"Mommy, ang tagal naman gumising ni ate." Kilala ko 'yung boses na 'yun. Si Jewel."Kailangan lang daw nya ng pahinga sabi ng doctor." Si tita. Panigurado nasa hospital ako. Naalala ko si Jared, nakita ko sya kanina. Agad-agad akong bumangon pagdilat.
"Ate!" Inalalayan ako ni Jewel.
"Si Jared? Nasaan ang kuya mo?" Tinignan ko sya sa mata pero umiwas sya.
"Ate, magpahinga ka muna."
Naalala ko 'yung dahilan kung bakit ako nandito, bigla akong napahawak sa tiyan ko.
"Okay lang ang baby, hija. Mag ingat ka next time, sabihin mo sa akin kung may masakit sayo." Hinaplos nya ang mukha ko.
"Pasensya po at nag alala kayo." Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Baby, sorry at hindi nag iingat si mommy. "Tita, si Jared po."
Biglang bumukas ang pinto at halos malagutan ako ng hininga sa nakita ko. Unti-unting tumulo ang luha ko.
"J-Jared." Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko, nanghihina ako. Gustong-gusto kong tumakbo papalapit sa kanya para yakapin at halikan sya.
"Maiwan muna namin kayo." Sabi ni Tita. Nginitian nya ako bago sila lumabas.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nya habang papalapit sa akin.
"M-Medyo nanlalambot lang pero okay na naman a-ako." Hindi ako makapaniwala na biglang nawala 'yung galit ko sa kanya.
Naupo sya sa harapan ko sa kama. "Mabuti naman." Nginitian nya ako at pinunasan ang luha ko.
"Jared. S-Sorry." Hinawakan nya ang mukha ko.
"Sshh. Ako ang may kasalanan." Hinalikan nya ang noo ko. Hindi ko na natiis at niyakap ko na sya. Namiss ko sya ng sobra kaya napahagulgol na ako.
"Tahan na Elaisa, makakasama 'yan kay baby." Hinaplos haplos nya pa ang likod ko.
Lumayo ako sa kanya para hawakan ang mukha nya. Hindi ko akalain na darating ako sa point ng buhay ko na mapapatawad ko sya. Dati takot na takot ako pero ito ako ngayon, masayang kasama sya.
"Akala ko nakaalis ka na?" Yun kasi ang sabi sa akin ni Nathaniel.
"Nakasakay na ako sa airplane then I receive a text from Nathaniel kaya agad akong bumaba." Paliwanag nya.
"Salamat ang binalikan mo ako."
"Hindi naman talaga kita kayang iwan, kung hindi mo 'yun sinabi, hindi ko naman gagawin." Ako naman talaga ang may kasalanan.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...