayan niyang hindi talaga ito basta-bastang bata. Meron itong tinatapos na libro ngayon tungkol sa isang field ng Mathematics at hindi siya gaanong maka-relate pero ginagawa niya ang lahat para matulungan ito sa mga researches nito. Siya ang taga-research online samantalang si S ang taga-hanap ng mga reference books na kailangan ng wiz kid na nasa loob lang ng napaka-laking library na iyon. Kaya pala kailangan nito ng assistant researcher at librarian. Madalas ay nakaupo sa harap ng laptop si Lear o 'di kaya ay nagfo-formulate ng mga mathematical problems and solutions sa white board na naroon din sa library. Hindi na ito halos lumalabas sa lungga nito. Wala rin itong pakialam kung wala itong kausap kahit isang buong araw pa.
Ipinagpasalamat na lamang ni Pro na kahit papaano ay mahilig siya sa Math noong nag-aaral pa siya ng high school. Kahit paano ay interesado siya sa ipinapa-research ng genius teenager pero aminado siya sa sarili na hindi niya kayang umawain ang mga math problems na ginagawa nito para sa librong isinusulat nito ngayon.
How she wish she's also a college student since for college students ang librong sinusulat ni Lear. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay iyon lang ang ginagawa nito. Kapag napapagod o nabo-bore, meron itong pampalipas-oras. Chess. Iyon ang hindi masakyan ni Pro dahil hindi siya marunong mag-chess.
Hindi lang si Lear ang nakakamangha sa lugar na iyon. Pati si S. Mas madalas na tahimik lang ang partner niya sa loob ng ilang araw nila roon. Lahat ng librong kailangan ni Lear ay kinukuha nito. S arranges all the books afterwards and in a short time, halos kabisado na nito ang pasikot-sikot sa library at madali na nitong nahahanap ang mga libro na kailangan ng batang amo nila. Napansin din ni Pro ang kaalaman ni S sa mga libro.
Iniunat ni Pro ang mga kamay. Lunch break nila at kanina pa sumasakit ang mga mata niya sa kakabasa ng mga libro. Book research naman kasi ngayon ang ginagawa niya.
"You okay?" tanong ni S matapos ilapag ang ilang makakapal na libro sa mesa niya.
"Yeah."
Sabay silang napatingin kay Lear na may tangan na lollipop sa bibig at may isinusulat sa notebook. Malamang Math problem na naman iyon. Mahilig sa sweets si Lear. According sa research niya, magandang pampa-boost ng ideas ang mga sweets. Hindi rin ito agad inaantok lalo pa at hindi naman ito nagkakape. Kapag ganoong kumakain ito ng matatamis ay naiisip ni Pro na bata pa rin si Lear kahit kung umasal ito ay tila adult. Lear's eyes with different colors don't seem to be innocent. Parang ang dami na nitong pinagdaanan at nakakalungkot iyon.
"Naaawa ka sa kanya?" tanong ni S kay Pro.
Umiling siya. "No. I'm just concern. He doesn't look like a kid, does he?"
"He's not a kid. He's thirteen. He is a teenager."
"But still young to live his life inside a library. Ikaw, ano ba ang madalas mong gawin noong thirteen ka pa?" tanong niya.
"Nanonood ng movies, nagbibisekleta, naliligo sa beach, nagpupunta sa mga amusement parks at ginagawan ng kalokohan ang ibang tao," nakangisi nitong sagot.
"Ginagawa ba 'yon ni Lear?"
"Malamang hindi since nandito lang siya parati."
"And that is not good for young people like him."
Tumango si S. "Alam ko pero napansin mo ba siyang nagreklamo? Hindi 'di ba? He is used to this kind of life and it is honestly boring but I don't want to tell him what to do. Mahirap maging kagaya niya. Mahirap maging iba."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...