Kaagad akong bumangon ng maramdaman ko na wala na sa tabi ko si Jared. Napalingon ako sa bed side table at napangiti ng mapansin ko ang isang red rose na may note
"Good morning, Sweetheart. Let's eat lunch at John's restaurant. I love you." Napangiti ako.
Sinimulan ko ng mag ayos dahil 10:30am na ako natapos sa pag ligo at pagkain, parang tinatamad pa nga akong bumangon dahil nangalay ang balikat ko sa pagtulog. Wala naman akong magandang damit na pwedeng suotin. Kinabahan ako bigla, ano ang susuotin ko?
Natigil ako sa pag-iisip na may nag doorbell. Laking tuwa ko ng makita ko si Jessabelle sa labas ng gate.
"Good morning Ate. Pinapunta ako ni Kuya para ibigay sayo 'to. I heard you two have a date. Tama ba?" Mapang asar na tumawa 'to.
"O-Oo, mag lulunch kami sa labas." Inaya ko sya papasok sa loob.
"Saang restaurant naman ate?"
Napaisip ako. Anong restaurant nga ba 'yun? "A-Ano, nakalimutan ko. Naeexcite na kasi ako." Natawa kami pareho.
Inabot kami ng halo isang oras sa pag-aayos ko. Tinulungan ako ni Jessabelle sa paglagay ng kaunting make up. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, bumaway sa akin ang brown knee lenght dress na tinernohan ng black heels.
"I can't believe na may igaganda ka pa pala Ate. I'm sure na lalong maiinlove sayo si Kuya." Nagpasalamat ako kay Jessabelle at napagdesisyonan namin na umalis na dahil 11:45am na at baka malate pa kami.
Inataki ako ng kaba ng makitang malapit na kami sa John's Restaurant.
"Are you ready, Ate?" Tumango ako sa tanong ni Jessabelle bago lumabas sa kotse nya.
Pagpasok sa restaurant ay hindi ako nahirapan na hanapin ang asawa ko. Nakita ko sya nakangiti sa akin. Parang gusto kong matunaw sa mga titig nya na talagang tumatagos sa buto ko. Hindi ko akalain na bibigyan ako ng Panginoon ng isang tao na katulad nya. Napakaswerte ko at ako ag minahal nya.
"You l-look beautiful." Nagulat ako ng inilang hakbang nya ako bagong halikan ng mabilisan. Nakarinig ako ng pagsinghap sa paligid.
"Jared naman." Hinampas ko sya sa braso sa sobrang hiya. Tinawanan nya lang ako at inalalayan maupo.
"Can I have your order, Ma'am, Sir?" Nakangiting bati ng waiter. May kung ano-anong sinabi si Jared sa waiter na hindi ko maintindihan kung pagkain nya ba talaga.
"So, how's your sleep, Sweety?" Ipinatong ni Jared ang dalawang siko nya sa lamesa sa pinagdikit ang kamay.
"O-Okay naman. Masarap ang tulog ko." Bakit parang naiilang ako?
"I see. I'm sorry hindi na kita nahintay gumising kanina, dumaan pa kasi ako sa office." Hinawakan nya ang kanang kamay ko.
"Okay lang, naiintindihan ko naman." Ngumiti ako para ipakita ko okay lang 'yun.
"Ano ang gusto mong gawin after natin kumain?" Tanong nya.
"Ikaw ang lalaki, kaya ikaw dapat ang nagpaplano ng date." Napasimangot ako ng wala pala syang plano kung saan kami pupunta.
"Bakit? Ikaw naman ang nagyaya ng date na 'to ha?
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Talagang ako dapat ang magplano?
"Jared naman. Kahit na ako ang nagyaya dapat kagabi pa lang ay may plano ka na!" Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Narinig ko pa na tumawa sya. Tinignan ko sya ng masama.
Hindi ko sya pinansin hanggang sa dumating ang pagkain namin. Sinimulan ko ng kumain dahil nagutom ako bigla sa bango ng pagkain.
"Elaisa?" Tawag sa akin ni Jared. Sinulyapan ko lang sya ng tingin at lumingon na ulit sa pagkain.
"Sweety?" Bahala sya. "Elaisa? Pansinin mo naman ako."
In fairness, masarap ang pagkain nila dito. Yayayain ko nga dito si Jessabelle para matikman nya.
"Sweety, we'll watch movie later. After that we'll go to church. At kung hindi ka pa pagod, we'll ride Ferris wheel while watching fireworks, is that okay with you?"
Napalingon ako sa kanya at todo ngiti sya. "Talaga?" Tumango sya. "Okay." At tinuloy ko na ulit ang pagkain. Humiwa ako ng karne at itinapat sa bibig nya.
"Ahh." Sabi ko per umiling lang sya. "Nga-nga na." Tumingin sya sa paligid bago umiling ulit.
"Nangangalay ako, Jared." Banta ko sa kanya. Wala naman syang nagawa pa at isinubo na ang pagkain. Nginitian ko sya ng pagkatams-tamis.
"Subuan mo rin ako." Bulong ko sa kanya. Pansin ko naman na mukhang nag aalangan sya. "Sweety." Nilambingan ko pa ang boses ko, alam kong nahihiya kasi sya.
Humiwa sya ng shrimp at isinubo sa akin. "Salamat." Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Maya-maya lang ay may biglang lumapit sa amin na lalaki.
"Hi, I'm sorry to disturb you but, a-are you Jared Montefalcon?" Tanong nito kay Jared.
"Yes. How may I help you?" Magalang na tanong ni Jared.
"I'm Mark, one of your fans." Nakangiting sabi nito bago naglabas ng papel at ballpen. "Pwedeng magpa autograph?"
Nagulat si Jared pero tinanggap nya pa rin ang papel at pumirma. "Ilang taon ka na, Mark?" Tanong nya.
"N-Nineteen po, Sir."
"Nag-aaral?" Nagulat ako ng magtanong pa si Jared. Hindi nya ugali ang makipag-usap sa mga tao na hindi nya kilala.
"Business Administration, Sir. Susundan ko po ang yapak nyo." Napangiti na rin ako dahil alam ko na idol nya talaga si Jared.
"That's good. Here's my calling card, let me know kapag OJT ka na, I'll help you in my company." Nginitian sya ni Jared bago iabot ang papel ang ballpen. Nakita ko naman na halos maiyak na si Mark.
"Salamat po, Sir."
"Kuhaan ko kayo ng picture." Sabi ko. Napansin ko kasi ang cellphone na hawak ni Mark at naka open ang camera.
"O-Okay lang po ba, Ma'am? Diba po ayaw ni Sir na may kumakalat ng litrato?" Nag-aalangan na tanong nya. Tinignan ko si Jared at nakangiti sya.
"Okay lang 'yan." Kinuha ko ang cellphone nya. "Smile!"
"Bakit mo ginawa 'yun?" Tanong ko kay Jared pagsakay namin sa kotse nya.
"Ang alin?"
"Ang bait mo kay Mark. Nakakapanibago." Hinawakan ko ang kamay nya.
"I don't know. Maybe I'm in a good mood because of my beautiful wife?" Ngitian pa ako.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...