CHAPTER #5

6.6K 260 15
                                        

Papalabas na ng club sina Glaiza ng bigla silang hinabol ng isang lalaki

"Sir... Teka ho, yung bill nyo" sabi nito


"Ay Oo nga pala... Sorry"

Kinapkapan nya si Rhian pero mukhang wala sa kanya ang wallet nito.

"Crap! Ito po... Ito po ang bayad namin" sabay abot ng nadukot nyang pera sa bulsa

Hindi na nito kinuha ang sukli saka sumakay na sila sa taxi.


"Kuya sa Heartsville condominium po tayo Sa Makati... Ay teka, hindi po pala... Sa king saan na lang pong malapit na hotel o motel.... Yung sa mura lang po" sabi ni Glaiza sa driver

Mahirap na pagdinala ko to sa condo, baka mamaya sakit lang to sa ulo taz malaman pa kung san ako nakatira. Wala naman sa kanyan yung wallet nya or any Identification para malaman kung saan to nakatira... Sabi ni Glaiza sa sarili

.

.

.

.

Sa motel

"Sir good evening po, dito po tayo... Samahan ko na po kayo papunta sa room nyo. May promo po pala kami at mura lang... Ito po, ibat ibang flavor po ang mga condoms na yan... Pili na ho kayo kahit ilan pa" sabi ng bellboy na umalalay sa kanila papasok sa kwarto nila.


"Hindi na" nagulat si Glaiza pero di ito nagpahalata

"Sige na po Sir, promo po ito so buy 1 take 3 po..." Pilit nito

"Ok, fine,,, fine. Akin na yang isa... Magkano ba..."

"Ito na po Sir apat yan, 1 one take 3 po e... Kahit ako magka girlfriend ng katulad nyan e siguradong mapapasabak ako" ngisi ng lalaki

Nag rolled eyes si Glaiza

"Hindi ko sya girlfriend"

"Ho?! So friends with benefits po ba? Naks... Astig nyo Sir ha"

Banas na banas na si Glaiza dahil napag mamalisyahan na sila at napapatagal ang pagpasok nila at bigat na bigat na sya kay Rhian

"Dali na... Magkano ba, sila apatin mo, lima, anim... Sampu! At umalis kana dahil ang bigat bigat na ng sitwasyon ko"

"Ay sorry po Sir, sige pasok na po kayo... Mamaya na po ang bayad sa bill nyo... Salamat po... Enjoy your night Sir" malisyosong sabi ng lalaki saka ito tumalikod

"Pagkapasok ay inihiga nya agad si Rhian. Naglinis sya ng sarili dahil amoy alak na din sya.

Pagkatapos ay minabuti nyang humiga sa isang sofa pero maya maya ay nilapitan nya si Rhian at saglit na pinagmasdan, ang totoo nyan, na amaze sya sa beauty ng babae kaso balahura ang ugali.

Bumalik ito ng pagkahiga sa sofa at pinag tripan ang condom sa may mesa saka ito pinalobo dahil nabored sya.

Maya maya pa ay gumalaw si Rhian at nagsalita pero walng maintindihan si Glaiza kaya nilapitan nya ito, pero ng makitang tulog na uli ito ay inayos na lamang nya ang kumot nito dahil unti unti nang lumalamig yung kwartong iyon.

Tatayo na sana si Glaiza ng bigla nanamang nagsalita si Rhian kay inilapit nya ang tenga sa may bibig ni Rhian para marinig ang sinasabi nito.

Biglang niyakap sya ni Rhian kaya napabagsak sya sa kama at mabilis sya nitong dinantayan. Sinubukan nyang kumalas pero mahigpit ang pagkakayakap ni Rhian sa kanya


MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon