Sa labas ng Office
Nag aantay si Rhian ng paglabas ni Glaiza. Kasama nya ngayon ang squad
"Ano ba yan bestie, puro nako usok ng kakayosi mo. Anong oras ba talaga out nun? Baka mamaya nag OT yun at namuti ang mata natin dito kakaantay" inip na sabi ni Bianca
"Konting hintay na lang, dadaan na yun any minute. I trust my source, dati yung taga pre-sales pero lumipat ng tech at team leader yun dun ngayon..."
Sagot ni Rhian"Sino?" Tanong ni Kat
"Si Patty, yung madaming tattoo na chinita. Tinanong ko din kung kilala nya yung Charles at kung bakla ba yun, sabi nya hindi daw. Babaero pa nga daw yun e. Natanong tuloy ako kung intresado daw ako at bakit sa mokong pa na yun. Di nako sumagot masyado kasi baka madulas pako at mag kwento pa yun sa department nila. Atleast diba? Alam kong di pala sya bakla, mailap lang" pero di pa natapos ang sanasabi ni Rhian ng mamataan nito si Glaiza kaya mabilis nyang pinatay ang yosing halos ay panlima na nyang sindi
"Alam nyo na guys ha, Game" sabi ni Alex sa mga kasama
Pumwesto ang lahat
Umayos sina Stephanie at Ken na kunyari ay nagkukwentuhan
Nang malapit na si Glaiza ay lumabas si Rhian at kunyari ay binabati sya nina Steph at Ken kaya lumingon ito at but nati ang mga kaibigan so kunyari ay hindi nya napansin ang taong makakasalubong
Nabangga nya si Glaiza
"Ouch" arte ni Rhian
"Ooppsss! Rhian, sorry"
"Its ok Charles "
Ngumiti si Glaiza at mabilis ding nagpatuloy maglakad
Nataranta si Rhian. Kaya operation plan B sila
"Araaaay!" Oa na sigaw nito
Narinig yun ni Glaiza kaya nilingon nya si Rhian
Pero dahil marami ang nakakita, paunahan ang mga lalaki para alalayan sya
Nang makita ito ng squad, kanya kanya sila ng kuha ng mga lalaking papalapit sana kay Rhian
Deretcho pa din ang lakad ni Glaiza at ng makita ni Rhian na di sya pinansin nito, nagpanick na naman sya
Oh, no... No...no... Hindi ako pwedeng pumalpak... Pero what will I do? Bwesit talaga! Oh M, lumalayo na sya... Ano na Rhian, isip isip na bilis!!!
Maya maya ay parang may pumutok na bulkan.
"Nooooooooooooo!" Sigaw ni Rhian
Sa mga oras na yun ay parang nag slow mo ang lahat
Halos lahat ng tao ay nakiha ang atensyon sa lakas ng sigaw nya
Kahit si Glaiza ay napahinto at nagulat
Walang kumilos at parang lahat ay na estatwa at di alam kung ano ang nangyari at gagawin
Nang mapansin ni Glaiza na walang pumansin ay umaksyon na ito
"Rhian, are you ok? You want samahan na kita sa clinic" tanong ni Glaiza
Biglang nagdiwang ang puso ni Rhian
"Ahhhmmm, yes please... Samahan moko... Thanks" maarteng sabi nito
At binuhat sya ni Glaiza papunta sa clinic ng office.
BINABASA MO ANG
MISS-ter RIGHT (COMPLETED)
FanfictionRastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.