CHAPTER #17

6.6K 274 26
                                        

Kinaumagahan.

After nila magsimba ay ipinasyal ni Rhian si Glaiza sa pinaka paborito nyang part ng bayan nila, sa may tabing ilog.


"Hhhhmmmmm... I miss this place... Lalo na ang ihip ng hangin, napaka sariwa, di gaya ng lagi nating na encounter sa Maynila..." Sabi ni Rhian habang naka pikit pa ang mga mata.


Hindi nman maiwasan ni Glaiza na palampasin ang pagkakataong matitigan ang maamong mukha ng babae habang nakapikit

Biglang nagmulat ng mata si Rhian kaya mabilis na binawi ni Glaiza ang paningin at ibinaling ito sa paligid.


"Ligo tayo!"yaya ni Rhian habang tinatangay ng hangin ang kanyang buhok na sya namang kinaagaw ng pansin ni Glaiza


Para itong dyosa lalo pa at naka bestida ito ng puti. Tinatangay pa ng hangin ang kanyang buhok kaya lutang na lutang ang kagandahan nito

"Huh... E di ako marunong lumangoy Rhi."


"Ano ba yan... Puro ka naman hindi marunong e. Halika na, ako bahala sayo. Hayyy, sating dalawa e parang ako ata ang masculine type" tukso ni Rhian kay Glaiza


Natawa si Glaiza sa narinig.

"Tara na, sumunod ka ha... Ako bahala sayo" sabi ni Rhian sabay takbo papalapit sa ilog

"Pero wala din akong dalang gamit e, wala akong pampalit, mababasa ako, uuwi pa naman tayong Maynila mamaya" -Glaiza


"Edi mag 2piece ka, may extra akong underwear sa bahay. Saka pareho lang naman tayong babae, so it's not a big deal. Tara na" kaway nito kay Glaiza



Pagkasabi nun ay nag umpisa nang maghubad ng damit si Rhian hanggang sa bra at panty na lang ang natira nitong saplot.


Makailang beses napalunok si Glaiza sa nakita. Pakiramdam nya at pinagpapawisan sya ng malamig, her body shiver na daig pa ang nakakita ng multo.

Lumingon lingon ito sa paligid dahil baka may makakita sa babae pero the place was good dahil napapalibutan ito ng maraming kahoy at mejo malayo ito sa main road, kung baga e sadyain ang lugar.


Nakita nitong patalon talon si Rhian na parang na eexcite na bata saka ito tumalon sa tubig. Maya maya ay umahon ito at pakiramdam ni Glaiza at nanigas sya sa kinatatayuan dahil parang sa pelikula, ang hot ng way how Rhian get out of the water na parang nag slow motion


"Oh, para kang na estatwa jan... Tara na... Take off your clothes, mag bra at panty ka na lang, wala namang tao dito kaya wag kang mag alala, walang mamboboso sayo"



Luminga linga uli si Glaiza sa paligid.



"Bilis na"


Pagkasabi nito ni Rhian ay lumangoy na uli ito sabay sisid.


Pero sa tantya ni Glaiza ay mahigit 1 minuto na itong di umahon...



"Rhian?" Tawag nito



"Rhian! Hoy! Bahala ka may buwaya jan!"  Pagbibiro nito pero nagsisimula na syang kabahan


Inikot nya ang paningin pero walang Rhian na umaahon.


Hanggang sa ilang segundo pa ay biglang lumutang ang katawan ni Rhian, naka taob ito at hindi gumagalaw. Kaya walang ano ano at hinubad na nito ang pantalon then her shirt. Naka sports bra ito at boxer shorts. At tuluyan na itong tumalon


MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon