Kinaumagahan.
Sarap na sarap sa pagtulog ang dalawa. Hindi nila namalayan na magkayakap na sila at nakapulupot sa isat isa na parang bagong kasal sa sobrang sweet ng pwesto nila.
Naunang nagising si Rhian
Biglang nanlaki ang mga mata nya ng mapagtanto ang posisyon nila.
Dahan dahan syang kumilos para alisin ang nakadantay na paa ni Glaiza sa kanya.
Aba... Sumusobra na tong mokong na to ah. Tulog ba talaga to o nagtutulog tulugan lang?
Pinilit alisin ni Rhian ang mga kamay nito na nakapulupot sa baywang nya. Pero dahil mahigpit ang pagkakayakap nito, wala rin syang nagawa,.
Ano ba tong nararamdaman ko...? Haayy! Pero sa totoo lang e parang walang nagbago, pagkasama ko sya hindi ko naramdaman ang pinagkaiba at pinagkakapareha namin...
Maya maya lang habang nakatitig si Rhian sa maamong mukha ng natutulog na si Glaiza, biglang dumilat ang mga mata nito.
Nang makita ni Rhian na nakatingin na rin ito sa kanya ay dali dali nyang inunahan ang reaksyon nito.
"Oh my God! Anong ginawa mo sakin?!" Tanong ni Rhian na kunyari ay alalang alala sa sitwasyon nila.
"Huh?! Wala akong ginawa sayo,.. Ouch! Ansakit ng ulo ko... Teka... (Tiningnan nito si Rhian na parang nagulat...) baka ikaw pa nga may ginawa sakin... (Na tinutukoy ng tingin nya kung bakit naka robe lang ito.) pano ako napunta dito?"
Mabilis na tumayo si Rhian at dinampot ang unan sabay hampas kay Glaiza.
"Asa ka!"
"Tssss. Sompano nga ako napunta dito?" Naguguluhang tanong uli ni Glaiza
"Lasing ka kagabi diba? Sinukahan mo pa nga ako e. Hindi ko alam kung san ita iuuwi kaya dito na kita dinala." Paliwanag naman ni Rhian
"Teka parang alam ko na tong kaganapan na to e, san nga ba to? Sa movie ko ba to napanood? Or nangyari talaga to"
Naasar si Rhian dahil parang nagtatanga tangahan tong si Glaiza sa pag alala ng unang nangyari sa kanila.
"Ay, ikaw pala yun diba?" Sabi ni Glaiza ng maalala na nya sabay ngiti kay Rhian
"So mang aasar ka na ngayon? Patas na tayo... Ako na rin nagbayad ng bills mong lasenggero ka." -Rhian
"Oo nga pala... Magkano ba yun?" Sabay kapa ng bulsa nya
"Wag na, ok na yun" -Rhian
"No...magkano nga?" -Glaiza
"Ok na nga sabi diba? Di naman kalakihan e" -Rhian
"Rhian please... Tell me how much is it"
"Ang pride mo talaga e noh, bat kaya yung mga gaya nyo e angtataas ng pride, ha?"
Deadma na lang si Glaiza sa narinig.
"Teka, bakit mo ako sinundan? Diba you hated me?" Tanong ni Glaiza
Gumanti naman si Rhian at sya nanaman ang nandededma ngayon.
"Asus... If I know, you did care for me"
Nagulat si Rhian sa sinabi ni Glaiza.
"Aba... At biglang imihip ang hangin dito... Hoy! FYI, tinutulungan lang kita. And yes, galit ako sayo. So now that you're fine, kwits na tayo, papahatid ko lang dito ang gamit ko and aalis nko." Sabay talikod ni Rhian at lumapit sa telepono para tumawag sa information area.
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanficRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
