Natuyo ang utak ko dito. Some scene are not suitable for young readers. I already warned you guys, wag nyo akong sisihin kung maihi man kayo. HAHA 😉😉😉😉
-------
"I'm done!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa dahil after one week ay tapos ko na ang wedding gown. Napagdesisyonan ko na tapusin ang gown sa store para hindi ako mahirapan sa pagdala.
"Congrats, Mrs. Montefalcon. Nasa labas na po sina Mrs. Conrado." Sabi ni Nanita habang nililigpit namin ang kalat.
"Talaga? Sakto pala. Papasukin mo na sila." Hindi ko akalain na natapos ko sya, first time kong gumawa ng wedding gown.
"Good afternoon, Elaisa." Nakipagbeso ako kay Margareth at sa Mother in law nya.
"Ito na ang gown." Itinulak ko papalapit sa kanila ang mannequin.
"Gosh! Oh my God! It's wonderful!" Halos maiyak iyak na sabi ni Margareth, pati ako ay naiiyak. "Salamat ng sobra, Elaisa." Niyakap nya ako.
Tinignan ko si Mrs. Conrado, she smiled at me. "It's beautiful, I like it."
"Invited ka sa kasal ko, Elaisa, I want you there." Sabi ni Margareth.
"Oo naman, hindi ako mawawala." Saglit kaming nagkwentuhan bago sila umuwi.
Pagdating ko sa bahay ay may nakita akong package. Pagbukas ko ay halos hindi ako makahinga. It's Jared with Tricia, they we're happy. The other picture shows that they're kissing at the street. Kusang tumulo ang luha ko. Sya ba talaga to? Sino ang nagpadala sa akin ng picture?
Pumasok ako sa kwarto at doon ako lalong umiyak. Pagkukunwari lang ba ang pagiging sweet nya sa akin? Ginamit nya lang yata ako para hindi na sya pag initan ng mommy nya.
I shook my head. No, hindi dapat ako mag conclude, hihintayin ko sya at makikinig ako sa kanya.
"Ate, wake up." Naalimpungatan ako ng maramdaman na may tumatapik sa akin. Dumilat ako at nakita ko si Jessa na nakangiti sa akin.
"Nakatulog pala ako. Anong ginagawa mo dito?" Pinaupo ko sya sa tabi ko.
"Nasaan na si kuya?"
"Hindi pa sya umuuwi." Sagot ko.
"Ha? Sabay sila ni daddy umuwi dito, yesterday. Wala pa sya?" Kinabahan ako sa sinabi ni Jessa.
"Ano? W-Wala pa sya. Hindi pa sya tumatawag simula ng umalis sya dito." Naiiyak na ako. Nasaan na si Jared?
"Relax, Ate. Tatawagan ko si Daddy." Tumayo sya at nagdial. Saglit nyang kinausap ang daddy nya.
"Ate, daddy confirmed that he went home with kuya." Tuluyan na akong naiyak.
Ano na ang nangyari kay Jared?
---
Napatingin ako sa wall clock, 1:45 am na pero wala pa rin si Jared. Sabi ni Jessa ay tinawagan nya na ang mga kaibigan ni Jared, pero wala pa rin. Hindi rin naman ako makatulog kaya naghintay na lang ako sa pag uwi nya.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...