Sa office.
As usual, kay Glaiza pinasuyo ang mga papeles na ilalagay sa stock room.
Malalim ang iniisip nito at bakas sa mukha ang lungkot.
Naka ilang tawag na din si Rhian sa kanya pero wala itong sinasagot ni isa.
Hanggang sa di nya namalayang nasagi nya ang isa sa mga naka pile na papeles na nakalagay sa stock room
Nagliparan ang mga papel, at dun lamang bumalik ang diwa nito.
Isa isa nyang pinulot ang mga folder saka ang mga papeles ng biglang nakita nya ang isang papel na may pangalan ni Rhian... Halos nanlaki ang mga mata nito sa nabasa at tila nanlamig ang mga kamay nya
Denied ang promotion ni Rhian, ayon sa naka lagay doon...
Hindi maiwasan ni Glaiza na hindi sisihin ang sarili dahil iniisip nyang kasalanan nya kung bakit unti unting nagulo ang buhay ng babaeng minamahal nya... Dahil sa kanya ay nasisira ang mga pangarap nito,
Matapos nyang inilapag ang mga dala ay kinuha nya ang papers ni Rhian at dali daling lumabas doon.
.
.
.
Walang nang patumpik tumpik na pumasok si Glaiza sa opisina ni KC, ni hindi nga nito nagawang kumatok pa...
"How pathetic you are na sa ganito mong paraan idadaan si Rhian... Wala ka na bang ibang alam gawin sa buhay mo? Kung hindi mo matanggap na ayaw nya sayo, be professional... Wag mong idamay ang personal interest mo sa trabahong ito!" Halos pasigaw na sabi ni Glaiza
Kinagulat naman ng lalaki ang biglaang pagpasok nito na hindi nya naman ugali...
"Ang hirap na ng sitwasyon ni Rhian, wag ka nang dumagdag, please lang KC,.. Kung galit ka sakin, wag mo syang idamay... Halos lahat ng tao dito, alam na malapit na ang promotion nya at alam mo, hingit kanino dito na inaasahan niya to dahil ito ang posisyong kailangan nya para matuloy ang pag aabroad nya... Tapos ito lang gagawin mo? You're so selfish!" Galit na galit na sabi nito pero tahimik lang ang lalaki habang umiinom ng kape.
"Alam kong mahal mo din si Rhian, so please, wag mong gawin sa kanya to. Sakin ka magalit, dahil ako naman ang mag kasalanan talaga e, diba? Ayokong madisappoint sya kaya ako na lang ang tanggalin mo, or I will resign para matahimik kana. Hindi mo na din kailangan pa pag isipan ang extension ko... Do what ever you want to me pero play keep her out of it..." Nanginginig na si Glaiza sa paghahalo ng inis at galit nya
Bumuntong hininga lang si KC saka sumandal sa swivel chair nya
"Tapos ka na sa speech mo? (He smirk saka tumayo) alam mo Glaiza, I know I've been tough the last time we talked pero hindi ako mababaw na tao... Nagkakamali ka, ang totoo nya e tanggap ko na na ikaw ang mahal ni Rhian and I can't do anything about it. Bakit, kung ideny ko ang promotion nya, mamahalin nya ako? Hindi... Pero kung ano man ang naging desisyon ko, ito pa din ang tama Ms. Galura..." Umupo ulit si KC saka tinuro ang upuan at sumenyas kay Glaiza na umupo ito pero hindi nya ito pinansin
"Honestly, maraming mas deserving sa posisyon na yan, mas matagal na kesa kay Rhian kung tutuusin, pero kagaya nga ng alam ng lahat dito, yes I like her so much kaya ng bina back upan ko sya at sinusuyo ang ilang members of the board including my father na ipromote sya para makasama ko sya sa France... But believe me or not, this is a fair decision. What just happened made me realize na mali pala ang ginagawa ko, instead of giving the rightful credits to those who really deserves it, naging makasarili ako... Kaya ginagawa ko lang ang tama." Saka umayos ng upo ang lalaki at mas naging seryoso ang mukha nito
![](https://img.wattpad.com/cover/62229065-288-k831738.jpg)
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
Hayran KurguRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.