Chance

1.4K 28 1
                                    


Mabilis natapos ang pakikipag-usap namin sa ibang doctor at umaasa sila na next week ay sabay sabay na kaming makakaalis. Pinili naming maiwan ni Doc. Felix, dadaanan daw kasi si Venice.

"Mukhang nabuhayan ka ata ng loob ngayon ha?" Natawa kaming parehas ni Doc Felix sa sinabi nya.

"Oo. Naniniwala ako sa kakayahan nyong mga doctor, alam ko na matutulungan nyo ako." Tumunog na naman ang cellphone ko, saglit kong tinignan at kinabahan na naman ako.

"Si Jared?" Tumango ako sa tanong ni Doc. Felix. "Napakakulit naman talaga ng lalaki na yan!"

Habang nagmemeeting kami kasama ng ibang doctor ay tumatawag si Jared pero hindi ko pinapansin dahil wala akong maayos na idadahilan, ang alam nito ay nasa bahay ako.

"Jared?"

"Tapos ka na bang maglinis?" Napataas ako ng kilay sa tono ng pagtatanong nya. Napainom ako ng kape ng wala sa oras.

"H-Ha? Hindi pa eh. Bakit?" Tumingin ako kay Doc. Felix dahil may sinisenyas ito sa labi ko.

"Talaga ba?" Nagdududa na sya?

Nalilito na ako dahil kay Jared at sa sinisenyas ni Doc. Felix. "O-Oo. Nilinis ko din kasi yung garahe."

"You know what I hate the most? Liar." Mariing turan nito.

Nabigla ako ng hinawakan ni Doc. Felix ang labi ko at parang may pinusan ito. Pero mas nabigla ako ng biglang bumagsak ni Doc Felix sa sahig. Nabitawan ko ang cellphone sa sobrang gulat.

"Tarantado ka talaga! Hanggang ngayon ba naman?" Lumingon ako kay Jared na namumula na sa sobrang galit.

Tumatawa si Doc Felix habang tumatayo. "Dahil talunan ka!"

Mabuti nalang at wala masyadong tao ngayon kundi ay nakakahiya sa mga maabala. Napansin ko rin na ang isa sa mga bodyguard ni Jared ay kinausap ang manager para isarado muna ang restaurant.

Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang pinagsasabi nila. Akmang susugod na naman si Jared kaya kaagad akong pumagitna.

"Jared! Bakit mo sya sinapak?" Niyakap ko ito para di na makasugod.

"Pinagtatanggol mo 'tong gago na 'to? Really, Elaisa?" Naalala ko na naman yung mga panahong galit nag alit sya sa akin, ganito ang itsura nya noon.

"What's happening here?" Biglang sulpot ni Venice. Napansin ko ang simpleng pagkindat ni Doc sa kanya. "So you caught them?" Lalo akong naguluhan.

"Alam mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Sya naman ngayon ang hinarap ni Jared.

"I know that they're secretly dating that's why I broke up with Jared yesterday. I hate you Elaisa. Akala ko pa naman ay kaibigan kita!" Humagulgol ito ng iyak. Umamba ito na pasugod sa akin pero kaagad syang nahila ni Doc. Felix.

Pilit na tinanggal ni Jared ang kamay ko na nakayakap sa kanya. "N-No! Hindi yun totoo, Jared. Wala kaming relasyon ni Doc Felix." Naiiyak na rin ako.

Pagkamuhi ang nakikita ko sa mukha ni Jared. "Hindi ko akalain na magagawa mo 'to. Ilang beses mo akong pinagsinungalingan. Alam mo bang hindi ako naniniwala sa mga bodyguard mo kapag sinasabi nila sa akin na nagkikita kayo ng putangina na 'to?"

"Pinapasundan mo ako?"

"That's for your protection! Yun pala ginagago mo ako! Ayaw kong maniwala dahil alam ko na mahal mo ako. Pero bakit?" May pumatak na luha sa mata nya.

"Nagkakamali ka Jared! Wala talaga kaming relasyon! Hindi ba Doc Felix?" Nilingon ko sya pero malungkot lang ang mukha nya.

"There's no point in denying it, Elaisa. Just tell him."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Kaagad na sumugod si Jared at nasuntok na naman si Doc Felix. Napahiyaw kami ni Venice.

"Hindi ka pa talaga nakontento! Hayop ka!" Niyakap ko ang likuran ni Jared at buong lakas syang hinila. Kahit na nahihilo ako ay kailangan kong awatin sya.

Hinarap ako ni Jared. Igting ang bagang nito na nakatitig sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko, tanging paghikbi lang ang lumalabas sa bibig ko.

"This is your last chance, Elaisa." Hirap na sabi ni Doc. Felix. Hindi ko alam kung bakit nila 'to ginagawa. Kung bakit sila nagsinungaling ni Venice. Gusto ba nila na magkahiwalay kami? Natigilan ako sa sariling tanong at muling nilingon sina Doc Felix.

Nginitian ako ni Venice at sinenyasan na okay lang sila. Huminga ako ng malalim.

"I-I'm sorry, Jared. Tigilan na natin 'to." Nilakasan ko ang loob ko at pinigilan ang luha. Nakipaglaban ako ng titig sa kanya.

Mapait syang tumawa. "Wala ka ring pinagka iba sa kanila." Tinanggal nito ang suot na wedding ring at ibinato. "I'll give you until tomorrow to sign the divorce paper and to get all your things."

Nilingon ko sya habang naglalakad palabas ng restaurant. Nagulat pa ako ng sinipa nito ang lamesa. Walang lingon syang lumabas. Doon na ako napaupo sa sobrang panghihina.

Inilabas ko na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa amin.

Siguro sa iba napakadali lang sabihin sa karelasyon nila na may sakit sila. Pero hindi ko kaya! Marahil ay matatanggap ko kung iwan nya ako, pero paano kung di nya kayanin kung mawala ako? Ayaw kong makita nya na nahihirapan ako. Ayaw ko rin na nahihirapan sya sa kalagayan ko.

He deserve all the happiness in the world. Oo at hindi sya perpekto pero sa kabila ng lahat ay nagawa nyang magbago at magmahal. Sobra ang pasasalamat ko sa kanya at sa pamilya nya kung kaya't ayaw ko na maging pabigat pa.

"Okay ka lang ba, Elaisa?" Inalalayan akong tumayo ni Venice pero nahihirapan ako dahil sa hilo.

"Gago yung Jared na yun ah. Nakadalawa ang putangina!" Naiiling na sabi ni Doc Felix habang papalapit sa manager ng restaurant. Nung nakita ko na ayos lang sya ay pumikit ako ng mariin.

"H-Hindi...ko pa ka-kayang tuma-tumayo." Hindi na ako makapagsalita ng maayos.

"Okay lang. We'll stay like this hanggang sa umayos ang pakiramdam mo." Bahagyang hinagot ni Venice ang likod ko.

Alam kong palabas nila ang kanina lalo na nung nginitian ako ni Venice. Tama na siguro yun dahil ayoko na magsinungaling pa sa kanya.

All About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon