Family.

2K 35 0
                                    

I take a deep breath. Ito na ang kinakatakutan ko.

"Are you ready, sweety?" Tanong sa akin ni Jared.

"Kapag ba sinabi kong hindi, uuwi na tayo?" Balik tanong ko.

"Syempre hindi." Tinawanan nya pa ako. Inirapan ko na lang sya.

Hindi pa rin kami bumaba sa sasakyan. Nasa tapat kami ngayon ng bahay ng magulang ko. Pinagtitinginan na nga kami ng tao, mabuti na lang at heavy tinted ang kotse ni Jared.

"Tara na?" No choice. Tumango na lang ako. Nauna nang lumabas si Jared at umikot sya para pagbuksan ako ng pinto. Inilahad nya sa akin 'yung kamay nya, napapikit ako bago ko tinanggap 'yun.

"Ay si Esang yun diba?"
"Oo! Ang pogi naman ng kasama nya!"
"Naku! Buntis sya! Yung lalaki siguro ang nakabuntis sa kanya."

Hindi ko na lang pinansin yung mga sinasabi nila. Esang ang tawag sa akin ng mga kapitbahay namin.

"Should I call you Esang?" Narinig kong bulong ni Jared. Tinignan ko sya ng masama sabay kurot sa tagiliran. Tinawanan nya lang ako.

"Ate Esang? Nanay! Nandito si Ate!" Tumakbo sa akin si Pinang, ang 10 year old ko na kapatid. Niyakap ako nito sa bewang. "Ay ate buntis ka?"

"Oo be. Pakitawag sila nanet at buboy, ipakuha mo yung mga dala namin sa sasakyan." Utos ko kay Pinang. Apat kaming magkakapatid, bunso si Pinang. Si Nanet ay 15 year old, at si Buboy ay 16.

Pagpasok namin sa loob ay sumalubong sa amin si Nanay habang hawak ang sandok.

"Anak! Esang!" Maluha luhang sabi nito. Kinuha ni Pinang ang hawak nyang sandok. Niyakap niya ako. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at napaluha na lang ako.

"Nanay. N-Namiss ko po kayo." Niyakap ko sya ng mahigpit. Akala ko ay magagawa kong magmatigas, pero hindi pala. Hindi ko kayang tiisin ang magulang ko.

"Halika maupo muna kayo." Umangkla ako sa braso ni Nanay habang paupo kami sa sala.

"Nay, si Jared po." Pakilala ko kay Nanay. Nag mano naman si Jared sa Nanay ko.

"Nice meeting you po. Pinapakamusta po kayo ni Mommy." Nakangiting sabi ni Jared..

"Paki sabi rin na kamusta si Madam."

"Opo."

"Buntis ka na pala anak. Ilang bwan na?" Natuwa ako ng hinawakan ni Nanay ang tiyan ko.

"Five months po." Hinawakan ko ang kamay ni Nanay.

"Ilang bwan na lang at manganganak ka na."

All About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon