Ilang oras na akong gising pero hindi ko pa rin magawang tumayo. Tamad na tamad ako. Pangalawang araw na rin simula nung umalis si Jared, hindi na rin ako tinatawagan ni Nathaniel. Naging masama ba ako sa kanila? Mali na ba 'yung mga ginagawa ko?
(KRING)
Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na sinagot ang cellphone ko.
"Hello?"
[Hija, pasensya na kung nalaman ni Jared kung saan ka nakatira. Nasundan nya pala ako.] Si tita pala.
"O-Okay lang po 'yun." Nakaramdam ako ng lungkot.
[Kamusta? Anong nangyari?]
"Nagkasagutan po kami. Hindi ko pa rin po nasasabi na sya ang tatay ng anak ko." I take a deep breath.
[Ganun ba? Kinausap ako ni Jared, balak nyang magpunta ng ibang bansa. Sabi nya sya na daw ang aasikaso ng ibang business namin doon.]
"T-Talaga po tita? Mabuti naman po." Para akong naiiyak, ano ba 'tong nangyayari sa akin?
[Sana balang araw mapatawad mo ang anak ko, sinabi nya sa akin na mahal na mahal ka daw nya. Hindi ko sinasabi sayo 'to para balikan mo sya, ginagalang ko ang desisyon mo, Elaisa.] Napakabait talaga ni tita, kahit kailan hindi nya ako kinontra.
At ayun na nga, napahagulgol na ako ng tuluyan.
[Elaisa, hija 'wag kang umiyak. Makakasama 'yan sa bata.]
"T-Tita. Natatakot po kasi ako na baka kapag tinaggap ko ulit sya ay masaktan na naman ako, hindi ko na po kakayanin yun." Ayoko na ulit maramdaman na parang wala akong karamay sa buhay.
[Naiintindihan kita, hija. Kung ako man ang nasa kalagayan mo, ganyan din ang gagawin ko. Pero sana, sana lang. Mapatawad mo ang anak ko.]
"Hindi ko na po alam ang gagawin ko." Iyak na lang ako ng iyak. Hindi na nagsasalita sa kabilang linya si tita pero alam kong nakikinig lang sya sa akin.
"Gustong-gusto ko na pong sabihin kay Jared na sya ang a-ama ng anak ko. Pero nauunahan ako ng galit lalo na kapag inaakala nya na anak namin 'to ni Nathaniel. Wala po syang tiwala sa akin, ang turing nya sa akin isang kaladkaring babae. A-Ang sakit sakit po nun. Sya lang po ang lalaking m-minahal ko." Kahit anong pigil ko talaga sa damdamin ko, hindi pa rin maitatanggi na si Jared lang ang mahal at minamahal ko.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...