Na stuck saglit si Rhian sa narinig. Hindi nya alam ang sasabihin o isasagot... Hindi nya din alam kung pati ba sya ay pinariringgan ni Glaiza.
"She leave me dahil gusto daw nyang ayusin ang buhay nya. Siguro nga ang papatol sakin e walang mapapala. Sa tuwing narerealize ko yun at nagmamahal ako, lagi na lang nawawala o di kaya lalayuan din ako. Sana nga naging lalaki na lang talaga ako e, para wala nang problema... Wala kasi akong silbi!" May hinanakit sa boses ni Glaiza
"I-iniwan ka nya para daw magbago?" Parang di makapaniwala si Rhian sa reason nito
"Oo. 5yrs na sana kami. Sabay kaming nag apply sa dalawang company na to (tinutukoy yung katapat na building ng building nila kung saan nagtatrabaho si Kendall) pero dito ako natanggap, sya naman dun sa kabila. Nung una, masaya kami lagi, inseparable... Mahal na mahal ako nun, i know coz I feel it... But not until Clark came between us. Dati namin syang kaibigan at kabanda ko pero umalis nako ngayon dahil sa kanya. Hindi ko man lang naramdaman o napansin na nagkakamabutihan na pala sila. Hindi mahilig si Kendall sa maingay na lugar kaya hindi sya pumupunta sa gigs ko... But suddenly, she did... Natuwa ako kasi akala ko she's there to support me, yun pala si Clark ang dahilan ng pagpunta nya. And then, isang araw nagising na lang ako na ako na pala ang kontrabida sa love story nila. Hindi ko matanggap dahil bakit si Clark pa? Hindi dahil sa magkaibigan kami kundi alam ng lahat na babaero at huthutero yun..." Kalmado na ang boses ni Glaiza na parang nagkukwento lang pero ang mga luha nito ay consistent kung makaagos.
"Pero hindi ko sya masisisindahil naisip ko baka napagod na din sya sakin. Dala ng problema ko sa buhay ko at sa pamilya ko... Nalulong ako sa online games... I've been so low ng mga panahon na yun,.. So she had me at my worst, laging mainitin ang ulo ko, bugnutin... Pero lahat ng gusto nya ginagawa ko and sa aming dalawa, sya ang nasususnod and I swear, God knows how much I love her... Aminado akong may mga pagkukulang ako pero I tried to make it up to her... But its too late... Mas pinili nya dun sa manloloko at manggagamit."
"Parang Basha and Popoy... You had me at my best, she had me at my worst. Ang pinagkaiba lang... She had you at your worst. Haaayyy" parang nahawa si Rhian sa kalungkutan nito
Tumango si Glaiza
"But it's not enough reason na iwan ka nya. Kasi dapat ang relationship is for better or for worst... Kaso hindi ka nya sinamahan o tinulungan on your worst part. She should give you a chance kung totoong mahal ka nya" opinion ni Rhian
"It's too late... Kahit anong gawin kong makaawa, hindi na sya babalik..."
"Oh I see, so stop chasing pavements ika nga ni Adele... Sama ka na samin lagi, wag mong e isolate ang sarili mo dahil mas hindi ka makakamove on nyan. You said na you're a worst person right? Then be a better one... Akong bahala sayo" sabay binigyan nya ito ng napakatamis na ngiti
Glaiza smiled back.
"How about yung don sa sinehan, may naaalala ka din ba don? Hindi ako naniniwala na may pupuntahan ka nun... Kitang kita ko na ayaw mo." -Rhian
Napayuko uli si Glaiza
"Paano ka makakamove on kung nagdi-dwell ka sa isang bagay o memory at hindi din solution ang pag iwas... So lahat na lang ng bagay o lugar na may alaala nyo e iiwasan mo at hindi mo na pupuntahan forever and ever, amen?"
Iniangat ni Rhian ang pisngi ni Glaiza ...
She cup Glaiza's face, wipe the tears with her thumb at tinitigan ng mata sa mata
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
