Sa police station
Dumating ang mga magulang ni Rhian kasama si Jayson.
"Mom,,. Dad" sabay tayo ni Rhian at mabilis na niyakap ang mga magulang
"Chief, nahuli na ba ang walang hiyang rapist na yun?" Tanong ng ama nito
"Opo Sir... Nasa loob na po ng selda."
"Mabuti naman kung ganon. Gusto naming magsampa agad ng kaso sa hayop na yun, as soon as possible"
Tumango ang pulis
"Are you okay baby?" Tanong ng Mom
"Yes mom, im fine"
Lumapit ang Daddy ni Rhian sa kanya saka binigyan ito ng isang sampal. Ikinagulat naman yun ng lahat maging si Rhian.
"Gareth!" Saway ng asawa nito
"Anong pinaggagawa mo?! Gawain ba ng matinong babae ang pagbababad sa isang bar? Ha Rhian?! Lahat na ng bisyo pinapasok mo!!!Nagrerebelde ka, ganon?! Muntik mo nang ipahamak ang sarili at pagkababae mo!" Galit na galit na sambit ng lalaki
"Ito ang gusto mo diba? Ang kalimutan ko sya at sa lalaki dapat ako mapunta... Hindi sa isang tomboy... Yun ang gusto mo diba Dad? But it's so ironic dahil yung taong ayaw mo para sakin, yung taong sinasabi mong hindi karapat sapat sakin at immoral... Sya pa yung nagligtas sakin... Alam mo ba yun?! Im trying to start again... And give it a try gaya ng sinabi mo... I try to forget this pain at sundin ka... But circumstances always bring us together kahit anong iwas ang gawin namin sa isat isa"
"So ako pa ang may kasalanan ngayon Rhian Denise?! Sinabi ko bang mag bar ka? Magpakalunod sa alak? Magpaka cheap?!"
"Tama na Gareth! Sumusobra kana! Ito na nga ang nangyari, lalo mo pang pinahihirapan ang damdamin ng anak mo!" Hindi na nakatiis ang ginang at pumagitna na ito sa mag ama.
Hindi nagsalita ang Daddy ni Rhian, sa halip ay nag walk out na lang ito sabay palabas ng presinto
"Ako na po ang susunod kay tito, tita..."presinta ni Jayson pero bago naglakad ay nilingon muna nito si Rhian at mukhang malungkot at gusto maiyak sa nangyari sa pinakamamahal nyang babae
.
.
.
.
Umuwi si Rhian sa probinsya nila.
Kasalukuyang nasa creek sya ngayon na paborito nyang tambayan pag umuuwi sya
Madalas dito sya nagmumuni muniat kpag gusto nya mapag isa.
Dito nya rin sinabing magkikita sila ni Jayson dahil gusto daw sya nito makausap. After a few minutes ay dumating na din ang lalaki
"Naalala ko nung una kitang makilala. Panay kwento mo sakin ng lugar na to nung nasa church tayo. Di ko nun enexpect na magkalugar lang pala tayo at biruin mo, taga rito din ako pero di ko pa napupuntahan ang lugar na to. Marami na kasi ako dati naririnig na maganda daw nito pero naniwala lang ako nung ikaw ang nagsabi." Nakangiting sambit ng lalaki
"I told you. There's something in this place na espesyal" sagot naman ni Rhian pero sa malayo nakatanaw
Sinundan ng tingin ni Jayson ang direksyon kung saan naka tuon ang mga mata ni Rhian... Saglit na natahimik ang dalawa.
"I want to tell you something Boo..." Basag ng lalaki sa pananahimik nila
"Me too." -Rhian
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
