CHAPTER #34

5.1K 237 28
                                        

Sa bakery.

Hindi inaasahan ni Glaiza na makikita nya ang mga magulang ni Rhian.

Kukunin na sana nya ang pina customized nyang cake para sa birthday ng Lola nya.

Ng makita nya ang mag asawa ay napayuko na lamang si Glaiza at kunyaring walang nakita.

Pero huli na lahat, nakita pa din sya ng mga ito. Umupo na lang ito sa may pinaka dulong bahagi ng bakeshop at iniwasan ang mga taong nakaupo din sa hindi kalayuan.

"Miss Howell,.. Rhian Denise Howell." Tawag ng babae sa counter

Nang marinig ni Glaiza ang pangalan ni Rhian ay kinabahan ito ngunit di nya mapigilang hindi lingunin ang kinaroroonan ng mag asawa at nagbakasakaling makita si Rhian

Pero bigo sya. Walang Rhian doon... Nakita nyang lumapit ang mag asawa sa counter at kinuha ang binili nilang cake. Sinuri ng paningin ni Glaiza ang cake na inorder ng mga ito. Sa desinyo niyon ay hindi sya nagkakamaling pang wedding nga ito

Nanlamig at mabilis na kumaba ang dibdib ni Glaiza. Halos hindi ito makahinga dahil parang pinipiga ang puso nya.

Tumayo ito at nagmamadaling umalis at nawala ang kaninang pag iiwas nito sa mga magulang ni Rhian, ang nais nya lang ngayon ay makaalis sya sa lugar iyon.

Palabas na sya ng pinto ng bakeshop ng biglang may tumawag sa kanya pero hindi nya ito nagawang lingunin...

Mabilis nyang tinungo ang parking area.

*blagaaggggg!*

"Glaiza..."


"Rhian..." Nanlaki ang mga mata ni Glaiza ng mapasino ang nabangga

.

.


.
Hindi inasahan ni Rhian na makikita nya si Glaiza sa bakeshop na pupuntahan nya.

Ng mga oras na yun ay tila nag iba ang ihip ng hangin.

Mabilis na tumibok ng puso nito at galak ang naramdaman nya sa muling pagkikita nila.

Ang sinabi nya kanina kay Manong driver ay tila naging kabaliktan... Wala na ang inis at napalitan ito ng pananabik pero nilabanan ito ni Rhian, alam nyang nasa loob ang kanyang mga magulang at ayaw nya na pag initan nanaman ng ama nya si Glaiza

"Rhian, anjan ka na pala" sabi ng babae sa di kalayuan. Ang mommy nya

Napansin ni Rhian na nakatitig sa ang mom at dad nya sa kanila kaya dumeretcho ito papasok at kunyaring wala lang sa kanya ang pagkikita nila ni Glaiza

.

.



.

.

Nasaktan si Glaiza sa naging reaksyon ni Rhian kaya dali dali itong umalis.


Pero hindi na  napigilan ni Rhian ang sarili at nilingon nito si Glaiza pero nakalayo na ito. Nag umpisang magpatakan ang kanyang mga luha. Hindi din ito nakalampas sa pansin ng kanyang mga magulang, nanatiling tahimik lang ang mga ito

MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon