CHAPTER #23

5.8K 259 25
                                        

Sa spa.

"Grabe... Namiss ko yung ganitong ganap! Whew! Feeling ko sobrang na stress yung matres ko sa tiboom na yon..." Sabi ni Rhian habang ninanamnam nya ang sarap ng bawat pisil ng nagmamasahe sa kanya

"Aysus! Paano ma sistress yang matres mo e hindi ka nga mabuntis nun..." Okray ni Ken sa kanya


"Hay nako... Ewan ko na talaga... Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ako... Ginayuma ata ako nung mokong na yun. What you think? Ang ganda ganda ko taz andaming nagkakandarapa sakin tapos sa kanya lang ako ma momroblema ng ganito? Bat kasi antigas ng bungo ko e!"

"Teka, anong pinagsasabi ng babaeng to? Anong amats yan bestie?" Sita naman ni Bianca

"Ay paano? Hindi nanaman nag appear yung si MISS-Ter Feeling nyang Right sa usapan nila kahapon..." Sagot ni Ken

"Hello girl? Did I heard you say GAYUMA? Paano, e ikaw nga jan ang habol ng habol sa kanya kahit iniiwasan ka nya" singit bigla ni Katrina

Tumayo si Rhian saka humasap sa salamin.

"Pangit ba ako? Di ba ako sexy? Maappeal? Mabaho ba ako?! Bat nya ako iniiwasan?! Hmp! Napaka pride nya talaga!" Pagmamaktol nito

"Technically, babae pa din siya, so sensitive and emotional. Unlike boys na dedma lang at wapakels. At dahil ranma 1/2 yang kinabaliwan mo, hala! Manigas kang manligaw ngayon" sabi namn ni Bianca

"Aba... Palibhasa happy si bruha sa lovelife nya oh kaya ang galing galing umeksena." Biro ni Ken sa kaibigan



"Eh diba sila ang masculine part sa ganitong relasyon? Oh bakit sya ganyan, na parang sya pa ang chicks saming dalawa. O di kaya may bipolar disorder yung babaeng yun kaya pabigla bigla ang pagbago ng isisp nya" nakabusangot na sabi ni Rhian saka bumalik uli sa massage table


"Baka naman may bumabagabag sa kanya o humahadlang kaya sya nagkaka ganyan." Singit ni Stephanie

Napalingon si Rhian sa kinaroroonan ng pinsan

"What do you mean Cous? May alam ka bang hindi ko alam? Anong chinichismis mo kay Lovi?" Pero ng marealize ang sinambit na pangalan, agad naman itong napatakip sa bibig dahil nga sya lang ang sinabihan ni Stephanie tungkol ng sa kanila ni Lovi

"Stephanie- chismis- Lovi? Teka ganon na agad kayo ka close o mas higit pa?" Pang iintriga ni Ken

Napakamao naman si Stephanie kay Rhian

"At sakin pa na baling ang istorya. Hay... Ok, I'll break it... We're getting along..." Pag aamin nito sa mga kaibigan

"And this is not about me naman kaya let's not talk about it muna. So ayun nga, accidentally naishare sakin ni Lovi na pinoproblema nito sila Sir KC." Dagdag pa ni Stephanie

"KC? Nag uusap ba sila? Saka bakit 'SILA sir KC' sino pa tinutukoy nya?" Nagtatakang tanong ni Rhian

"Ewan ko, yun lang ang naextract ko na info sa kanya e at mukhang di rin nagdadaldal tong si Glaiza sa kanila at parang sinasarili lang ang pinagdadaanan."

"Kailangan ko makausap si KC, kailangan ko malaman kung anong nasa pagitan nila ng sa ganon e mabawasan ko ang mga problema nya" seryosong ani ni Rhian

"At anong sasabihin mo? Diba tinutulungan ka nun para sa promotion mo? Nako sige ka, pag nainis mo yun baka magsisi ka lang. Goodbye money, goodbye abroad, goodbye shoes, goodbye bags, goodbye dresses and cars, goodbye dreams" pananakot ni Ken sa kanya


MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon