"Jared, katatapos lang ng usapin namin ni Mommy, pupunta daw sila dito bukas." Ang tinutukoy ko ay ang mommy nya, nagkausap kasi kami at gusto nya daw akong makita na malaki ang tiyan, natawa pa nga ako.
"Really? Sino ang kasama nya?" Tanong ni Jared habang nililinis ang sasakyan sa labas.
"Si Jewel pati 'yung boyfriend nya." Sagot ko. Nakita ko naman syang napasimangot.
"Kasama nya na naman 'yung lalaki na 'yun? Humanda sila sa akin mamaya." Binilisan nya ang paglilinis ng sasakyan.
Tinitigan ko lang sya. He's half naked and only wearing his boxer short while cleaning his car. Hindi ko maiwasang titigan ang mga muscle nya nagfflex kapag inaabot nya ang bubong ng kotse. Napakagat labi ako. Napatitig naman ako sa pwetan nya, ang sexy!
"What are you looking at?" Nahimasmasan ako ng makita ko si Jared na nakangisi sa akin.
"W-Wala! Dalian mo na dyan." Narinig ko pa syang humalakhak bago ako pumasok sa loob. Ano ba ang nangyayari sa akin? Damn this hormones!
Hindi rin nagtagal at pumasok na si Jared sa loob, naligo muna sya bago ako sinabayan kumain.
"Kamusta pala ang bisita nyo sa OB mo kahapon?" Nilingon ko si Jared. Hindi kasi sya nakasama dahil sa biglaang meeting. Si Jewel ang sumama sa akin.
"Okay naman. Malusog si baby. Kamusta pala 'yung meeting nyo kahapon? Nabuking na ba?" Nacurious ako.
Umiling sya. "Mailap, pero hindi magtatagal at makikilala na rin sya." Uminom sya ng juice at pinakatitigan ako. Biglang nanuyo yung lalamunan ko.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko at nilabanan ang titig nya.
Ngumiti sya at umiling. Parang natunaw ang puso ko sa ginawa nya.
"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong nya habang nililigpit ko ang pinagkainan namin.
"Wala naman. Bakit?"
"Hmn. Wala lang din."
Napahinto ako sa sagot nya. Ano ba ang problema ng isang 'to?
"Wag ka nga palang pupunta sa bakuran, may ginagawa ako doon at baka maaksidente ka." Sabi nito bago lumabas ng bahay at dumiretso sa bakuran.
Napakunot ang noo ko. Something's wrong pero sinunod ko pa rin sya. Maghapon ako nakaupo sa sala habang nanunuod ng TV.
"Sweety, aalis lang ako saglit." Nilingon ko si Jared habang pababa sya ng hagdanan. He's wearing a white shirt and a jersey short, may dala syang paper bag.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...