CHAPTER #12

6.2K 268 14
                                        

Nang gabing yun, hindi magawang matulog ni Rhian. Panay balikwas lang ito at ni hindi dama ang antok.


Bakas ang lungkot, dismaya at malalim na pag iisip sa mukha nya.


Bakit ganon? Bakit ikaw pa?

Karma ko na ba ito? Kaya pala ang lakas ng amoy nina Diwata. Babae nga si Charles... Pero ano ba ang totoong pangalan nya? Bakit di ko man lang yun napansin o naramdaman?


Pero kahit alam ko na, bakit hindi ako nakakaramdam ng galit o inis? Bakit sya pa din ang umuukupa ng isip ko?


.


.

.


.

Kinaumagahan.

"What?! Babae si Charles? E anong totoo nyang pangalan?" Sigaw at gulat na reaction ni Steph habang binubuksan ang box ng binili nilang pizza


"Sinasabi ko na nga ba e, kaya hindi mapanatag ung vibration ko... Lakas ng pang amoy ko jan sa mga tibooms na yan e" sabi naman ni Bianca sabay pulot ng pizza


"Well, I don't judge him... Este her... I mean, him or her... Whatever. Syempre magkabaro lang kami, kapederasyon, but my God naman... Niloko ka nya girl, nagpanggap sya at hinayaan ka nyang maniwala na lalaki sya." Second the motion naman ni Ken at kumuha din ng pizza at talagang dinalawa pa nya ito.

Hindi naman yun nakaligtas sa paningin ni Katrina kaya mabilis nya itong tinapik.

"Aray naman! Ano ba?!" Reklamo nito with malandi voice


"Dahan dahan lang teh, maka banat ka parang may inambag ka ah" sita nito. Sinyasan naman silang dalawa ng kamao nila.

"Oooppss!!! Tama na yan at hindi kayo nakakatulong, tingnan nyo nga tong bruha na to, tulala nanaman at mangiyak-ngiyak pa." Saway ni Bianca sa dalawa at binaling ang tingin kay Rhian.

"So that tboom pala is not a Mister but a MISS-ter" paismid ni Kat


"Tumpak!" Sang ayon naman ni Steph


"Pucha! Niloko tayo nun ah... Humanda sya sa ginawa nya" sabay taas pa ni Kat ng manggas ng damit nya.


"No guys, hindi lang naman sya ang may kasalanan e, pati din ako." Pagtatanggol ni Rhian.


"Paanong ikaw, aber?" Taray sa kanya ni Ken


Humugot ng malalin na buntung hininga si Rhian.

"Nung gabi na yun sa party na nakilala ko sya, kaya pala ayaw nyang pahalik kesyo nagkakamali at lasing lang daw ako. Madilim lang dun kaya hindi natin nahalata agad. At nung nagsama kami sa hotel, kaya pala walang milagrong nangyari samin dahil ganun pala sya. Nilalayuan nya ako diba, tinangka din nyang sinabi sakin pero masyado akong naging hyper.  Nabulagan ako kasi nga nagkakagusto nako sa kanya kaya hindi ko nakita ang iba sa kanya. She even said na hindi sya lalaki pero hindi ko yun pinansin kasi akala ko trick nya lang yun para layuan ako. Maging sya din, parang di nya alam na di natin nagets kung ano sya." Paliwanag ni Rhian sa mga kaibigan


"Kahit na," taas kilay ni Bianca



"Baka kasi nahihiya at natatakot lang yung tao" -Rhian


"Aba... Aba... Hhhmmmm i smell something... Don't tell me pinagtatanggol mo sya?" Si Ken nanaman


"No. What I'm trying to say is hindi nya naman tau totally na niloko" -Rhian


MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon