Maingay na tugtugan sa bar ang sumalubong sa akin pagpasok namin sa loob. Ang daming tao at puro usok.
Si Jessa ang may pakana nito, dapat daw kaming magcelebrate, napa oo na lang ako.
"Anong gusto mong inumin?" Sigaw nya. Halos hindi na kasi magkarinigan.
"Ikaw ang bahala."
"Masarap ang sisig nila dito!" Tumawag sya ng waiter at may kung anong binulong.
Napatingin ako sa paligid, kung magsayaw ang tao ay parang walang pakialam sa paligid. May sumasayaw sa stage na dalawang sexy na babae, habang sa pole naman ay mga naka bikini, napailing na lang ako. Napababa ako ng damit, ang pinasuot nya kasi sa akin ay isang blue knee length fitted dress na long sleeves.
"Sayaw tayo Ate." Hinila ako ni Jessa sa gitna, inabutan nya pa ako alak.
Siguro kailangan ko ring magparty kahit paminsan minsan lang, kaya ito ako, umiindayog sa tugtog, sinasabayan kada indak ng tao.
Inilabas ni Jessa ang cellphone nya nagvideo habang sumasayaw kami. Sandali nyang kinalikot ang cellphone at nagsayaw ulit. Nang pareho kaming mapagod ay naupo muna kami sa private table.
Nag-uumpisa na akong tamaan ng alak dahil natatawa-tawa na ako. Itinapat ni Jessa sa mukha ko ang cellphone nya, at nakita ko na tumatawag si Jared.
Sinagot nya. "Yes, kuya?" After nyang sabihin 'yun ay bigla nyang inilayo sa tainga nya ang cellphone.
"Oo na! Wait lang!" Iniabot nya sa akin ang cellphone. "For you ate, I love you both." Hindi ko nagustuhan ang ngiti nya.
"Hello?" Alanganing sabi ko.
[What the hell are you doing in that place Elaisa Montefalcon?!] Nagulat ako sa biglang pagsigaw nya. Tinignan ko ng masama si Jessa na nakangisi lang sa akin.
Lumabas ako ng bar para magkarinigan kami.
"Nagyaya kasi si Jessa kanina."
[I don't care. And what are you wearing? Is that even a dress?] Sigaw ulit nito.
Tinignan ako ang damit ko. Maganda naman ah. "Maganda naman daw 'to sabi ni Jessa." Napatawa ako ng mahina, kanina kasi sa mall nahirapan pa kami sa paghahanap ng damit dahil puro tanggi ako.
[At nagagawa mo pang tumawa? You better leave that place or else--] I cut him.
"Or else what? Uuwi ka?" Panghahamon ko.
[Don't try me, Sweetheart.] Ang sarap pakinggan. [I hate it when you're drunk, nagiging palaban ka.]
"I dare you." Asa naman na umuwi sya, eh kasama nya ang babae nya.
[Talagang sinusubukan mo ako ah!] Natawa na lang ako.
"Elaisa!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Nathaniel!" Kasama nya sina Cristom.
[Kasama nyo sya?] Nasa kabilang linya pa pala si Jared.
"No, kami lang ni Jessa ang magkasama." Sabi ko habang nakatingin sa papalapit na si Nathaniel.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...