Nakarinig ako ng busina sa labas, malamang 'yung driver na 'yun ni Jared. Pagbukas ko ng pinto, si Nathaniel ang nakita ko. Nakatulala lang sya sa akin, bigla akong na conscious.
"Anong ginagawa mo dito?" Pinapasok ko muna sya sa labas.
"Pinapasundo ka ni Jared." Nakatitig pa rin sya sa akin.
"A-Akala ko driver nya ang susundo sa akin?" Medyo nadissapoint ako.
"May ibang dinaanan ang driver nya. By the way, you look b-beautiful." Namula ako sa sinabi nya. Sya pa lang ang lalaki na nagsabi sa akin na maganda ako.
"S-Salamat."
"Let's go." Inalalayan ako nito palabas hanggang pasakay ng kotse.
Sa totoo lang, gwapo talaga si Nathaniel, mabait pa. Kumbaga complete package na sya. Swerte ang babae na mamahalin nya.
Ilang minuto lang ay narating na namin ang hotel na pinagdadausan ng party. Napakaraming tao na magagarbo ang damit, naglalakihang mga alahas sa katawan.
Nagulat ako ng biglang nagtinginan ang mga tao sa amin kaya napakapit ako sa braso ni Nathaniel.
"Nate! Girlfriend mo?" May lumapit na isang binata sa amin.
"Hindi eh, sayang nga!" Natatawang sabi ni Nathaniel. "Mauna na kami."
"Gosh! Ang ganda nya!"
"Yeah! Look at her dress, mukhang mamahalin!" Parang gusto ko ng lumabas. Ayoko sa lahat ay 'yung center of attention, hangga't maaari ay gusto ko nasa gilid lang, yung hindi pansinin."Nasaan na ba si Jared? Ayoko na dito." Bulong ko kay Nathaniel.
"Relax ka lang. Sayang naman ang ayos mo kung uuwi ka na kaagad." Bulong sa akin nito. Medyo napaatras pa ako kasi kinilabutan ako sa hininga nya.
"Hija! Elaisa!" It's tita Daniella. She kissed me. "You look so beautiful and sexy
"Salamat po. Happy anniversary po tita." Hindi ako sanay na pinupuri, isa lang naman kasi akong ordinaryong babae.
"Nagustuhan mo ba 'yung surprise ko sayo?" Hinawakan pa ako ni tita sa kamay.
"Opo, ang ganda po ng store. Salamat po ulit.
"Where's your husband?"
"Hindi ko po napansin tita, baka po kasama ang mga kaibigan nya." Yun na lang ang sinagot ko, dahil hindi ko talaga alam kung nasaan sya.
"Halika Hija at Nate, doon na tayo sa table na nakareserve para sa pamilya." Binati ko na rin si tito. Iniwan ako ni Nathaniel dahil may kinausap syang mga businessman. Wala pa rin si Jared.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...