SPG

2K 27 4
                                    

Pagpasok sa building ay sinalubong kami ng titig nang mga tao. Medyo nailang ako dahil sa itsura ko, gusto ko na sanang umatras pero umangkla si Jewel sa braso ko at hinila para makasabay sila sa paglalakad.

"Good day, Madam." Nginingitian ni Mommy ang mga empleyado na bumabati at sumasalubong.

Pagdating sa dulong floor ay nawala na ang kaba ko dahil sa wala nang tao. Tumayo ang secretary ni Jared na nasa labas noong nakita kami.

"Nandito ba ang anak ko?" Tanong ni Mommy.

"Yes Madam, pero he's with a client Madam." Sabi nito na parang nataranta.

"Sino? Tumawag ako kanina sayo, diba? Ang sabi mo wala naman syang meeting ngayon." Sumingit na si Jewel.

"Busy po ata sya." Hindi ko na rin napigilan ang magsalita.

"Did you inform him that we'll be in here?" Tanong ulit ni Mommy.

"Yes, Madam. Tatawagan ko lang po si Sir." Akma nitong ilalagay sa tainga ang telepono nang pigilan sya ni Jewel.

"No need." Dire-diresto lang 'tong pumasok sa loob ng opisina. "Brother!" Naiwan sa ere ang kamay ni Jewel at natigilan.

Nagtatakang sumunod kami sa loob. Ganun na lang ang bigla ko nang may nakita akong babae na nakapatong ang magkabilang kamay sa lamesa ni Jared. Muntik na akong mapapikit dahil halos kita na ang underwear nito sa sobrang iksi ng suot.

"What's happening here?" Dumagundong ang boses ni Mommy na naging dahilan ng biglaang pagtayo ni Jared at ng babae.

"M-Mom.." Nanlaki ang mata ni Jared nang makita kaming tatlo. "W-What are you guys doing here?"

Napansin ko ang dahan-dahan na paglalakad nang babae, animo'y tatakas sa kasalanan pero mabilis si Jewel at naharangan ang babae. "Ikaw na naman?" Sabi nito.

"I just came here to visit your brother. Got a problem with that?" Mataray na tanong noong babae.

"Gusto mo bang kalbuhin kita?" Bulong lang 'yun pero ramdam ko ang gigil ni Jewel.

"Madam, mauna na ako." Hindi nya pinatulan ang inis ni Jewel at bumaling kay Mommy.

Pagkalabas noong babae ay walang nangahas na magsalita sa amin hanggang sa naglabas si Mommy nang cellphone at may tinawagan. "Nakita nyo ba 'yung babae na lumabas sa opisina nang anak ko?—Yes, 'wag nyo syang hahayaan na makapasok pa sa building." 'Yun lang ang binaba na nito ang tawag.

"Kuya naman! Nakikipagkita ka pa rin doon sa bitch na 'yun?" Nagpapadyak na si Jewel.

"Your mouth, Jewel! Parang hindi ka babae." Sita ng kapatid nya.

"Sister in law, 'yung babae na 'yun? Sya lang naman ang lumandi kay Kuya noong mga panahon na wala ka." Sumbong nito sa akin bago nagtago sa matalim na titig ng kuya nya. Parang may kumirot sa puso ko.

"May plano sana ako ngayong araw na 'to pero nawalan na ako nang gana." Biglang tumalikod si Mommy. "Let's go, Jewel. See you, hija." Humalik ito sa pisngi ko bago kami iniwan ni Jared.

"Mommy didn't told me that you're with them." Sabi nito habang naglalakad palapit sa akin.

"Bakit? Kung sinabi ba nya ay hindi mo papupuntahin dito ang babae mo?" Mataray na tanong ko.

Natigilan sya sa paghakbang na para bang may humila sa kanya. "N-No. Hindi ko sya babae."

"Ano pala 'yung sinabi ni Jewel?"

Naglakad na naman sya palapit sa akin. "May galit lang sya doon kaya nya nasabi 'yun."

"So sinasabi mo na nagsinungaling ang kapatid mo? Para saan, Jared?" Unti-unti nang nag-iinit ang ulo ko.

All About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon