CHAPTER #13

5.6K 272 25
                                    

Nang malingon ni Glaiza si Rhian, kitang kita nito ang gulat sa mukha ng babae

"E-Excuse me, mauna nako" sabi ni Glaiza na halatang lasing na lasing na.


Napako naman si Rhian sa kinatatayuan nya at di makapaniwala at makapagsalita sa sobrang gulat.

Pagkatayo ni Glaiza ay bumagsak ito dahil sa sobrang kalasingan. Na out balance ito pero pinipilita pa din ang sarili na tumayo at malakad.


Biglang napalitan ng pag aalala si Rhian



"Hoy Char~ ...whatever your name...! Lasing ka na... Kung di mo kaya, umupo ka na lang" sigaw nito



Pero parang walang narinig si Glaiza at tuloy pa rin ang hakbang nito kahit gumegewang gewang na papalabas ng bar.


Pasunod na sana si Rhian ng biglang...

"Maam, yung bill po"


Nilingon ni Rhian ang waiter saka dumukot ito ng pera sa bag nya


"Here... Keep the change." Sabay labas nito para habulin si Glaiza


.


.


.


.

Sa labas ng Bar.


"Hoy! Tumigil ka nga. San ka pupunta, nasan ba ang mga kasama mo? May kasama kaba?" Sunod sunod na tanong ni Rhian


Habang nangyayari ito ay nag eenjoy pala sa loob kakasayaw at pagpapacute sa mga girls sina Lovi at Chynna kaya hindi nila namalayan na umalis na nang bar si Glaiza


Tatawid na sana ito sa kabila ng may humaharorot na sasakyan kaya muntikan na itong masagasaan. Mabuti at mabilis syang nahablot ni Rhian


"Ano ba! Siraulo ka ba? Magpapakamatay ka ba?!" Naiinis na singhal ni Rhian kay Glaiza



"Bakit moko shinushundan..." Sabay waksi nito sa kamay ni Rhian na nakahawak sa braso nya

"Kung hindi kita sinundan, baka nagkalasog lasog na yang katawan mo ngayon...! San kaba kasi pupunta?!" -Rhian


"Bakit mo pa gusto malaman?" Pagkasabi ay biglang natumba si Glaiza

Mabilis naman syang nilapitan ni Rhian at inalalayan patayo.


Sa dami ng nainom ni Glaiza ay talagang tinamaan na ito kaya hindi nya napigilan ang masuka. Na sukahan pa nito si Rhian...


"Oh my God! You're so disgusting! Pambihira ka naman oh... " dahil sa bigat ni Glaiza ay natumba nanaman ito sa gitna ng kalsada.


Halos natutulog na ito.

Biglang may dumaan na taxi kaya pinara ito ni Rhian



"Kuya patulong naman. Lasing na kasi tong kasama ko e"


"Ay cge po Maam..." Mabilis naman na bumaba si Manong driver saka tinulungan si Rhian


MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon