Habang naglalakad ay kapuna puna ang pagbago ng mood ni Rhian
"Are you ok Rhi? Ang weird mo ha, you're supposed to be happy kasi hindi ka nabundat nung fafables na yun. Pero bakit parang ang sad mo pa lalo at ang lalim ata ng iniisip mo" puna ni Ken
Napahinto si Rhian sa paglalakad.
"Hindi naman sa ganun, I'm not that desperate o kaladkarin... Well konti, pero hindi sa ganong bagay. Pero how can you forget a man na aalagaan ka, irerespeto at sisiguraduhing ok ka at hindi pagsasamantalahan kahit katiting yung kahinaan mo? I didn't expect na may ganon pa palang lalai sa mundo. As in, after all parang wala lang. Sa ginawa ko, alam kong iisipin nya talagang easy girl lang ako. Pero alam mo yung napaka pride nya..." Pahayag ni Rhian
"Hhhmmm tama ka jan sis. Wala na talagang ganyan sa panahon ngayon, o meron nga pero konting konti na lang talaga. At sa kahit saang inuman ka pa sa buong mundo mapadpad, yung niyaya ka at pumayag ka lang e halos feeling na agad nila ang gwapo gwapo na nila na parang gusto mo agad sila o may gusto kang mangyari" sang ayon ng kaibigan
Nagpatuloy sila sa paglalakad pero after a few steps ay napahinto uli si Rhian
"Pangit ba ako Diwata? For real hindi ba talaga nya ako type?"
Biglang binatukan ni Ken si Rhian
"Yan, kwits na tayong bruha ka... Alam mo, sa pinagsasabi mo parang gusto mo talagang may mangyari sa inyo... Ang landi mo girl... Hindi ka pangit, ok na? Maganda tayo sis... Magandang maganda... Malay mo e may jowa yung o asawa" sabay lakad at bukas ni Ken ng pinto ng kotse
"Sabi nya wala daw"
"O e baka naman beki, kapederasyon! Pero seryoso, naaamoy ko talaga yung Charles e, hindi ko lang masabi kung saan na belong dahil alam mo naman kagabi sa daming boylets na nakapaligid, naubusan ako ng powers" maarteng sabi ni Ken
"Hay nako, sira ka talaga Diwata, anyways, tara na nga... Gutom lang to"
"Ay tama ka jan, tara na at kanina pa nagwewelga ang mga alaga ko dito sa tyan,.. And besides, diba iisang company lang tayo? So hindi pa tapos ang Love story nyo... Kaya wag ka nang mag inarte jan" sabay paandar ni Ken ng sasakyan and drove off
.
.
.
.
.
Kinabukasan.
*play the video in media while reading this para may impact... Lol*
Inihanda ni Rhian ang sarili bago pumasok sa trabaho.
... Make up -----------> CHECK!
... Lips ---------------> CHECK!
... Tantalizing eyes --------> CHECK!
... Dress --------------> CHECK!
.... Hair -------------> CHECK!
... Shoes, perfectly matched up -----------> CHECK!
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
