Chapter Twelve
King of Aces
LONDON, England.
"It's good to be back," nakangiting sabi ni S habang nakatingin sa labas ng kotseng lulan. Tahimik lang sa tabi niya si Pro. Sa eroplano pa lang ay napansin na niya ang pananahimik ng babae. Para bang napilitan lang itong sumama sa kanya. Nagsalita lang ito nang makarating sila sa kanilang destinasyon.
"Where are we?" tanong nito habang nakatingin sa mansiyong nasa harapan nila.
"This is the Sleepless Mansion, home of SGC's King of Aces here in London," sabi ni S.
"Bakit dito?" gulat nitong tanong. "Dito nakatira ang kuya mo?"
"Nope. Dito nakatira ang kliyente," sagot niya. Baka magulat ito kapag nalamang sa pamilya nila ang nasabing gradeyosong mansiyon. "Let's go."
Pumasok na sila sa loob ng mansiyon. Agad silang iginiya ng isang katulong. Alam niyang naninibago si Pro sa mga nakikita nito habang hindi na bago sa kanya ang ganoong karangyaan. Huminto sila sa pinakagitna ng bulwagan. Pro was staring at the ceiling which was four-storey away from them. Isang malaking chandelier ang nakasabit sa kisame.
"S!"
He smiled upon seeing the 'greatest brother in the world,' Eli Aragon. Ito ang kuya niya na kahit minsan lang niyang makita ay always updated sa mga buhay nilang magkakapatid. Always ready rin itong tulungan sila kapag merong problema. Nang makalapit ito sa kanya ay agad siya nitong niyakap.
"Ezra," puno ng fondness nitong tawag sa kanya. "I was worried when I knew from Zee what happened. How are you, little brother?" concern nitong tanong.
"Okay na ako, Kuya. Naalis na nga ang arm sling ko."
"Kuya mo si Eli Aragon?" biglang tanong ni Pro na nakakunot-noo. Binalingan nila ito. "Kuya mo ang general secretary ng King of Aces?" tanong na namna nito. "Montero, magsalita ka," seryoso nitong utos sa kanya. Nagkamot siya ng batok. Nalimutan niyang kilalang-kilala si Eli dahil sa connection nito kay King of Aces.
"Kuya, meet Pro St. John, my partner. Pro, meet Eli Aragon, my eldest brother," introduce niya sa isa't isa. "Kapatid namin siya ni Kuya Zee. Sorry kung nagsinungaling ako."
"She knows na magkapatid kayo ni Zee?" tanong ni Eli sa kanya. Tumango siya.
"So who really owns this mansion? Him or the King of Aces?" paniniyak ni Pro.
His brother answered calmly. "King of Aces owns this house, Miss," anito at ngumiti pa nang makahulugan. Bigla siyang kinabahan sa uri ng ngiti nito. "But I also own this house."
Lalong kumunot ang noo ni Pro.
"Kuya!" pigil niya sa kuya niyang biglang sinaniban ng kakaibang trip. "Ano ba ang sinasabi mo? Bahay 'to ni King of Aces."
"Oo nga. 'Yon din naman ang sinabi ko 'di ba? Pero bahay ko rin naman 'to," nakangisi nitong sabi. Sumimangot siya.
"Are you telling me that you're King of Aces?" tanong ni Pro.
"You're hired!" masayang anunsyo ni Eli. "Kung alam mo pala ang koneksiyon ni S kay Zee, I assume that my little brother trusts you with one of our secrets. Kung ikaw ang pinili niyang maging ka-partner sa misyong ito, then you are not as fragile as you look. I can conclude that our secret is safe with you."
"Kuya, why are you doing this?" pigil ang inis niyang tanong.
"Mas mabuti ng malaman niya ang totoo kesa mahirapan tayong ipaliwanag sa kanya ang relasyon natin. After all, sa tingin ko ay masyado siyang mausisa para maitago natin ang totoo."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...