"Magluto ka nga ng spaghetti at pakihatid na lang sa library."
Napatigil ako sa paglalaba ng marinig ko si Jared. Kaagad akong tumayo at dumiretso sa Kusina. Sumunod naman si Jared.
"Lagyan mo ng maraming cheese." Utos ulit nito bago umalis.
Sinimulan ko ng magluto ng spaghetti. Ngayon lang sya bumaba simula kaninang umaga, busy kasi sya sa trabaho nya na inuwi nya sa bahay. Sasarapan ko na lang ang lulutuin ko.
Kaagad akong umakyat para ibigay sa kanya ang pinaluto nya. Kumatok ako and I was shock ng babae ang nagbukas ng pinto.
"Great! Honey! Nandito na ang pinaluto mo!" Kinikilig na sabi ng babae. Maganda sya. Nahiya ako bigla aa sarili ko.
"Pakisabi kay yaya ibaba na lang sa lamesa." Narinig kong utos nya.
And yes, katulong ang pakilala nya sa akin sa mga bumibisita sa bahay. Masakit, oo, pero wala akong magagawa.
"Yaya pakilagay na lang sa table ni Jared." Masiglang utos sa akin ng babae. Nginitian ko sya.
Sinunod ko naman sya. Nakita ko si Jared na nakatutok sa laptop nya.
"Hon, tuloy ba tayo next week sa Canada?" Hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila.
"Yeah. We will stay in Canada for three days." Sagot nya naman. Napahinga na lang ako ng malalim.
"Really? I'm so excited!" She giggled.
Dapat pala inalatan ko ang spaghetti. "May ipag uutos pa po ba kayo Sir?"
Napatigil si Jared at gulat na nilingon ako. First time kong tawagin sya na 'Sir', madalas kasi ay Jared lang kapag may bisita sya.
Nakabawi naman sya kaagad. "Wala na. Lumabas ka na."
Pagkalabas ko ay kaagad akong tumakbo sa kwarto. Hindi lang isang beses nangyari ito, minsan pa nga ay magigising ako sa kalagitnaan ng gabi at makakarinig ng halinghingan sa kabilang kwarto, alam kong may ginagawa silang milagro. Wag ko lang silang makikita sa akto, hindi ko lang alam kung anong magagawa ko.
Iyak lang ako ng iyak. Hindi na ako nasanay, asawa nya lang naman ako sa papel. Kaya kahit anong gusto nya ay pwede nyang gawin, hindi ko sya pwedeng pakialaman dahil sasaktan nya lang ako.
Tiniis ko ang lahat, para makabayad sa kanya. Malaking halaga ang inutang ng pamilya ko sa kanya, kapalit noon ay ang maging alila at asawa nya ako hanggang sa makabayad kami.
Tinigil ko na ang pag-iyak dahil wala namang magbabago kahit lumuha pa ako ng dugo. Tinapos ko na ang paglalaba, wala kaming washing machine, dryer lang. Mayaman sya, pero dahil gusto nyang masulit ang pag aalila sa akin ay hindi sya bumili.
8:30pm na ng magising ako, dalawang oras lang ang tulog ko. Wala sya sa tabi ko. Nagtatrabaho ako sa gabi bilang cashier sa isang convenient store, night shift.
Nang paalis na ako ay naabutan ko sya sa sala at nanunuod.
"Saang bar ka ngayon? Marami ka na naman bang customer na naghihintay?" Mapanglait at parang diring diri na sabi nito.
Dahil ba sa pang gabi ang trabaho ko ay iisipan nya na ako ng masama?
"Mauuna na ako." Yun na lang ang sinabi ko. Lalagpasan ko na sana sya ng bigla nyang hilain ko braso ko na may pasa kaya napasigaw ako sa sakit.
"May ipagmamayabang ka na ba ha?!" Pinisil nya ang mukha ko at ramdam ko ang kuko nya na bumabaon sa pisngi ko.
Tumulo na naman ang luha ko. "Aray ko Jared! Tama na." Pagmamakaawa ko.
"You bitch! Sinong pinagmamayabang mo? Ang dirty old man mo? Ha?" Halos madurog na ang panga ko sa diin ng pagkakahawak nya.
Hindi nya alam ang trabaho ko, kaya kung husgahan nya ako ay ganya. Paano ko ba naman masasabi sa kanya, tuwing lalapit ako at magpapaliwanag ay lalayo sya. Sarado na ang isip nya.
"Sige, umalis ka na!" Tinulak nya ako kaya napaupo ako sa sofa.
Nilingon nya ako bago umakyat sa kwarto namin. Huminga ako ng malalim at pilit na pinipigilan ang umiyak. Lumabas na ako ng bahay para makaalis na.
----
5:00am na ng makauwi ako sa bahay, hindi naman kasi 8hrs ang pasok ko. P80 per hour pati ang bayad sa amin. Kailangan kong magtiis para may pangdagdag ako pangbayad sa utang namin.
Nagluto na ako ng breakfast namin, malakas syang kumain tuwing umaga kaya nagluto ako ng tinola.
6:30am na ng bumaba sya, nakabihis na at ready ng umalis.
"Kumain ka muna." Pag aaya ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin pero dumiretso sya sa kusina. Nakaready na ang pagkain nya.
Hindi ako sumasabay kumain sa kanya dahil nawawalan daw sya ng gana kapag ako ang kaharap. Itinuloy ko na lang ang pagpalit ng punda ng unan sa sala.
"Elaisa, pupunta dito mamaya ang mga kaibigan ko. Magluto ka ng mga pagkain." Narinig kong sabi nya mula sa kusina.
"Ilan sila?" Tanong ko.
"Five? Not sure." Sagot nya. Hindi na ulit sya nagsalita.
Maya-maya lang ay palabas na sya ng bahay. Hinabol ko pa sya. "Jared! Ingat ka." Nginitian ko sya.
Ang sagot nya? Isang reaction ng pandidiri. Tanggap ko. Mahal ko kasi sya.
Mahal ko sya kaya nagpapakatanga ako sa kanya, na kahit sobrang sakit na ay kumakapit pa rin ako. Hindi kasi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay mahalin nya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...