Lalong naging malungkutin si Glaiza ng mga nagdaan na araw. Mas nadagdagan pa ito dahil din sa pagkamatay ng lolo nya.
At gaya ng sinabi ni Kendall, nanatili ito sa tabi ni Glaiza at naghihintay na tanggapin muli nito ang inaalay nyang pag ibig.
Napapadalas ang pagsasama nilang dalawa, dahil mukmok lang si Glaiza sa bahay ay lagi nya itong pinupuntahan
Isang araw, ng dumating ito sa bahay ng mga Galura, nakita nyang subsob ang babae sa mesa na tila abala sa ginagawa. Lumapit si Kendall at sinilip ang pinag kakaabalahan nito
"Naks, ang galing mo pa din ah... Walang ka kupas kupas ang mga kamay mo pagdating sa art. I like how you see things."
Tila nagulat si Glaiza ng bglang may nagsalita sa likod nya.
"Ay, kanina kapa ba jan? Di naman ako ganon kagaling ah. Past time lang...besides, kung magaling talaga ako, edi sana nagpintor na lang ako kesa sumagot ng telepono buong buhay ko."
"Kahit na, di mo pa din ako mapipigilang sabihin na magaling ka," nakangiting sabi ni Kendall
Biglang napaupo ito at tila may naalala
"Naalala mo ba yung sketch plan na ginawa mo para sa dream house natin? Tapos dinrawing mo din yung mga posibleng mukha ng mga anak natin tapos tawa tayo ng tawa kasi mukha silang mga alien... Asan na nga ba yun?" Natatawang dagdag pa ng babae
Napatigil si Glaiza at inalala ang sinasabi ng kaharap saka tumawa na din.
"I think, anjan pa yun. Sa dating itim na box na pinagtaguan ko. Dun ata sa ilalim ng kama sa kwarto ko... Di ko pa kasi naaayos yung mga gamit ko simula ng lumipat ako galing condo"
"Ako na maghahanap, ok lang ba?" Tanong ni Kendall, sa tagal ng naging relasyon nila dati, halos kabisado na nito lahat ng sulok ng bahay nina Glaiza
Tumayo ito saka umakyat sa kwarto ng dating kasintahan. Maya maya pa ay nakita na ito ni Glaiza na pababa ng hagdan bitbit ang isang itim na kahon at malapad ang pagkakangiti
"Nakita ko na, nakakatuwa. Mabuti at di mo to tinapon. Alam mo pag naaalala ko to, napapangiti talaga ako mag isa" sabi ni Kendall sabay lapag ng kahoy at binuklat ang malalapad na papel sa mesa
Bahagya lang ding ngumiti si Glaiza
Biglang napakunot noo ang babae ng makita ang isa pang papel.
"Grabe ka! Bat ganito mukha ko dito? Pango ko dito oh. Di mo man lang ako pinaganda kahit papano" reklamo nito sabay pout
"Sorry na, bitter kasi ako nun, nung iniwan moko kaya pag napapapikit ako, yan nakikita ko. Mukhang impakta pala yung minahal ko noo" biro ni Glaiza
Mabilis namang umakyat ng mesa si Kendall para abutin si Glaiza na nakaupo sa kabilang side nito at tila gusto nyang pingitin ang kaharap. Pero mabilis itong nqkailag
"Ok na sana kahit pango at pangit e, dinagdagan mo pa ng pangit at sungay. Grabe ka talaga sakin!" Kunyari inis na sabi nito sabay tawanan din ang dalawa
Somehow, Glaiza missed this times... Yung ok sila ni Kendall, masaya... Malaya. Yung walang humahadlang... Walang pinoproblema. Yung nag uusap sila na komportable sila sa isat isa
"Anyway, may outing sa subic ang mga ka tropa natin dati... Sama ka ha, pag hindi daw this month, surely next month na daw. Gumala gali ka din pag may time" tuloy pa din ang halungkat nito sa loob ng kahon
Sa kakahalungkat ay nakita ni Kendall ang drawing ng Glaiza, si Rhian.
"Ano to? Is this real o kathang isip mo lang? And nude talaga??!" Halata ang inis, selos at pagka insecure sa boses ni Kendall
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
Fiksi PenggemarRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.