Sa gold's gym
"Baby akin na yang mga dala mo, ikarga na natin sa van. I promise, mag eenjoy ka at magiging memorable tong outing natin" masayang sabi ni Kendall sabay yakap sa baywang ni Glaiza
Hindi ito kumibo
"Hey, what's wrong? -Kendall
"Im so sorry Kend, pero hindi nako sasama"
"What?! Cha, nandito ka na, aatras kapa ba? Inaatake ka nanaman ng pagka kill joy mo" gulat na naiinis na sambit ni Kendall
"Hindi sa ganon... I really have to go. Kailangan kong maabutan si Rhian"
"NO!" Pasigaw ng babae na syang nag echo sa loob ng gym at halos lahat ay napalingon sa kanya
"You have to move on Glaiza! Ok?! Stop this bullshit!" Nanginginig na giit nito
"I am Kend... I already moved on... Move on over you" Glaiza smirk
"What?! Hell NO Glaiza! Hindi ka babalik sa babaeng yun! I told you diba, we will fix this. Kaya ko nga naisipan tong outing para sayo... Para malibang ka at kalimutan mo na sya!"
Tumingin sa relo si Glaiza
"Look, im so sorry but im running out of time. Im so sorry Kendall and thanks for everything." Sabay talikod ni Glaiza at akmang aalis pero mabilis syang kinapitan ni Kendall sa braso
"Listen Cha, aminado naman ako na ako ang may kasalanan diba? Oo na, mali nako pero ilang beses ba ako dapat mag sorry? Ito, lulunod pako and I dont care kung anong sasabihin nila (sabay luhod ni kendall) tao lang ako at magkakamali at magkakamali din. But I regret and realize everything. At maghihintay ako sayo hanggang mag kaayos tayo" pagmamakaawa ng babae
May naalala bigla si Glaiza kaya natawa ito
"I remembered, dati, matagal kong ipinagdasal sa dyos na sana bumalik ka... Nung nagalit ako sayo, sabi ko, one day you will come in front of me and beg for me to come back... Naisip ko noon, kahit anong mangyari, pagnangyari ang ganitong scene, tatanggapin kita dahil mahal pa din kita pero ngayon iba na e... Iba na ang nararamdaman ko at iba na ang mahal ko... You're such a good person Kendall and I'm so greatful to have you, but we're just good as friend na lang... Im sorry" sabay nitong itinayo ang babae
Yumakap si Kendall kay Glaiza
"Please Cha, don't do this... Nang dahil sa kanya kaya ka nagkakaganito... Matagal na kayong wala diba? Wala na din kayong komonikasyon. Sana kung mahal ka nya, di sya aalis... Pero iiwan ka pa din nya and I am here... Di kita iiwan Cha... Please... Dont do this."
Dahan dahang Inalis ni Glaiza ang pagkakayakap sa kanya ni Kendall.
"I know naiintindihan moko Kend,.. Naalala mo nung time na sinabi mo sakin; once maramdaman mo ang love sa iba, maiintindihan mo rin ako. Mahirap turuan ang puso. At kahit masakit ang katotohanan o makasakit ka, at the end, you will end up following kung ano yung tinitibok ng puso mo. At tama ka don Kend, ngayon naiintindihan na kita, and i really have to go now... Cause I have to follow what my heart say" sabay kiss sa noo ng babae
Hindi nakaimik si Kendall dahil naalala nya ang mga panahong si Glaiza ang nagmamakaawa sa kanya. Ngayon, naiintindihan nya kung anong sakit ang dinanas ni Glaiza sa ginawa nya
Bago tuluyang umalis ay nilingon ni Glaiza si Kendall
"Hindi kita ginagantihan. Sa totoo lang, I am thankful dahil lagi kang nanjan para sakin. Lahat ng efforts mo na appreciate ko. Pero im so sorry... I really need to get my life back... I have to win her back... Salamat sa lahat lahat,. Mag iingat kayo" saka tumakbo palabas at nagmamadaling umalis
![](https://img.wattpad.com/cover/62229065-288-k831738.jpg)
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanficRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.