Naging masaya ang mga lumipas na araw maliban na nga lang sa pagdalas ng sakit ng ulo ko at Oo, hindi ako gumaling. Ngayon ay hindi ko na masabi kung naging successful ba ang operation, walang naging problema pagkatapos pero kagaya nang paliwanag sa akin ay ginaya ng mga cancer cell ang healthy cell kaya hindi tuluyang nawala ang lahat. Pinaliwanag din sa akin ni Doc Felix na 10% lang ang chance ko na mabuhay kung itutuloy pa namin ang operation at maaaring mamatay ako habang isinasagawa 'yun. Noong una ay sinabi nya sa akin na ituloy ang pangalawang operasyon, pumayag kaagad ako kahit na napakalabo noong 10% chance of survival pero noong nalaman ko na I only have two days to prepare for operation ay tumanggi ako. Napaisip ako, paano kung bumigay ang katawan ko?
That's why I come to this decision na sulitin ang nalalabing araw ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko, kung hindi ako maglalagay ng make up sa mukha ay talagang mahahalata na may sakit ako kaya sinisigurado ko na mauunahan ko magising si Jared para makapag-ayos ako.
"Saan ang lakad mo ngayon?" Tanong ni Jared habang nag-aalmusal kami.
"Dito lang sa bahay. Gagawa lang ako ng iilang design para sa boutique." Sagot ko pero napansin ko ang pagsimangot nya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Nagpapagaling ka pa pero pinipwersa mo na ang sarili mo." Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tinidor bago mariing nakatitig sa akin.
"Hindi ko naman pinipwersa ang sarili ko. Kapag napagod ako ay hihinto rin naman ako." Ngitiin ko sya ng matamis. "Wag ka nang magalit." Pinalambing ko pa ang boses ko.
"How can I stay mad at you if you're like that?" Hindi nya napigilan ang pag ngiti. "Malelate ako nang uwi mamaya kaya 'wag mo na akong hintayin. Just call me if you need something."
Tumango ako sa kanya. Pagkatapos kumain ay hinatid ko na sya hanggang sa sasakyan.
"Rest. Understand?" Ikinulong nya ang mukha ko sa magkabilang kamay.
"Oo na. Mag-iingat ka. I love you." Tumingkayad ako at hinalikan sya ng mariin sa labi.
"I love you too." Sagot nito pagkatapos ng halik.
Kumaway ako hanggang sa malawa na ang kotse nya sa paningin ko. Nagmamadali akong pumasok sa bahay, pagkara ng pintuan ay napaluhod ako kasabay ng luha nag nag-uunahan sa pagbagsak. Hindi ko mapigilan maging emosyonal tuwing nagpapaalam ako sa kanya. Naiisip ko, paano kung 'yun na ang huling paalam ko sa kanya? Paano kung hindi ko na nya ako maaabutan mamaya? Paano kung hindi nya kayanin ng wala ako?
Gabi-gabi akong nananalangin na sana ay dugtungan pa ang buhay ko. Gustong-gusto ko pa na makasama ang mga taong mahal ko sa buhay, hindi pa ako handa o hindi ako magiging handa kung sakaling mawala ako, kaya Panginoon, nagmamakaawa ako na sana ay bigyan Mo pa ako nang mahabang panahon.
Noong nahimasmasan ay pumasok na ako sa kwarto para makagawa ng design. Kailangan ko na tapusin ito para marami pa akong magawa. Tuwing iniisip ko na hindi na ako magtatagal ay napapaluha ako pero hangga't maaari ay pinipigilan ko dahil wala na rin naman akong magagawa kung hanggang dito na lang ako, kailangan ko na lang maging matatag para sa sarili ko at sa mga mahal ko.
Hindi pa ako nakakaisang oras ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. Kinabahan ako nang hindi ko na maigalaw ang kaliwang kamay ko pati na rin ang mga paa ko. Pilit ko na inabot ang cellphone at kaagad tinawagan si Doc Felix.
"Hello Elaisa. Kamusta?" Narinig ko sa kabilang linya.
"D-Doc Felix! T-Tulu.." Hindi ko magawang buohin ang mga dapat sabihin dahil hindi unti-unti na ring nanigas ang bunganga ko. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa likuran ko dahilan ng pagsigaw ko.
"Shit! Are you okay Elaisa? I need you to breathe slowly. Inhale, exhale."
Sinabayan nya akong huminga habang nasa cellphone. Natakot ako nang kahit anong gawi kong pagrerelax ay hindi pa rin nagiging maayos ang pakiramdam ko. 'Yung sakit kanina na nasa likod ko lang nararamdaman ay umakyat na hanggang sa ulo kaya nahiyaw na naman ako.
