"Aalis pala ako bukas ng umaga. I have a meeting in Paris." Sabi ni Jared habang nag aayos ng gamit.Natigilan ako ng magsalita sya. "Ilang araw ka doon?" Tanong ko.
"Five days. Not so sure." Sagot nya habang tinitignan ang papeles, at kumakain. Multi tasking. Napasimangot ako.
"O-Okay. Kailan ang alis mo?" Nawalan na ako ng ganang kumain kaya napatango na lang ako.
"Bukas ng umaga." Napaangat na ako ng ulo.
"Agad-agad?" Nilapitan ko sya. Tumapat ako sa lamesa nya, gustong gusto ko syang titigan.
"Why? Gusto mong sumama?" Nakangisi pa sya.
"A-Ano." Pwede kaya?
"Gusto sana kitang isama kaso magiging busy ako doon." Tumayo sya at tumapat sa akin.
"H-Hindi rin naman ako makakasama kasi kailangan kong tapusin 'yung wedding gown." Nakakalungkot naman.
"Babalik din ako kaagad." Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi, sandali lang 'yun pero feeling ko nakalapat pa rin ang labi nya sa akin.
"You take care of yourself, okay? No bar with Jessa." Pinindot nya pa ang ilong ko.
"Oo na." Niyakap ko sya ng napakahigpit.
----
Three days na ang nakalipas simula ng umalis si Jared, at natutuwa ako dahil malapit ko ng matapos ang gown.
Natigilan ako ng mag ring ang phone ko. It's Nathaniel. Sinagot ko ang tawag.
[Hi, Elaisa.]
Natigilan ako ng marinig ang boses nya, mukha syang malungkot.
"Nathaniel, k-kamusta?"
[Iniiwasan mo ba ako?] Hindi nya sinagot ang tanong ko.
"A-Ano. Busy kasi ako sa store." Hindi naman siguro magagalit si Jared kapag nakipag usap ako sa phone kay Nathaniel.
[I miss you, Elaisa.]
"Nakainom ka ba Nathaniel?" 5pm pa lang pero naiinom na sya?
[Yeah. Gumawa ba ako ng bagay na hindi mo nagustuhan kaya mo ako iniiwasan?]
"H-Hindi." Paano ko ba sasabihin sa kanya na pinapaiwas ako ni Jared na makipag kita sa kanya? No, hindi ko dapat sabihin.
[Let's meet, Elaisa. Please, I need you right now.]
Huminga ako ng malalim bago sumagot ng oo. Nag isip ako sandali, sandali lang naman ako makikipagkita sa kanya eh.
"Elaisa, buti at pumunta ka." Nabigla ako ng niyakap nya ako, muntik pa kaming matumba
"Bakit ka ba naglalasing Nathaniel? May problema ka ba?" Inaya ko syang maupo para makapag usap kami ng maayos kahit na maingay sa loob ng bar.
"Yeah, meron akong mabigat na problema." Tumungga ka sya ng alak bago tumitig sa akin. Nailang ako kaya nag iwas ako ng tingin.
"I like you." Hinawakan nya ang kamay ko.
"H-Ha?"
"I like you, Elaisa. Since I saw you at Jared's house, I fell for you. I wanna take care of you." Titig na titig sya sa akin. Pakiramdam ko ay nababasa nya ang nasa loob ng utak ko.
"A-Ano ba ang pinagsasabi mo Nathaniel? Lasing ka na." Tumayo ako para lapitan sya at alalayan umuwi. Tumayo naman sya pero hinawakan nya ako sa magkabilang braso.
"Alam kong sinasaktan ka ni Jared, at wala akong pakialam kahit masira ang pagkakaibigan namin. Be with me, Elaisa."
"Ano ba ang pinagsasabi mo Nathaniel? Okay na kami ni Jared." Hinawakan nya ang kamay ko, pero binabawi ko.
"No! Alam kong tinatakot ka lang nya." Tuluyan ko ng nabawi ang kamay ko sa kanya. "Elaisa, be with me."
"No Nathaniel. Totoo na nagkakaayos na kami, nagiging sweet na sya sa akin." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Napatango sya. Sabay tawa ng peke. "I guess, I'm too late." Ang sumunod na nangyari ay talagang hindi ko inaasahan. Bigla nya akong hinikit palapit sa kanya at hinalikan ng mariin. Nanlaki ang mata ko.
No! Hindi 'to pwede. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at itinulak sya. Sa sobrang inis ko ay nasampal ko sya.
"I-I'm sorry, hindi ko sinasadya." Pilit nya akong hinahawakan pero nagpumiglas ako at kaagad na tumakbo palabas ng bar.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. May gusto sya sa akin? Napailing na lang ako. Nathaniel is a good friend, tingin ko ay dala lang ng alak kaya nya ako hinalikan.
Kaagad akong umuwi ng bahay, tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag tapos ng damit. Tinignan ko saglit ang cellphone ko, simula ng umalis si Jared, wala na akong nareceive na tawag or text. Ano na kaya ang ginagawa nya? Kumakain kaya sya ng maayos?
Miss ko na sya.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...