Jealous.

2.1K 46 0
                                    

We had dinner at the house of Jared's mom. Ang saya-saya dahil kay Jewel, kasama nya kasi 'yung boyfriend nya at galit na galit si Jared.

Jared and I went out para magpahangin. Naupo kami chair na nakaset up sa labas.

"Kuya." Tumabi sa kanya si Jewel.

"What?" Inis na tanong nito, nakakunot pa ang noo nya. Ang cute!

"Wag ka ng magalit. Boyfriend ko pa lang naman si Jedd, wala pa akong plano mag asawa." Natatawang paliwanag ni Jewel, pinipigilan ko na rin tumawa.

"So ano? Live in partner kayo? Mabubuntis ka ng hindi kasal? Ganun?" Kahit mahinahon ang boses nya, alam kong nagtitimpi lang sya ng galit.

"Kuya naman! Wala pa ngang nangyayari sa amin! Virgin pa ako!" Wala na. Natawa na talaga ako, ang kulit nitong magkapatid na 'to.

"Keep that! I want you to give that to your honeymoon, until you get married." Sabi ni Jared habang nakatingin sa akin.

"Kayo ba kuya? Virgin ba nun si Ate nung--" HIndi na natapos ni Jewel ang sasabihin nya dahil tinakpan ko ang bibig nya.

"Let her Elaisa." Nakangisi na ng nakakaloko si Jared. "Yes Jewel. I devirginized her." Proud pa ang loko! Kinurot ko nga sya sa tagiliran.

"Yay! Nakakakilig!" Nagtitili na sabi ni Jewel. Minabuti namin na pumasok na sa loob dahil mahamog na.

"Elaisa, nasa kabilang linya ang nanay mo." Nag aalalang lumapit sa akin si tita Daniella. Napahawak ako sa braso ni Jared dahil parang nanghina ako.

"Okay ka lang, sweety?" Hinawakan nya ang mukha ko. Tumango ako. "Mom, end that call. Hindi nya kayang makausap sila." Sinunod ni tita ang sinabi ni Jared.

Hindi ko na alam kung ilang araw, or buwan simula ng huli naming pag uusap ng magulang ko. Hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin akong galit sa pamimigay nila sa akin kapalit ng pera.

Nang dahil sa kanila ay nakilala ko si Jared, pero nandoon pa rin yung pag aalinlangan na patawarin sila dahil sa nangyari.

"Sweety, uminom ka muna?" Tinanggap ko ang tubig na dala ni Jared at tinungga.

"Salamat." Naupo sya sa tabi ko at hinahaplos ang likod ko.

"I think kailangan mo ng makausap ang magulang mo." Sabi ni Jared.

"Hindi ko alam. Hindi ko kaya." Naiyak na ako. Yung luha na kanina ko pa pinipigilan ay lumabas na.

"Alam kong mahinap, sweety. Pero pareho kayo ng pamilya mo na hindi matatahimik. Kahit anong mangyari Elaisa, kahit pagbalik-baliktarin mo man ang mundo ay magulang mo pa rin sila." Hindi ko akalain na maririnig ko 'yun kay Jared. Nakatitig ako sa mata nya at alam kong sincere sya.

All About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon