Hingang malalim? Short update lang. Feeling ko mas boring tong chapter na to. May nagbabasa pa ba?
Jared's POV
Matagal natapos ang operation, normal lang daw yun sabi ni gagong Felix. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin sya. Mas pinili ko na mag-isa sa labas para manalangin.
Panginoon, tulungan Nyo po ang mahal kong asawa. I'll do anything just to save her, so please. She's the only reason why I'm still breathing right now. The day she left me, hindi ako kaagad naniwala. Alam ko na hindi nya ako iiwan ng dahil lang sa isang lalaki. Nagpapasalamat ako dahil nagpapakatatag pa rin sya hanggang sa ngayon. So please, God help her.
Nagkausap kami kanina ni gagong Felix at humingi sya ng tawad sa lahat ng kalokohan nya. Oo, marami syang kasalanan sa akin. Magkaklase kami noong college, we're close that I even introduced him sa babaeng nililigawan ko, that's Venice. And then one day, nakita ko na lang na magkasama na sila at naghahalikan. Sinapak ko sya malamang, pagkatapos noon ay hindi na kami nag-usap.
Ngayon ay hindi ko magawang magalit ng matagal sa kanya dahil sya ang tumulong at nasa tabi ni Elaisa habang wala ako. Kaya kahit gustong-gusto ko syang bugbugin ay hindi ko magawa, magagalit lang ang asawa ko.
Ilang oras pa ang lumipas at hindi pa rin nagigising si Elaisa. Hawak ko ang kamay nya sa loob ng ICU.
"Sweety, gumising ka na para makauwi na tayo sa Pilipinas." Hinalikan ko ang kamay nya. "Alam mo ba na sobra kitang namiss? Walang gabi na nakatulog ako ng mahimbing dahil hindi na ako sanay na hindi ka katabi. Babawi pa ako sayo kaya gising na." Hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako.
Ako na lang po ang kunin Nyo, wag na si Elaisa. Wala syang ginawa kundi maging mabait sa akin sa kabila ng pananakit at pagtatabuyan ko sa kanya ay hindi nya ako iniwan.
"E-Elaisa. Gumising ka na. Idilat m-mo na yang mga mata mo. Gusto na kitang ma-makausap ng matagal."
Ilang oras pa akong naghintay at hindi pa rin sya nagigising. Narinig ko ang pag-uusap ng mga doctor at hindi na daw ito normal, kaya lalo akong mapakali.
"Pwede rin na binabawi nya ang lakas nya dahil sa pag gagamot nung nakaraang mga araw." Napatango si gagong Felix sa sinabi ni Venice.
"But that's not normal. Though her vitals are good, but she's sleeping for ten hours straight." Halata sa mukha ni gagong Felix ang pag-aalala. Malaman ko lang talaga na may mali sa operasyon, ipapasara ko 'tong hospital.
"There's nothing to worry, we did our best operating her. It's up to Elaisa now. Well, I'm sure that she can make it." Nakangiti ang isang doctor na kasama sa operation.
"She's strong." Napatingin ako sa amerikanong lalaki. "Though she's crying at night." Tinignan nya rin ako.
"What're you trying to say? That I make her cry?" Nilapitan ko 'to. Naliliitan ata sa akin 'to eh.
"Relax, man! Maybe I make her cry." Sarkastikong sabi nito.
"Shut your fcking mouth! You don't know anything!" I was about to strangle him kundi lang ako pinigilan ni gagong Felix. Tinignan ko ang pangalan nito sa suot na ID. Harold White. Yari ka sa akin.
"Kalma, Jared. Ako na ang bahala dito." Inilayo ako nito sa mga kasamang doctor.
"No, ako ang bahala sa kanya." Inilabas ko ang cellphone ko at may tinawagan.
"Jared, I know what you're thinking. Maawa ka naman dun sa tao." Humarang pa sa harap ko si gagong Felix, nag dirty finger ako at tumalikod.
"Hi Mr. Johnson, this is Jared. How are you doing today? -—Yeah, I'm in your hospital right now with my wife. -—I met one of your surgeon here and I don't like his attitude. --Well yeah, he's kind of rude. His name? It's Harold White. –Oh you'll fire him? Isn't that too much?" Napangiti ako ng tagumpay. "I see, we'll see you when you have free time." Pagkababa ng tawag ay hinarap ko si gagong Felix na umiiling. Bumalik kami sa kumpulan ng mga doctor, pinakatitigan si Harold White.
Maya-maya lang ay inilabas na nito ang tumutunog na cellphone. Ilang sandali pa ay halos manlaki na ang mata nito.
"What? Are you serious? You're going to fire me?" Halos lahat ay natahimik at nakatingin sa kanya.
"This can't be happening! H-Hello Sir? Sir?" Hindi makapaniwalang tinignan nito ang cellphone bago lumipat ng tingin sa akin.
"What? You're going to punch me? Go on, so that I can have a reason to destroy your life." I smirked. Mali sya ng binangga na tao. Tinignan ako nito ng masama bago nag walk out.
"What happen?" Tanong ng isang doctor.
"Well, he's close to President Johnson and he just called him to report White. Mr, Johnson just made an action." Simpleng paliwanag ni gagong Felix. Lahat sila ay halos hindi makapaniwal.
"She's awake!" Sigaw ng isang nurse at nagtatakbo sa amin.
Parang biglang nawala lahat ng tinik sa dibdib ko ng marinig ko yun. Dininig ng Panginoon ang panalangin ko. Maraming salamat po.
Nakitakbo ako kasama ng mga doctor pero hindi nila ako pinapasok muna sa loob. Gusto ko nga magwala, pinigilan lang ako ni Venice at nakatikim pa ako ng sampal. Hindi na ako mapakali, Gusto ko na syang yakapin.
Salamat Po ulit.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...