I like you.

2.1K 44 2
                                    

It's been two days ng simulan ko ang pananahi ng wedding gown, inspired ako kaya hindi ko talaga 'to tinitigilan.

"Do you want to eat?" Tanong ni Jared pagpasok nya sa private office nya. Sya ang nag insist na doon na daw para makapag focus ako.

"Mamaya na." Sagot ko. Hindi ko matigilan ang pagtatahi dahil talagang naeexcite ako sa kalalabasan.

"Ipapaalala ko lang sayo, Elaisa. It's already 1:35 pm at hindi ka pa kumakain." Natigilan ako ng marinig ko ang iritado nyang boses.

"Busog pa naman ako. Nag breakfast ako kanina." Naupo ako sa saglit at humarap sa kanya.

"Eat." Itinuro nya 'yung pagkain na nasa lamesa.

"Dinalhan mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi ka lumalabas eh. Tigilan mo na muna 'yan at kumain ka." Sinunod ko na ang sinabi nya, minsan lang naman 'to kaya sagarin na.

Masaya akong kumain habang sya ay nakaupo at may tinitignan na papeles.

"May lakad ka ba mamaya?" Tumigil ako sa pagkain ng marinig ko si Jared.

Saglit akong nag-isip. "Hmn. Wala, pero may tatahiin pa ako." Ininguso ko 'yung gown na hindi pa natatapos.

"Leave that. Samahan mo ako sa meeting ko." Sabi nya na nakakunot noo.

"A-Ano.. Wala naman akong gagawin dun diba? Baka magkasagutan lang kami ni Tricia." Naalala ko na naman 'yung babae na 'yun. Nakakakulo ng dugo.

"I want you there." Tumayo sya at tumapat sa akin.

Napanganga ako, para akong nakatingin sa isang model, masculine body, ugh!

"Be ready after 30 minutes." Sabi nya bago lumabas ng opisina.

Hindi ko alam kung bakit, pero dahil sa inaasta nya, kinikilig akl ng sobra!

----

"Good morning, Mr and Mrs Montefalcon." Bati sa amin ng board pagpasok namin sa conference room. At dahil naka sleeveless dress lang ako ay binalot ako ng lamig.

"Okay ka lang?" Lalo akong kinilabutan ng bumulong sa tainga ko si Jared kasabay ng kamay nyang pumulupot sa bewang ko.

"M-Medyo malamig lang." Hoo! Nararamdaman ko na namumula na ang mukha ko.

"Ivan, pakihinaan ang aircon." Utos ni Jared sa secretary nya.

"No, Ivan. I'm wearing turtle neck dress." Napalingon kaming lahat ng magsalita si Tricia. Napataas ang kilay ko at mukhang napansin ni Jared 'yun dahil narinig kong natawa sya.

"Sige na Ivan, okay lang, nasa Pilipinas kasi ako kaya hindi ako nagt-turtle neck." Nginitian ko si Ivan at tumango naman sya. Titiisin ko na lang ang lamig kesa naman magkagulo pa kami dito.

Halos 30 minutes na ang nakalipas pero hindi pa rin tapos ang meeting nila, kalahati na sana ng gown ang nagawa ko nito.

"Are you cold?" Bulong na naman ni Jared. Sunod-sunod na ang tango ko dahil hindi ko na talaga kaya.

"Pwede ba akong lumabas?" Tanong ko, nang hindi sya sumagot ay akma na akong tatayo ng pigilan nya ako sa hita. God!

"Wear this." Natulala ako ng iabot nya sa akin ang coat nya. Hindi ako napakilos. Huminto ang speaker ng tumayo si Jared at isinuot sa akin ang coat nya.

"Continue." Sabi ni Jared sa speaker. Naupo na ulit sya sa tabi ko.

Pasimple kong sininghot-singhot 'yung coat, kapit na kapit dun 'yung amoy nya, nakakalasing.

"Dahan-dahan, baka masinghot mo na ang coat ko." Pasimpleng bulong ni Jared. Dim naman ang light kaya hindi kami masyadong kita.

"H-Hindi ko naman sinisinghot." Ang hirap magsinungaling.

"Really? Okay, sabi mo eh." Natawa na naman sya, mukhang pinagtitripan na ako nito ah.

After almost 2hrs, natapos na rin ang meeting. Muntik na akong makatulog sa loob.

"Elaisa, can we talk?" Palabas na sana ako ng conference room ng magsalita si Tricia. Tinignan ko saglit si Jared.

"Hihintayin kita sa office ko, 20minutes." Sabi nya bago ako halikan sa noo at lumabas.

Saglit na katahimikan bago nagsalita si Tricia. "Layuan mo si Jared. Hindi sya para sayo."

Muntik na akong matawa sa sinabi nya. "At para kanino sya? Sayo?"

"Oo! He's mine, only mine. So back off." Nagpameywang pa sya sa harapan ko.

"Kung he's yours. Bakit ako ang asawa? Bakit ako ng hinalikan?" Tinarayan ko rin sya.

"Hahanapan kita ng butas at sisiguraduhin ko na lalayo sya sayo." Aalis na sana sya.

"You know what, Tricia? Hindi mo naman kailangan gawin 'yun. Kung talagang kayo para sa isa't-isa, magiging kayo. Hindi mo dapat madaliin." Ako na ang unang lumabas. Kahit paano ay naiintindihan ko sya, nagmamahal lang din sya katulad ko.


All About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon