Hayyy! Natapos rin sa wakas! Hindi ko kinaya ang ending nito. Inabot ako ng tatlong oras. Kinailangan ko pa makinig ng nakakalungkot ng kanta at umiyak nang bongga para damang-dama ko 'yung pagsusulat. Kaya rin ako natagalan kasi hindi ko kayang magpaalam sa story na 'to. Ang sakit lang.
Wala sanang magalit sa akin kasi pinatay ko 'yung bida, well okay lang siguro na magalit pero 'wag lang umabot sa point na mumurahin nyo rin ako kasi marunong din ako magmura, joke! Hindi naman lahat ng love story ay happy ending diba? Minsan kailangan din natin masaktan haha.
Sabi ko noong una ay hanggang 20 chapter lang to, di ko akalain na aabot sa 50+
Salamat sa mga nagtsagang maghintay kahit dinaig ko pa ang pagong sa pag update. Salamat sa mga umabot hanggang dito sa dulo kahit ang sakit sakit na. Salamat sa walang sawa na suporta.
Paalam, Elaisa!
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...