Gabi na ng makauwi si Jared kasama ang tatlo nyang kaibigan. Sina Cristom, Nathaniel, at Jacob. Malalakas kumain ang magkakaibigan na 'to kaya marami akong niluto.
"Ya, pakikuha nung wine sa ref." Nasa labas ako ng marinig ko ang utos ni Jared.
Naabutan ko sila na nag iinuman pa rin sa kusina. "Ito na po Sir." Inilagay ko sa gitna nila ang wine.
"Pare, ang ganda talaga ng maid mo no? Mukhang bata pa." Napalingon ako sa nagsalita. Si Jacob. Nginitian ko lang sya.
"Oo nga! Hi, Elaisa, single ka pa ba?" Tanong naman ni Cristom. Nginitian ko lang din sila, lagi kasi nila akong niloloko.
"Umalis ka na." Mariing utos ni Jared.
"Opo." Sagot ko.
"Pare bakit mo naman pinaalis kaagad? Dideskarte pa nga lang ako eh!" Angal ni Cristom.
"Fck you ka Cristom!" Nagtawanan pa sila.
---
Lumabas na lang ulit ako at naupo sa swing. Malamig na ang gabi pero mas pinili kong mag stay dito, nakakarelax, sa loob kasi puro usok ng sigarilyo.
"Gabi na. Bakit nasa labas ka pa?" Nagulat ako sa nagsalita kaya napatayo ako kaagad.
"S-Sir Nathaniel, may ipag uutos pa po ba kayo?" Tinitigan nya lang ako ngumiti ng napakatamis.
"Don't call me Sir, I know everything." Nakangiting sabi nya.
"Po?" Kinabahan ako bigla.
"Alam kong hindi ka katulong. Asawa mo si Jared." Napayuko ako sa sinabi nya. Alam nya ang totoo.
"Bakit nyo ginagawa 'to?" Naguguluhang tanong nya.
"Dahil 'yun naman ang dapat." Nangingilid na ang luha ko.
"Nang dahil lang sa pera? Alam kong nasasaktan ka nya Elaisa, bakit ka pumapayag?" Alam kong naaawa na sya sa akin.
"K-Kasi mahal ko sya." Napahagulgol na ako. First time na may taong kumausap sa akin tungkol sa pinagdadaanan ko. "Mahal ko sya. Na k-kahit ang sakit sakit na ay kumakapit pa rin ako."
"Matigas na tao si Jared. Alam naming lahat 'yun kaya nagtaka kami noong nalaman namin na kasal na sya." Paliwanag nya.
"Alam din ba nila?"
"Yes, alam din nila Cristom at Jacob na ikaw ang asawa nya." Paglilinaw nya.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...