Chapter One- The Challenge

1.8K 66 2
                                    

Chapter One

The Challenge


AT THE AGE of fifteen, Pro became one of the strongest and most skilled agent wanna-bes in their training. Siya rin ang pinakabata. Pati ang mga mas malalaki sa kanya ay natatalo niya when it comes to hand-to-hand combat and self-defense. Isa sa mga ikinaka-excite niya ay ang maturuan sila ng paggamit ng iba't ibang weapons. She would really like to try all the weapons in the weaponry room and be good in using those. Darating din sila sa puntong iyon. Kailangan ng mahabang panahong paghahanda para maging ganap siyang miyembro ng kilalang security and detective agency na Black Stag International.

As much as she likes to fully train, hindi iyon pepwede. Sa edad niya, kailangan niya pa ring mag-aral. Iyon ang gustong mangyari ng guardian at trainer niyang si Blake Goodwin. Kailangan niya raw makatapos ng kahit high school at ayos lang dito kung magka-college siya. Masasabing may special treatment siyang natatanggap dito pero hindi rin biro ang training na inaabot niya sa mga kamay nito.

Mabait si Blake pero mahigpit at walang patawad sa training. Kapag training, hindi siya nito itinuturing na isang babae kundi isang mandirigma. She underwent harsh trainings just like everybody else. Kung dati-rati ay hindi pa niya alam kung ano ang gusto niya, ngayon ay alam na niya. She wants to be a professional secret agent and a part of Black Stag International.

Nang araw na iyon ay may ensayo siya. Umaga pa lang ay may obstacle race na sila ng mga kasama niya. Ang huling makakarating sa finish line ay mapaparusahan ng one hundred push ups at siyang maghuhugas ng lahat ng pinagkainan ng mga trainees. Madalas siyang walang problema sa mga parusa dahil mas madalas na siya ang unang nakakakumpleto ng mga tasks.

Siya ang pinakaunang nakarating sa finish line. Humihingal pa siya nang mapansin si Blake na paparating. May kasama itong lalaki na sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad sa trainer nila. Magkasing-tangkad ang dalawa. The strange man has darker skin compare to her trainer pero mas gwapo at attractive ito kesa kay Blake, sa perspective niya lang naman. Ama ang turing niya kay Blake pero ang kasama nito ngayon ay attractive at hindi niya kailanman iisipin na maging ama. Baka kapatid na lalaki, pwede pa.

Napailing si Pro sa iniisip. Minsan ay nakakalimutan niyang babae siya at may kakayahang magka-crush sa mga lalaking gwapo. Epekto ng pagiging teenager niya.

Napakunot-noo si Pro nang mapansing may nakasunod sa dalawang lalaki. Sa unang tingin ay hindi niya matukoy kung babae ba ito o lalaki dahil lagpas-balikat ang buhok nitong dilaw ang kulay. Blue ang kulay ng mga mata nito.

She suddenly felt nostalgic. Kapag nakakakita siya ng asul na mga mata ay ang foster dad niya ang kanyang naaalala.

"Ikaw pa ba ang narito, Pro?" tanong ni Blake nang makalapit ang mga ito sa kanya. Umayos siya ng tayo at tumango. Hinintay nitong magsidatingan ang iba pa bago muling magsalita tungkol sa pakay. "Trainees, I would like you to meet the general-manager of Black Stag International, Mr. Zee Philips."

Marami siyang naririnig tungkol sa may-ari ng BSI at sa general-manager doon. Zee Philips was a retired army like Blake. Ang pagkakaalam niya ay halos magkapareho ang kalibre ng dalawa pagdating sa fighting skills. Hindi si Zee ang halata ang kabaitan kung meron man since mukhang napakamahal ng ngiti nito. Mas seryoso pa ito kay Blake.

Sinabi ni Blake na mananatili roon ng isang linggo si Zee para tingnan ang progress nila. Titingnan nito ang mga potential agents. It also means that she needs to work harder than before.

"May bago kayong kasama," sabi ni Blake saka tinapik ang balikat ng blonde na teenager na katabi nito. "He is S Montero."

S? Ano'ng klaseng pangalan 'yon? Lalaki pala ito.


