Naalimpungatan ako ng bigla akong makaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. Umupo ako at dahan-dahan na idinilat ang mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa kagigising ko lang at sobrang labo ng mata ko, parang may nakaharang at sumabay pa ang nangangalay ko na kaliwang braso. Pilit kong inaaninaw si Jared, napangiti ako ng maaninag ko sya na mahimbing na natutulog.Pumikit ako at nagbilang ng sampo bago dumilat, malabo pa rin ang paningin ko. Kinapa ko ang paligid at dahan-dahan na bumaba ng kama. Kinapa ko ang daanan hanggang makapunta ako sa banyo, ang labo pa rin ng paningin ko. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumayo lang ako ng matagal hanggang sa luminaw na ang paningin ko.
Ngayon na ang araw para malaman ko ang resulta ng nangyayari sa akin ngayon. Kinakabahan ako pero kailangan kong tanggapin kung ano man yun.
"I'll be in the meeting till afternoon, so baka late na ako makauwi." Napalingon ako kay Jared habang kumakain.
"Hindi na kita hihintayin?" Tanong ko. Nasanay na kasi akong sabay kaming matulog.
"Hindi na. Magpahinga ka, lately kasi napapansin ko na nangangayayat ka. Wala ka bang sakit?" Napakunot noo sya. Kinabahan ako.
"W-Wala naman. Okay lang ako, kulang lang siguro sa tulog." Alam ko na hindi sya naniniwala dahil mariin nya akong tinitigan. I hold his hand. "Okay lang talaga ako."
"Just please let me know kung may sakit ka or problema." Nasasaktan ako na hindi ko manlang masabi sa kanya ang nangyayari sa akin, dahil natatakot ako.
"Oo naman, magsasabi ako sayo." I smiled, it help me to hide what I'm feeling inside. Gustong gusto ko na umiyak sa harapan nya.
"It's just that you don't look so good today."
Pinilit kong tumawa. "Okay nga lang ako, paranoid ka lang talaga."
Tumingin ito sa relo nya. "Kailangan ko ng umalis." He kissed me.
Sinamahan ko sya hanggang sa pag sakay nya ng sasakyan. Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Hindi naman dapat ako kabahan ng ganito dahil wala pa namang resulta, pero iba ang pakiramdam ko. Alam ko na may masamang mangyayari.
"Good morning Mrs. Montemayor, how are you?" Nakangiting bati sa aking ng doctor pag pasok ko.
"Okay naman po ako Doc." Gustong gusto ko na syang diretsohin.
"So, we're here now to check the result. Actually, before you came here, I spoke to our other doctor and asked for their opinion."
Nagsimula nang tumambol ng malakas ang dibdib ko. Gaano ba kalala ang sakit ko at kailangan pa ng ibang doctor?
"Mrs. Montermayor, you have Medulloblastoma. It's a type of brain cancer and usually it spread to your spinal cord. It is located in crebellum." Malungkot na pagpapaliwanag ng doctor.
"A-Ano pong sabi nyo? Me-Medu.."
"It's Medulloblastoma. It's very rare case sa kagaya mo, madalas ay sa mga bata. Here's your x-ray." Marami pang pinaliwanag si Doc pero kahit isa ay wala akong naintindihan.
"Saan ko po nakuha ang sakit na yun?" Yun na lang ang naitanong ko.
"Doctors don't know why medulloblastomas develop. In rare cases, they can be passed from parents to their children. How's your parent?"
"Okay naman po ang magulang ko, parehas po silang malusog. Naalala ko po na yung lola ko ay maagang namatay dahil sa cancer." Napaluha ako. Ikinwento sa akin ni Nanay noon na 5 years old pa lang sya ng mamatay ang nanay nya.
"So there's a possibility that you inherit it through your grandmother. We need to run some test to you again Mrs. Montefalcon para malaman kung gaano na ba kalala ang sakit mo."
Tumango na lang ako sa sinabi ng Doctor. Hindi ko alam kung kailan ako magsisimula para sa mga test, kailangan kong takasan si Jared.
"Last time, I asked you to bring your husband. Right? So where's Jared?" Nagtatakang tanong nya sa akin.
Nasabi nya sa akin nung nakaraan na close ang pamilya nila, pero pinakiusapan ko sya na wag munang magkekwento dahil gusto ko munang makasigurado kung ano ang sakit ko. Pero ngayong alam ko na, hindi ko na alam kung kaya ko pa.
"H-Hindi ko pa nasasabi."
"You need the support of your family, specially your husband."
"Hindi ko pa kayang sabihin doc." Pinagsalikop ko ang kamay ko para tulungan ang sarili sa pagtigil ng luha.
"I'll give you time, Mrs. Montefalcon. After your first test at kapag hindi mo pa sinasabi sa pamilya mo ay ako na ang mag sasabi." Alam ko na seryoso sya kaya kailangan ko ng planuhin kung paano ko sasabihin.
Dumiretso ako sa simbahan ni Padre Pio para manalangin. Napakatahimik ng lugar at maaliwalas, walang masyadong tao dahil wala namang misa. Tumayo ako sa harapan ni Padre Pio at hinawakan ang kamay nya.
Hindi ako nagagalit dahil sa sakit ko ngayon, alam ko na may dahilan ang lahat, kung bakit ako ang napili. Humihingi ako ng tulong para malagpasan ko ang lahat, alam kong hindi Nya ako pababayaan.
Habang pauwi ay tinitignan ko pa ang resulta ng nakaraang test sa akin. Sabi sa akin ng doctor ay maaapektuhan pa ang spinal cord ko. Kaya pala nung nakaraan ay hirap ako sa pagtayo. Nireview ko ang mga symptoms para hangga't maaari ay hindi mapansin ni Jared, dahil ayaw ko na mag alala pa syang lalo.
Kinabahan ako ng pagbaba ko sa taxi ay nandoon na ang sasakyan ni Jared, akala ko ay gagabihin sya?
Kaagad kong tinupi ang mga resulta at isiniksik sa loob ng dala ko na bag. Halos tumalon ang psuo ko ng lumabas ng bahay si Jared at nakakunot ang noo.
"Saan ka nanggaling?"
--------
Hello Guys! Ngayon lang sinipag mag update, salamat kay Mareng laptop. Tulungan nyo akong maka alala, baka ang layo na ng kwento hahaha. See you next update!
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...