Lumipas ang magdamag at lumalalim na ang gabi.
"Shocks! Kakapagod, tagaktak na ang pawis ko pero in fairness ang saya!" Sambit ni Bianca na halatang hyper na hyper pa rin.
Bumalik sila sa table nila.
"Ito na ang workout natin. Halos di na kasi tayo pinagpapawisan sa sobrang lamig sa office. Hindi na nga natin namamalayan kung may araw pa ba o may buwan na" sabat naman ni Stephanie.
"Yung Alwyn saka yung Mr. Swave e diskarteng manyak. Kung hindi si Rhian, ako ang nilalandi pag sinusupalpal sila nito" kunyari nagrereklamo si Ken
"Hoy bakla! Asa ka... Feelingera to... 5th choice ka lang noh... Dahil kung hindi kay Rhian, ako o si Bianca o di kaya si Stephanie ang pakay nila" biglang singit ni Katrina
Nagpitikan ng tenga naman ang dalawa.
"Ayoko sa ganyang moves. Obvious masyado... Gets mo na agad e. Wala man lang ka thrill thrill" busangot ni Rhian
"Thrill ba kamo? Ayon oh, yung poging nakabangga mo kanina. Yung isa pang Charles na tinuro ni Gabby. Mukhang nagmumokmok dun. Nung nagpunta ako sa CR nadaanan ko sya pero dedma, mukhang suplado" sabi ni Stephanie
"Hmp... Di ko sya type, hindi malaki ang katawan. Thanks but no thanks..." Ismid ni Ken
"Sinabi ko bang para sayo Bakla? Si Rhian tinutukoy ko, naghahanap ng challenge at thrill diba? So ayan, kita nyo naman siguro kung paano na snob yung beauty nya kanina" natatawang sabi ni Steph
Tinitigan ito ni Rhian at mukhang nag iisip ng pwedeng strategy.
Rhian stood up. Inayos nito ang buhok saka damit nya. She composed herself.
"May atraso sakin yan kanina... Excuse me girls, maiwan ko muna kayo... It's payback time" sambit ni Rhian habang titig na titig sa taong nakaupo sa sulok. Para itong tigreng nakahanap ng bibiktimahin.
Humanda ka sakin Mr. SNOBBY . Bulong niya sa sarili
"Oy teka san ka pupunta bestie?" Tanong ni Bianca
"It's payback time nga daw diba? Kaloka" sabat ni Katrina na kaka bottoms up lang ng isang baso ng alak.
Tuluyan na ngang humakbang si Rhian at nilapitan si Glaiza
"Uhmmmm, mind if I join?" Bungad nito
"Oh, yeah. Sure wala namang nakaupo jan... (Umangat ito ng tingin) diba ikaw yung nakabalandra sa daan kanina? Yung nasa bungad... Im sorry ulit ha?" Sabi ni Glaiza
Ah! Ganun? Nakabalandra talaga?! Hmp. Inis na sabi ni Rhian sa isip nya
"Nako wala yun..." Sabay smile ng pagkatamis ni Rhian
Pagkarinig na ok na ang lahat ay itinuon uli ni Glaiza ang tingin sa alak na hawak at nanahimik.
Hmp. Suplado nga... Snobero pa! Damn! Rhian thought
Nag smile uli sya dito.
"Ahhhmmm... Don't you buy me some drinks?" Pinapaandar na ni Rhian ang kanyang charm paano bumingwit ng boys.
Nilingon sya ni Glaiza ngunit hindi nagsalita at halatang nagulat sa sinabi sya.
Wow! As in W-O-W! Nagtitipid na nga kami, kaya ng sa labas kami bumibili ng inumin tapos magpapalinre pa ito... Wala ba syang pera? Tssss. Sa isip isip ni Glaiza

BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanficRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.