TAHIMIK na pumasok si S sa silid ng guardian niyang si Zee Philips. Bukas na magsisimula ang training niya roon. Nang makapasok siya ay nadatnan niya itong nakaupo sa isang silya.

"Don't expect a VIP treatment," agad nitong sabi sa kanya.

"I'm not expecting that. Kailan ba ako naging VIP?" tanong niya saka naupo sa single bed nito. He's fifteen years old and he looks innocent but don't be deceived by his angelic face. Sa bata niyang edad, marami na siyang napuntahan, mga taong nakilala at kaganapang nasaksihan. He came from a not-so-ordinary family too.

"Takot ka bang makipagsabayan sa kanila?" tanong ni Zee.

"Hindi."

"Hindi ka naman habambuhay na naririto. Limited ang phone calls but rest assured na okay lang 'sila'."

"I'm not worrying about them. Malalaki na ang mga 'yon eh."

"Kakambal mo ang iniisip mo?"

"Medyo. This is the first time na nalayo ako sa kanya," aniya but then he smiled. "Hindi ako magpapatalo sa mga trainees dito. I am well-trained by an excellent mentor. Dapat silang kabahan sa akin," confident niyang sabi.

"Do not underestimate them, S."

"They should not underestimate me also."


MADALING-araw nang magsimula ang training pero hindi iyon magiging madali dahil umuulan. Bagamat hindi malakas ang buhos ng ulan ay sapat na iyon para maging maputik ang lupa. Sapat na rin iyon para makaramdam ng lamig ang mga trainees at mabasa. Mas magiging mahirap ang obstacle course nila.

Sinulyapan ni Pro ang bagong trainee. Naka-ponytail na ang mahaba nitong buhok. He looked serious and focused.

Gaya ng dati ay mas nauna siya kesa sa ibang trainees. Sa tuwing may mga pagsasanay sila ay palagi niyang iniisip na higitan ang kanyang sariling kakayahan. She doesn't compete with others. She's competing with herself. Kahit babae siya ay hindi iyon hadlang para maging malakas siya. Her strength will be used to protect other people.

Sumagi sa isip niya ang palaging bilin ng kanyang foster father.

If you have the strength and chance to help others, do it. We cannot end the world's misery in just a snap but we can comfort, protect and make others happy one day at a time.

Hindi niya pinansin ang putik na dumikit sa kanya while in the course. Walang maputik na daan at malamig na ulan ang makakapagpahina sa kanya pero hindi siya nag-iisa. Halos kasabay niya si S sa pagtahak sa obstacle course. Gaya niya ay maputik na rin ito pero nagpapatuloy. At the end of the course, dalawa silang sabay na nauna.

Magtatanghali na nang matapos ang lahat ng trainees sa unang round ng training sa araw na iyon. Sa halip na bumalik sa training camp ay dumiretso sila sa ilog malapit sa kinaroroonan nila at doon naglinis ng katawan. Kanina pa tumigil ang ulan pero lahat sila ay puro putik na.

Habang naglilinis ng katawan ay nasulyapan niya si S. May mga kausap itong trainees. Madali itong nakahanap ng mga kaibigan. Kahit halatang pagod ay nakakatawa pa rin ito at nakikipagbiruan. Sa tindi ng training kanina, ngayon niya napatunayan na hindi nga ito basta-bastang lalaki. Matibay ito at palaban. Mukha lang itong walang muwang pero sa likod ng inosente nitong mukha ay nagkukubli ang isang matapang at matatag na personalidad.

"Are you threatened?"

Napabaling siya sa nagsalita. It was Blake. Alam niyang sinusundan sila nito. Kasama na sa daily routine nito ang obserbahan sila at matyagan ang mga 'paghihirap' nila.

"No, sir. I was just wondering," sagot niya. Tumingin si Blake kay S. Saka niya napansin na 'di kalayuan sa kanila ay naroon si Zee, nakatayo at nakatitig din kay S.

"S is well-trained by the general-manager," Blake informed. Hindi na siya gaanong nagulat sa sinabi nito. "But you must not worry. You also train harder than anyone else here. Alam kong hindi ka magpapahuli. Take it as a challenge," payo nito sa kanya saka siya iniwan.

Indeed, she was challenged.


Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon