Sa office...
"Pinapatawag nyo daw ho ako sir?"
"Yes, MISS Glaiza Galura. Have a seat." Sagot naman nang lalaki at diniin pa ang pagkakabigkas ng salitang Miss.
Napakunot noo si Glaiza dahil ngayon lang sya tinawag ng team leader sa kanyang totoo at kompletong pangalan.
"I check your record, and I learn na this coming next month ay matatapos na ang kontrata mo dito, right?"
"Yes, MR. Casey Wyatt Montero Miller." Pormal na sagot ni Glaiza sa lalaki at tinawag nya din ito sa kompleto at totoo nitong pangalan.
Napatitig ng matiim si KC kay Glaiza.
"You know what, i can extend you ng walang kahirap hirap." Biglang sabi nito
"Uhuh,.. And then?" Stiff na tanong ni Glaiza
Natahimik sila bigla at walang may nagsalita ng halos isang minuto
Tumayo ang lalaki saka tumungo sa may full length window ng opisina nito
"You know Glaiza, hindi naman ako masamang tao... Kaya nga halos lahat ng tao dito ay pinapakisamahan ko at pinakikisamahan din ako ng maayos. Nirerespeto ko sila, so they also do. Mabait ako sa mabait pero naaasar ako sa mga hindi marunong rumespeto at lalong ayoko sa taong may alam na, pero tatraidurin pa rin ako."
Napatingin si Glaiza sa direksyon ni KC at parang nagigets na nito ang ibig sabihin.
"I know aware ka kung ano ang tintukoy ko at gets mo kung ano at sino ang pinopoint out ko. You know Glaiza, I've waited for almost a year and a half for that treasure too" sabi ng lalaki saka ito lumapit uli sa upuan nya at hinarap si Glaiza
"Hindi mo na po ako kailangan paringgan or shall I say, pagbantaan sir,.. Just base your judgement sa performances ko kung extension ang tinutukoy mo. I still have one and a half month para patunayan na karapat dapat ako sa extension or not. And to be honest, hindi kami... Kung yun ang inaakala mo."
Hindi nakapagsalita si KC
"Kung wala na po kayong sasabihin Sir, mauna na po ako. Thank you." Saka tumayo si Glaiza at tinungo ang pintuan
"Ahhhmm, teka lang Charles... Look, im so sorry... Nadala lang ako, at nabigla sa mga kumakalat na usap usapan. At stress na din sa trabaho na nagpapatong patong na. Sige, mag iingat ka. Pasensya na ulit pare." Ani ng lalaki
Tumango lang si Glaiza pero bago lumabas ay nag iwan ito ng salita
"I think hindi ho ako ang dapat nyong pinoproblema, may boyfriend si Rhian, si Jayson." Saka tuluyan na itong lumabas
Dali dali itong naglakad at tinungo ang stock room na tinatambayan nya at tinutulugan palagi, at duon nya ibinuhos ang sama ng loob na nararamdaman nya. Pakiramdam nya ay pasan nya ang mundo. Ang mundong pilit nyang pinapaunawa ng pagkatao nya. Ang mundong nagsisimula na syang ipitin at husgahan sa kung sino at ano sya. Tahimik syang napahagulgol sa isang sulok, nasasaktan at nababalot ng dilim.
.
.
.
.
Sa ospital.
"Maraming salamat iha at dinalaw mo kami dito" sabi ng matandang babae
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
