Hindi ko alam pero habang ginagawa ko tong chapter na to ay naluluha ako. Sana kayo rin haha. Enjoy reading!
Mamaya na ang start ng operation ko. Mas pinili ko ang magbilad sa araw ng mag-isa. Mugto pa ang mata ko dahil nakausap ko ang magulang ko kagabi at inamin ko na sa kanila ang kalagayan ko. Para kung sakaling mawala ako ay handa sila.
Muntik ko na rin maitanong sa kanila si Jared. Naiiyak na naman ako dahil naalala ko yung mukha nya noong humingi ako ng tawad sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa ko syang saktan dahil sa sinabi ko, paano pa kaya kapag nalaman nya na ang kalagayan ko.
Tuwing gabi ay umiiyak ako, naaawa na nga ako kay Venice dahil baka naiistorbo ko sya. Hindi nya rin kasi ako maiwanan. Tinitiis nya ang maliit na kama sa hospital para mabantayan ako.
Pumikit ako at tumingala, niramdam ang init ng araw. Marahil ay ito na ang huling araw na mararamdaman kita.
"So we'll start the operation after two hours. Just to let you know Elaisa. Surgical procedures for the treatment of tumor can be complicated and may involve significant risk." Masisinsinang paliwanag ng doctor.
"Yes, I understand." Ito na lang ang natitirang paraan para mailigtas ako. Ilang araw pagkatapos ko magtake ng gamot ay unti-unti na akong nakakapagsalita.
"Elaisa, doon muna tayo sa kwarto mo." Tinulak ni Venice ang wheel chair na inuupuan ko.
"Hindi ba dapat magpalit na ako ng hospital gown? Yun kasi yung sabi nung nurse kanina." Pero dire-diretso pa rin sya ng tulak.
"Mamaya na yun. Magkwentuhan muna tayo, narinig na naman kasi kitang umiiyak kagabi." Huminto ito saglit at humarap sa akin. "Miss mo na sya no?" Inayos nito ang bandana sa ulo ko.
Tumango at kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Bakit hindi mo sya kausapin?"
"H-Hindi ko kaya." Napailing sya sa sagot ko at muli akong tinulak.
Huminto kami sa tapat ng kwarto pero hindi nya pa rin binubuksan ang pintuan.
"I want you to be happy." Naguluhan ako sa sinabi nya lalo na nung tumulo rin ang luha nya. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto. Nakaramdam ako ng kaba, parang may mali.
Pagpasok ay si Doc Felix ang nakita ko na may sugat sa gilid ng labi at gusot gusot ang suot na damit.
"Hi Elaisa, kanina pa kami naghihintay sayo." Sabi ni Doc Felix na natatawa pa. Tumingin sya sa gilid ng pintuan at laking gulat ko ng makita sya.
"J-Jared." Gustong-gusto ko tumayo para yakapin sya. Pero natakot ako ng makita ang reaksyon nya. Nandidiri ba sya?
"Bakit hind mo sinabi sa akin?!" Napapitlag ako ng sumigaw sya ng sobrang lakas.
"Bro, chill. Maiwan muna naming kayo." Tinapik ni Doc Felix ang balikat ko at hinalikan naman ni Venice ang pisngi ko bago lumabas.
Unti-unti syang lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko kasabay ng mahina nyang pag-iyak.
B-Bakit sweety?" Napapikit ako ng marinig ang mahinhin nyang boses.
"S-Sorry. Hi-Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo." Hinaplos ko ang buhok nya. "Baka kasi h-hindi mo ako matanggap."
Tinignan nya ako ng masama. "Anong akala mo sa akin? Gaano ba kababaw ang pagkakaalam mo na mahal kita para maisip mo yan? Fuck! Handa akong ipalit ang buhay ko para sayo!"
"Wag mong sabihin yan. Patawarin mo ako." Niyakap ako nito ng napaka higpit na para bang takot na mawala ako.
"I can't hate you though you hide your condition. I want to be with you, Elaisa. I want to help you, remember that I won't ever leave you." Hinalikan ako nito ng mariin sa labi.
"Hindi ko alam kung tatagal pa ako Jared." Mahina nyang tinampal ang bibig ko.
"Don't say that. I've already spoke to Felix—" Pinutol ko ang sinasabi nya. Naalala ko kasi yung itsura ni Doc Felix kanina.
"Sinaktan mo na naman ba si Doc Felix?" Tanong ko dito.
"Yeah! He deserves to be punch! Kulang pa nga yun eh." Napailing na lang ako sa sagot nya. "As I'm saying, we still has chance of survival. I just need you to hold on and be strong. I love you, Elaisa."
Pinagsalikop ko ang kamay namin. "Mahal rin kita."
Si Jared ang tumulong sa akin para magbihis dahil ilang minute na lang ay magsisimula na ang operasyon.
"Gusto kong pumasok sa loob ng operating room. Gusto mo samahan kita?" Tinatanggal nito ang bandana sa ulo ko.
"Baka hindi pwede."
"Ako ang bahala." Nginitian ako nito. Parehas kaming napatingin sa salamin. Nahihiya ako sa itsura ko dahil wala ng natitirang buhok sa ulo ko, umiwas ako ng tingin.
"You're still the most beautiful girl for me." Ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko at pinalibot sa baywang ko ang magkabila nyang kamay.
"Wag mo na nga akong utuin. Tignan mo nga ang itsura ko, mukha na akong itlog." Natawa ako sa sariling biro.
"So what? I still love you." Tumawa kami parehas.
Binuhat nya ako at isinakay sa wheel chair. Tinawag na kami ng nurse at magsisimula na daw kami.
"Ready?" Hawak nya ng mahigpit ang kamay ko habang papasok kami sa operation room.
Tumango ako. Kahit mata nya lang ang kita ko dahil sa mask ay ramdam ko ang kaba nya dahil sa panginginig ng kamay.
"Ikaw? Ready na?" Balik tanong ko pero sinimangutan nya lang ako. "Para kasing mas kabado ka pa sa akin."
"O-Of course not!" Tinawanan ko sya.
"Elaisa. Papatulugin ka na namin." Sabi ni Doc Felix. "See you after this."
"Salamat ng marami sayo Doc Felix, pakisabi na rin kay Venice." Ang sabi kasi saken ni Venice kanina ay hindi sya sasama sa operation, baka daw hindi nya kayanin.
"Save that for later." Nakita ko syang may itinurok sa dextrose ko.
Nilingon ko si Jared na mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kamay ko. "Jared, my love. Patawarin mo a-ako kung nasaktan man kita. Maraming salamat da-dahil sa kabila ng nagawa ko ay tinanggap at minahal mo pa rin ako." Bahagyang tumulo ang luha naming dalawa.
"Ssshh. Tatanggapin kita kahit ano ang mangyari." Hinalikan nito ang kamay ko.
Unti-unti ng nanlalabo ang mata ko, inaantok na ako. "Ma-Mahal na mahal kita."
Bago ako napapikit ay nakita kong tinanggal ni Jared ang mask at hinalikan ako sa labi. "Mahal na mahal rin kita."
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...