ALERT! ALERT! ALERT! SPG! NAGWARNING NA AKO AH. WALANG SISIHAN KAPAG NAIHI KAYO. HAHAHA
------------
Tuluyan na akong nagresign sa convenient store na pinagtatrabahuhan ko para mapagtuunan ko ng pansin ang store na regalo sa akin ni tita.
Habang naglalakad ako sa mall ay parang may nakita akong familiar na mukha. Lumapit ako. Hindi nga ako nagkamali, it's Jared, kasama nya 'yung babae sa party.
Nagkasalubong sila, nanlaki ang mata nya.
"What are you doing here?" Tanong nya.
"G-Galing ako sa store." Tinignan ko 'yung babae, kapit na kapit sya kay Jared.
"Hon, diba sya 'yung yaya mo?" Tanong ng kasama nya, tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa.
"O-Oo." Sagot nya. Nasasaktan na naman ako.
"By the way, I'm Evelyn. Why don't you join us? Kakain kami." Parang gusto kong tumawa dahil niyaya pa talaga ako nung babae na kumain.
"Hindi na. May pupuntahan pa kasi ako." Pagdadahilan ko.
"Where are you going?" Tanong ni Jared.
"Mag iikot lang po, Sir." Pagkasagot ko noon ay umalis na ako. Ang sakit na kasi sa mata.
"Tara na!" Hindi na ako nakaangal pa ng hilain ako ng kadate ni Jared.
Habang nasa restaurant kami ay hindi ko maiwasang mapairap. Naglalandian kasi sila sa harapan ko. Humihinga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Jared, I really really love you." Sabi ni Evelyn at hinalikan sya bigla sa labi. That's it!
Napahampas ako sa lamesa, tumigil sila at gulat na tumingin sa akin.
"Sa harapan ko pa kayo naglalandian talaga? Mga walang respeto!" Sigaw ko. Hindi ko na alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko 'yun.
Tumayo din si Evelyn. "What are you talking about? You're just his yaya!" Ganting sigaw nya.
"Asawa nya ako! I'm his wife!" Balil sigaw ko. Halos lagutan na ako ng hininga sa sobrang galit. Nilingon ko si Jared, masama ang tingin nya sa akin. Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko, kaso huli na.
"Is it true, Jared?" Halos maiyak na si Evelyn. Tumango lang si Jared at kinaladkad ako palabas ng restaurant, masakit ang pagkakahila nya pero ininda ko, nasanay na ata ako sa pananakit nya.
"Talagang gumawa ka pa ng eksena doon ha!" Pabalya nya akong tinulak papasok sa sasakyan, tumama pa ang ulo ko.
"Bakit? Alangang magbulag bulagan ako!" Lalabas na sana ako ng sampalin nya ako. Nanlilisik ang mata nya at alam kong walang makakaawat sa kanya.
"Putangina kang babae ka! Anong karapatan mo ha?! Anong karapatan mo na pakialaman ako?!" Nakaupo na sya sa driver's seat. Pinisil nya ang panga ko.
BINABASA MO ANG
All About Her
RomanceSi Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng p...