"Tumawag na ako ng ambulance, Elaisa. Nandyan na sila maya-maya lang. I need you to stay awake." Natataranta na rin sya.
Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi nya hanggang sa nauubusan na ako ng hininga. Natumba ako sa upuan at nawalan na ng malay.
Naalimpungatan ako ng makarinig ng pagtatalo sa paligid. Nahihirapan akong idilat ang mga mata.
"Tarantado ka! Pinagkatiwalaan ko kayo tapos ano? Ginago nyo na naman ako!" Narinig kong sigaw ni Jared, kahit hindi ako dumilat ay kilalang kilala ko ang boses nya. Kinabahan ako.
"Sya ang may gusto! Kung ako lang ang masusunod Jared, nasa America pa lang tayo ay sinabi ko na pero nakiusap sa akin ang asawa mo." Sagot ni Doc Felix. Gusto ko sanang bumangon para pigilan sya pero hindi ako makagalaw, hindi ko rin maibuka ang bibig dahil sa oxygen.
"Bullshit! Kinausap kita ng masinsinan pero putangina lang dahil naitago mo sa akin! Titig na titig ka pa sa mata ko. Napaka galing mong magsinungaling." May narinig akong kalabog pagkatapos mag salita ni Jared.
Kinalma ko ang sarili ko bago pilit na iminulat ang mata. Kahit nanlalabo ay naaaninag ko na hawak ni Jared ang kwelyo ni Doc Felix. Ibinubuka ko ang bibig pero walang boses na lumalabas kaya pilit kong itinaas ang kamay. Napansin 'yun ni Doc Felix kaya hinawi nya ang kamay ni Jared at kaagad lumapit sa akin.
"Elaisa. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Doc Felix bago may itinapat na liwanag sa mata ko. Hindi pa rin ako makapagsalita. "Tatanggalin ko ang oxygen, blink your eyes twice kung kaya mong huminga."
Pumikit ako ng dalawang beses kaya tinanggal nya ang nasa bibig ko. Bago pa ako makausap muli ni Doc Felix ay dinaluhan na ako ni Jared.
Tumulo ang luha ko ng makita ko syang umiiyak. "H-How could you do this to me?" Pumiyok pa sya habang nagsasalita. "B-Bakit, Elaisa?" Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at inilapit sa pisngi nya, mariin syang pumikit.
Ang dsmi kong gustong sabihin sa kanya pero ni-isa ay wala akong maisatinig. Nakagat ko na lang ang ibabang labi kasabay ng pag-iak.
"Bakit h-hindi mo sinabi sa akin? Bakit lagi ka nalang naglilihim?" Sunod-sunod na tanong nito. Hindi na rin tumitigil ang luha nya.
"Hindi mo na ba ako mahal?" Malungkot na ang mata nya at ramdam sa bawat salita ang hinanakit.
Nabigla ako sa tanong nya. "M-Mahal ki-kita." Nabigla ako dahil nakapagsalita ako kahit mahina.
"Then why did you hide this from me?" May hinanakit pa rin na tanong nya.
"Don't force her to talk, she need to rest." Napalingon kami pareho ni Jared kay Doc Felix. "I'll inform the other Doctor that you're awake. Excuse me."
Pagkalabas ni Doc Felix ay namayani ang katahimikan sa kwarto. Nakatitig lang kami ni Jared sa isa't-isa na tila kinakabisado ang mukha.
"Tumawag sa akin kanina si Felix at sinabi na nasa hospital ka. Ang akala ko ay dinalawa mo lang sya pero ang sabi nya ay nawalan ka daw ng malay kaya hindi ko na tinapos ang meeting at kaagad na pumunta dito." Natigilan sya sa pagkikwento. "And I found out that you hide this from me. Noong una ay ayaw kong maniwala sa kanya dahil alam ko na hindi mo na magagawang maglihim sa akin. Pero tinitigan nya ako ng seryoso, gustong gusto ko na pilipitin ang leeg nya." Bahagya syang natawa.
"Tarantado talaga ang isang 'yun, hindi pa nadala noong una at umulit pa." Seryoso na ang titig nya sa akin. Hindi ko alam kung para kay Doc Felix o sa akin 'yung huling sinabi nya dahil tunamaan ako.
Hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya ginamit ko ang natitirang lakas para hawakan sya ng mahigpit. Sana sa ganitong paraan ay maramdaman nya ang mga gusto kong sabihin.
"I know. I forgive you, Elaisa. Kahit ilang beses kang maglihim sa akin, tatanggapin ko. Hindi ako mapapagod na intindihin ka." Pinilit nyang ngumiti.
Patawad, Jared. Patawad.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...