CHAPTER #2

12.4K 306 25
                                        

"Sus dyos ko tong mga batang ito. Kala mo sila ang may ari ng kalsada at sa gitna pa talaga trip magkwentuhan" maktol ni Manong taxi driver

Ngumiti lang ang pasaherong sakay nito.

Tumingin ang driver sa rear mirror at sa pamamagitan nun ay tiningnan nya ang  pasaherong nakaupo sa backseat.

"May itatanong ako pero wag ka sana magalit ha?" Biglang sabi nito at nakuha naman nya ang pansin ng pasahero


"T-boom ka no?" Straight to the point na tanong nito.

Gosh! Di pa nga ako sumasagot kung ok lang bang magtanong sya o hindi... Si manong talaga, tsismoso... Hayyyy sabagay, marami na ngayong taxi driver na taklesa at tsismoso... She thought

"Oho..." Sagot nito

"May anak kasi akong katulad mo kaya amoy agad kita" sabi ng lalaki

Tahimik lang ang pasahero habang nakatingin ito sa malayo pero nakikinig din kay Manong.

"Pero tanggap ko yun, anak ko sya e kaya kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, galing pa din sya sakin. Ang totoo, mas matinik pa nga yon sa chicks kesa sa mga kapatid nyang lalaki... Ikaw ba, siguro madami ka na ding babaeng napaiyak no?" Daldal muli ng lalaki


"Hindi naman po Manong, hindi po lahat ganon. Pwedeng yung iba ay dumadating sa ganung point pero alam nyo po, once na nahanap at nakita mo na ang the one para sayo, mag iiba ang lahat. At pag nahanap mo na ang katapat mo, you will become contented" sagot ng pasahero.

"Wheee? Di nga iha? Sabi nila mas masarap daw kayo magmahal kesa sa aming mga lalaki kaya ngayon, kayo na ang hinahabol at iniiyakan ng mga babae." Hirit uli ng driver na panay ang busina sa kotse sa harap


Umayos ng pagkaupo ang pasahero at tumingin sa rear mirror kung saan nakakapag eye to eye sila ng taxi driver.


"Uhhhhmm, siguro ng po manong dati e totoo yan. Dati kaya daw pumapatol ang mga babae sa mga kagaya ko e dahil sa pera or para tanggapin sila ng buong buo at hindi iiwanan..." Explain nito


"Pero iba na po ngayon, I'm not against sa mga lalaki o mga kabaro ko pero nowadays, mas marami na din ang tomboy na chickboy at manloloko. Ewan ko pero parang yumayabang na rin ang mga tomboy o kahit ung mga bakla... Palibhasa e ang mundo natin ngayon ay nagiging Sodom at Gamora na... Dumadami na ang mga tinatawag nilang paminta..." Mejo hilaw ang tawa ng pasahero.

"Ganun ba. Alam mo pala yan, nasa bible yan diba? So alin ka don, chickboy o manloloko? Tanong nito at biglang umusad na ang sasakyan dahil naka park na ng maayos ang pink na sasakyan sa unahan nila


She smirked.

"Ang lakas nyo hong mambasag manong ah. Wala ho sa dalawa. Siguro noon naging ganon din ako pero ika nga, it's never too late to change for the better... And one thing Manong, wala din kaming pinagkaiba sa lahat dahil mapa lalaki, babae, bakla o tomboy, meron ho talagang manloloko, chickboy at lalakero."


"Let's go back to your first question, kung mas masarap ba kaming magmahal kesa sa mga lalaki... Well, para sakin ho e depende... Kasi yung tunay, totoo at masarap na pagmamahal ay yung sa mga taong tunay na INLOVE. Kaya kahit ano kapa, kapag dinapuan ka ng lintik na pag ibig, magmamahal at magmamahal ka at lahat gagawin mo kahit magmukha ka pang tanga. Saktan at masaktan ka man, wala ka mang mahanap na kapalit na pagmamahal ay nandyan ka pa rin. Diba? Dahil kung walang effoerts, walang love. Wala kang kinakatakutan, wala kang pakialam. So ayon po, kung sino ang mga taong totoong inlove, sila ang mas masarap magmahal." Sagot nito sabay ngiti pero may pinahid ito sa kanyang pisngi.

MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon